Chapter 35

7.2K 192 0
                                    

His Heart

[Margaux's Point Of View]

Huminga ako ng malalim then I cheered up myself. Go Margaux, alam kong kayang-kaya mo ito. Nagawa ko narin naman ito noon diba?

All I have to do is to pick my things mula sa kwarto namin ni Blue at tatakas ako rito palayo kasama ang anak kong si Bluese. That's all.

Yes I love him, I love Blue so much pero hindi ko na kayang tanggapin ang nalaman ko. Masakit sakin na nagkaroon sya ng ibang asawa, ramdam ko iyong pagkirot ng puso ko at ang selos pero nangingibabaw sakin ang pagka-awa sa mga asawa nyang napatay nya at takot naman para sa sarili ko at maging sa anak namin.

Gusto kong pagkatiwalaan si Blue na hindi nya kami magagawang saktan pero hindi ko talaga magawa. Masisisi nyo ba ako? Hindi normal iyong ginagawa ni Blue noon.

Sobrang nakakapanghina at nakakapangilabot sa pakiramdam pero para sa anak ko, nagpapakatatag ako. Kasi ako lang naman ang maaaring magtanggol sa kanya... Mula sa kanyang ama.

"Margaux, you can do this" sabi ko pa sa sarili ko bago dahan-dahang pinihit ang doorknob ng pinto ng kwarto ni Bluese bago lumabas.

Sa kwarto kasi muna nito ako natulog dahil iniiwasan ko si Blue. Hindi ko pa kayang harapin ang ama nya lalo pa't kanina ko lang naman nalaman ang sekreto nito na hindi ko na magawang matanggap pa.

"Wife?"

Tila hindi nag-function ang aking mga dugo at ramdam kong namumutla ang buo kong mukha at katawan nang marinig ang baritonong boses ni Blue mula sa likuran.

Hindi ko sya nagawang lingunin dahil hindi ko magawang igalaw ang aking katawan. Mas nadagdagan pa ang aking kabang nararamdaman nang yumakap ito saking likuran.

"Saan ka pupunta Wife?"

"W-wala, magpapahangin l-lang ako sa l-labas" nauutal kong sagot.

"Really? Akala ko tatakasan mo na ako eh. Pero alam ko namang hindi mo ako matatakasan dahil palagi akong nakabantay sa iyo. Tsaka hindi mo naman talaga ako tatakasan kasi mahal mo ako diba?"

Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Wife? I'm hungry" natigilan ako at biglang may pumasok na ideya sa isip ko.

"I'll cook for you"

"Talaga Wife? Hindi kana ba galit sakin?"

"H-hindi na. Sige na, mauna kana sa kusina dahil may kukunin lang ako sa kwarto"

"Alright Wife" nakangiti nya akong iniwan at ako naman ay nagmamadaling pumasok saming kwarto.

May kinuha akong kahon sa ilalim ng kama. Nasa loob noon ang pampatulog ni Blue. All I have to do is turukan si Blue ng pampatulog para makatakas kami ni Bluese.

After kong maayos ang gagamitin ko para mapatulog si Blue ay nagtungo na ako sa kusina para ipagluto ito ng pagkain nya ngayong gabi.

Mabilis ko iyong tinapos at inihain ang pagkaib sa harapan nya. Pumunta ako sa likod nya at tinurukan ang batok nya. I'm sorry Husban, I'm so sorry Blue.

"Wife?" nanghihinang lumingon sakin si Blue.

Hinawakan ko ang magkabilaang pisnge ni Blue at pinaglandas ang aking mga daliri. Marahan kong hinalik-halikan ang kanyang buhok at noo.

"I'm sorry Blue for doing this to you. Pero sana maunawaan mo. Mahal kita Blue pero hindi ko na kayang tanggapin ang itinago mong sekreto sakin"

"No W-wife, don't leave me"

The Serial Killer Is A PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon