Chapter 33

6.7K 203 12
                                    

Almost A Happy Ending

[Margaux's Point Of View]

"Go baby Bluese! Go!" mahina akong pumapalakpak habang masayang pinapanuod si Bluese.

He is now one year old and eleven months at unti-unti na syang nakakapaglakad na talaga namang achievement para samin ni Blue.

Sana nga ay magtuloy-tuloy na. Nakakatuwa kasi at nakakaaliw panoorin ang anak namin  habang sayang-saya itong naglalakad.

"Oh, got you!" bulalas ko nang muntik na itong mapadapa sa kama, mabuti nalang at nasalo ko kaagad.

Akmang bubuhatin ko na si Bluese nang umiyak ito at naglilikot, mukhang gusto pa nitong maglakad kaya hinayaan ko nalang muna. Masyado nyang ini-enjoy ah?

"Wife?" natigilan ako at nilingon ang aking napakagwapong asawa na kapapasok lang saming kwarto.

"Hey Husband!" sinalubong ko ito mahigpit na yakap.

Kahit na magkasama at pauli-uli lang kami sa loob ng mansion ay nakakamiss parin itong kasama. Madalas kasi ay magka-iba kami ng lugar na pinagtatambayan.

Minsan ako nasa kusina, sya naman ay nasa kwarto. Minsan nasa garden ako tapos sya ay nasa library. Well, ganon ko kamiss ang asawa kong ubod ng gwapo.

"I miss you, Wife"

"Mas namiss kita Husband"

"Naku, kayo talagang dalawa. Para namang hindi kayo nagkakasama sa iisang bubong" sabay kaming napalingon ni Blue kay Marga na nakasilip pala sa may pinto.

Kakamot-kamot si Blue na dumistansya sakin. Ito naman kasing si Marga eh, hindi man lang kami bigyan ng consideration at ng privacy.

"Teka nga Marga, ano bang ginagawa mo dito?" nakataas ang isa kong kilay na tanong sa kanya.

"Hihiramin ko muna si baby Bluese. Isasama ko sya sa Manila dahil susunduin ko si Ate Aira"

"Alright" sagot ko at binuhat si baby Bluese at inabot sa kanya, inabot naman ni Blue rito ang mga gamit ni Blue.

No need na bihisan ang anak namin dahil nagawa ko na iyon kanina pa. Napaliguan ko na at napalitan ko narin ito ng diaper. Always akong handa.

"Sige Ate, aalis na ako"

"Mag-iingat ka Marga. Siguraduhin mong walang makakasunod sayo inyo ni Aira na ibang tao pauwi dito" pagpapaalala ko sa kanya.

Well, speaking of pauwi dito. Simula nung magkakilala ang family ko at family ni Blue ay napag-usapan na dito na muna titira sa bago naming tirahan si Marga. At si Aira naman ay bumibisita samin every last week of month.

"Ok Ate. Bye" pagka-alis ni Marga ay kaagad na isinarado ni Blue ang pinto at nilock pa iyon.

"Why did you locked it?"

"We need a privacy Wife" Blue answered in a husky voice.

Napahagikhik ako dahil sa tono ng pananalita nito. Naku, mukhang may milagro na namang magaganap dito sa kwarto between me and him.







"Arf, arf, arf!"

"Heto na nga Araux oh, ito na iyong pagkain mo kaya hwag kang magreklamo dyan ah?"

Binuksan ko ang maliit na pintuan ng kulungan ni Araux upang ilagay ang kanyang pagkain sa bowl at muli iyong sinaraduhan.

Bumalik ako sa kusina to wash my hands. Babalik narin sana ako sa kwarto nang bigla nalang nagtatakbo palapit sakin si Blue at buhat nito si baby Bluese.

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon