Chapter 18

7.8K 269 12
                                    

F*cking Hot

[Margaux's Point Of View]

Lumipas pa ang mga araw at tuluyan ng gumaling si Blue mula sa lagnat nya. Inalagaan ko kasi ito ng mabuti, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit nag-aalala talaga ako ng sobra sa kanya.

Pero siguro dahil tao rin ako na may damdamin at konsensya. Oo, iyon lang iyon. Ayuko munang bigyan ng ibang meaning ang mga ikinikilos ko lalo na ang mga nararamdaman ko pagdating kay Blue.

"What?! No Mom!" natigilan ako ng marinig ang dumadagundong na sigaw ni Blue mula sa sala.

Kasalukuyan kasi akong naglilinis dito sa kwarto naming dalawa ni Blue, ito man lang ang maging kooperasyon ko dito sa bahay.

Muli kong narinig ang pagsigaw ni Blue kaya naisipan kong lumabas na ng silid. Dumungaw lamang ako sa may hawakan ng hagdan.

"Son, dati naman gustong-gusto mo na bumibisita ang mga pinsan mo dito" mahinahong sabi ni Mommy Carolina habang naka-upo sa long couch.

Si Blue naman ay nakatayo sa harapan nito. Damang-dama ko ang galit na nararamdaman ngayon ni Blue.

So, bibisita pala ang mga pinsan nya dito? Hindi ko man lang naisip na may kamag-anak pa pala ito? Pero bakit ayaw nyang magpunta dito ang mga pinsan nya?

"It was before Mom, hindi na ngayon!" mataas ang boses na sagot pa ni Blue sa ina.

"Son, can you please tell me what is wrong? Para naman maayos natin"

"Mom, kasama ko sa iisang bubong ang asawa ko. Paano kung matipuhan sya ng mga pinsan ko? My wife is only mine"

Nagulat nalang ako saking sarili dahil saking biglaang pagngiti. Well, nakakatuwang malaman na nagseselos si Blue at sa mga pinsan pa nya iyon.

"Son, matitino ang mga pinsan mo at alam nila ang kalagayan mo kaya hindi sila gagawa ng ano mang bagay na hindi mo magugustuhan. Isa pa, kasama rin nila sa Pai at Alia. I'm sure matutuwa si Margaux na magkakaroon sya ng bagong kaibigan at ibang makakasama dito sa mansion"

"No! Ayukong may ibang tao na makakakita sa asawa ko!"

"Pero anak"

"My decision is final!" sigaw pa ni Blue bago lumabas ng sala at padabog na sinirado ang pinto.

Napahinga ako ng maluwag dahil hindi na naman nagwala si Blue. Talagang nagkakaroon na ng pagbabago kay Blue, salamat naman.

Umagang-umaga ay high blood na kaagad ako. Nakakapang-init ng ulo si Blue. Napakatigas naman kasi ng ulo nito, ang sarap ngang i-umpog sa pader eh.

"Blue, pumayag kana kasi!" inis na bulyaw ko at binato ito ng unan.

Nakiusap kasi sakin kahapon si Mommy Carolina na kausapin ko si Blue tungkol sa pagbisita ng mga pinsan nito dito, pero hindi ko mapilit ang mokong na ito.

Tama naman kasi ang ina nito. Mas makakabuti ang pagbisita ng mga pinsan nya para mas lumawak pa ang pakikipagkomunikasyon nya sa ibang tao.

"I said no Wife!"

"Ok fine, kung ganon hwag mo akong kakausapin kahit kailan!" bulyaw ko pa sa kanya at tinalikuran na ito.

Akmang lalabas na ako ng aming kwarto nang bigla nyang higitin ang kaliwang kamay ko bago iniharap ako sa kanya at ikinulong ako sa mga bisig nya.

"Alright, pumapayag na akong bumisita ang mga pinsan ko. But promise me that do not entertain the boys" ma-awtoridad na sabi nito.

Tumango nalang ako kahit alam ko naman na imposible iyon. I am human and his cousins are human too, hindi namin maiiwasan na kausapin ang isa't-isa o kahit titigan man lang.

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon