Chapter 34

6.5K 189 15
                                    

Inside The Secret Room

[Margaux's Point Of View]

"Wow!!! Mommy ang ganda po dito!" tuwang-tuwa at manghang-mangha na bulalas sakin ni Bluese.

Kahit ako naman ay namamangha rin at natutuwa lalo na kapag pinagmamasdan ko ang loob ng mansion na una naming tinirahan ni Blue.

Oo tama kayo ng naisip, napagdesisyonan namin ni Blue na bumalik ng Montemayor Island tutal dito sya lumaki at dito rin nagsimula ang lahat-lahat samin.

Grabeh, walang pagbabago sa mansion na ito. It is still the same as ever. Kahit na maraming taon na ang lumipas ay maayos parin itong mansion. Kaso lang sobrang maalikabok at kailangan na ng matinding linis.

"Hey son, welcome home!" nilingon ko si Blue na kapapasok lang sa loob.

Inilapag muna nito ang mga gamit na dala-dala at kaagad na binuhat si Bluese. Hindi ko aakalain na ganito ka-sweet si Blue sa anak naming si Bluese after ng lahat ng mga nangyari.

Naaalala ko pa kung paano pagtangkaan ni Blue ang buhay ko para lang mawala sa landas nya ang anak namin. Pero look at him now. Masaya nyang binubuhat ang aming five years old na anak. Talagang nagbago na ito, though hindi parin naaalis ang ilang pag-uugali ng isang psychopath sa pagkatao nya at least hindi na katulad ng dati.

Nagtataka nga ako eh. Minsan naiisip ko kung matatawag pa bang isang psychopath si Blue. I mean, there's no cure for a psychopath right? Madalas sa inappropriate pang way ang ginagamit ng mga taong may kaalaman sa kondisyon ni Blue para lang mapatino ang tulad nya. Pero wala naman akong ibang ginawa kay Blue kundi ang iparamdam ko sa kanya ang pag-aalaga ko at higit sa lahat ang pagmamahal ko. So I considered Blue as a normal people, he is not longer a psychopath for me.

"Mommy!" napapitlag ako nang marinig ang pagtawag sakin ni Bluese.

"Bakit anak?"

"Naku son, mukhang lipad na naman ang utak ng Mommy mo. Paniguradong iniisip na naman nya ako" napa-irap ako dahil sa sinabi ng magaling kong asawa tapos sinundan pa nito ng malakas na halakhak.

Ang sarap pasukan ng baggage iyong lalamunan nya. Grabeh kasi sa halakhak na para bang may masama syang plano. As if naman sya iyong nasa isip ko. But wait a minute, hindi nga ba?

"Tama na nga po iyan. Mommy I'm hungry and very tired po sa naging byahe natin" pagsabad ni Bluese at kinusot-kusot pa ang mga mata.

"Husband, dalhin mo muna si Bluese sa magiging kwarto nya. Ipagluluto ko lang kayo ng meryenda"

"Sige Wife. Ako naman ay magsisimula ng mag-ayos ng mga gamit natin" I just smiled at him as a respond at hinayaan ko na itong maka-akyat sa second floor.

"Baka nakakalimutan mo kami Ate?" gulat akong napalingon sa may likuran ko.

Oh, I forgot na kasama nga pala namin dito si Marga at si Aira. Maging si Chester ay narito rin, well ayos naman na kami ngayon. Nakapagpatawaran narin sila ni Blue at ang nakakatuwa pa ay nakakakita na itong muli.

"Ay sorry sa inyo" paumanhin ko.

"Eh teka nga Margaux, ano bang dahilan at isinama mo kami ritong tatlo?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Aira.

"Magpapatulong sana ako sa inyo na maglinis dito sa mansion eh" pagkasabi ko nun ay wala na akong narinig sa bunganga ni Aira at Marga kundi puro reklamo.

Natatawa nalang kaming pareho ni Chester dahil sa walang tigil na pagrereklamo ng dalawa. Nakakahiya naman na magpatulong sa kanila, kaya lang ay hindi namin kakayanin ni Blue na linisin itong buong mansion lalo pa't napakalawak nito.

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now