Chapter 25

7.1K 228 9
                                    

Kidnapped

[Margaux's Point Of View]

Nakangiti at excited akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama at mabilis na niyugyog ang katawan ng natutulog na si Blue.

Mahimbing ang pagkakatulog nito kaya ayaw pang bumangon. Kinurot ko ng mariin ang puwet nito na nagpagising sa kanya.

"The h*ll Wife! Ang sakit naman nun!"

"Ayaw mo kasing gumising eh. Baka nakakalimutan mong nagpromise ka sakin na mamamasyal tayo sa siyudad?" may halong pagtatampo na sabi ko.

Umupo ito sa harapan ko bago pinisil-pisil ang aking magkabilaang pisnge. Pinagdikit nya ang aming mga noo bago hinalikan ako ng mariin sa labi.

"Alam ko iyon Wife at hindi ko iyon makakalimutan"

"Alam mo naman pala eh. Bakit hindi kapa nakilos dyan?"

"I'm just wasting for your payment" bahagya akong napalayo sa kanya.

"Payment? For what?"

"Mamamasyal tayo sa siyudad diba? At may bayad iyon"

Tumaas ang isa kong kilay. Kailangan ko pa talagang bayaran sya na asawa ko dahil lang sa mamamasyal kami sa siyudad? Is this kind of joke?

"Magkano ba?" tanong ko kahit wala naman akong pera.

"Ayos na siguro kung one hundred" sagot nito na may pagtaas pa ng parehong kilay.

"Gosh Blue, one hundred lang pala eh. Saglit, manghihiram ako ng pera kay Manang" tinalikuran ko na ito at akmang tatayo na nang bigla nalang nya ako higitin sa braso at iniharap sa kanya.

"Hindi mo mauutang ang one hundred kay Manang"

"At bakit hindi?"

"One hundred kiss ang tinutukoy ko. Don't tell me hihiramin mo ang labi ni Manang? Have mercy on me, Wife"

Natahimik ako bigla at pagkaraan ay napahagalpak ng tawa. Loko-loko talaga itong si Blue. Maging si Manang ay nadamay pa sa kalokohan nya.

"So, makakapagbayad kana ba? Time is runnin---" hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita at kaagad syang sinunggaban ng halik sa labi.

I really love kissing him.






Hindi ako matigil sa pagtawa nang makababa kami ni Blue sa sinakyan naming Space Shuttle kani-kanina lang. Ang sakit na nga ng tiyan ko eh.

Sino ba namang hindi matatawa kapag nakita nyo ang mukha ni Blue na hindi maipinta. Para syang may sakit na nagpipigil tumae.

"Haha, Husband kaya mo pa?"

"I a-am" mahinang sagot nyo sabay takip ng bibig.

"Oh, nasusuka ka ba?" tanong ko na hindi nito nasagot.

Napa-iling-iling nalang ako bago sya binigyan ng candy. Effective kasi ang sweets kapag nakakaramdam ka ng pagsusuka.

Mokong kasi na ito eh, ang galing-galing na magyayang sumakay ng Space Shuttle pero hindi naman pala nya kaya. Todo sigaw pa nga sya kanina eh.

"Tara nga, humanap muna tayo ng mauupuan at mapaghihingahan" sabi ko pero may ginawa ito na nagpangunot ng noo ko.

He just kneel down his right knee at hinigit ako pa-upo sa kanyang kaliwang hita. Seriously? Mabuti nalang at nandito kami sa gilid ng daan.

"What are you doing Blue?"

"Bakit kapa hahanap ng upuan eh pwede mo naman akong gawing upuan. Tsaka sinabi mong humanap ng mapapagpahingahan diba? Lumalakas ako at nagkaka-energy when I'm near with you"

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now