Chapter 3

11.2K 347 22
                                    

Condition

[Margaux's Point Of View]

Tatlong araw na ang nakakalipas at hindi ko man lang magawang lumabas ng kwarto ko dahil sa mga nangyari nung gabing nakilala ko ang serial killer na si Blue Arcane Montemayor.

Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat ng clue na ang lalaking nasa dilim, ang lalaking palaging nag-iiwan ng marka sakin at ang serial killer ay iisa.

Alam ko na ngayon kung bakit nandoon kung nasan ako palagi ang lalaking nagtatago sa isang sulok na hindi naaabot ng ilaw ng bar na pinupuntahan ko. Alam ko na ngayon kung bakit palaging naroon ang admirer ko kung nasan rin ako, at alam ko na ngayon kung bakit iyong mga lalaking nakikilala ko o iyong mga taong nakaka-away ko ang pinupuntiryang paslangin ng serial killer.

Napahawak ako saking dibdib nang manikip na naman ito. Imbes na kiligin ako ay takot ang nararamdaman ko. You can't blame me.

Isn't it obvious that Blue Arcane Montemayor is obsessed to me?! Nakakatakot, this is too much! Handa itong pumatay para lang sakin? That is not what I want for a guy.

Oo, isa sa mga ideal man ko ang poprotekta sakin but the h*ck?! Baliw na yata ang lalaking iyon. May saltik na iyon sa utak to kill people.

Pumasok muli sa isip ko ang mukha ni Blue Arcane nung gabing saktan nya si Chester. He is laughing quietly, he is enjoying hurting people. Kaya ba sya tinaguriang serial killer?

"Ate Margaux" napapitlag ako nang biglang umupo sa lap ko si Marga.

"Marga"

"Ate, tulala ka na naman. Iniisip mo na naman ba iyong gabi na nakilala mo si Mr. Serial Killer?"

"Lower your voice Marga, our parents might hear you" bulong ko rito.

Ayukong ipaalam sa parents ko na kilala ko kung sino ang serial killer. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit. Basta ang alam ko lang ay dapat manahimik ako.

"Ate Margaux, ang init naman sa kwarto mo. I'll open the window" akma nitong bubuksan ang bintana pero pinigilan ko ito.

"Why Ate?"

"It's lock. Baka kasi may ibang makapasok" may laman iyong salitang binitawan ko.

Nakakapasok si Blue sa kwarto ko kahit nakalock iyon. Kaya mas dinoble ko ang lock ng bintana, mabuti naman at gumana iyon. Tatlong araw ko ng hindi nakikita si Blue.

"Huy kayong dalawa!" sabay kaming napalingon sa nagsalita.

Napa-irap pa ako nang makita ko na naman ang impakta kong panganay na kapatid na si Margoe. Sana sya nalang iyong napunta sa kalagayan ni Chester. But of course it is a joke, kahit paano naman ay may puso pa ako para rito. Of course we are sisters after all.

"Bumaba na kayo. Buong pamilya tayong bibisita kay Chester sa Hospital"

"Pamilya?" nakangisi kong tanong.

Sinabi nya ang word na buong pamilya right? So naisip parin pala nito na pamilya kaming dalawa sa kabila ng kasamaan ng ugali nito?

"Don't expect too much, Margaux. Ginaya ko lang ang sinabi ni Daddy. I'm not considering you as one of my family. For me, you are just the cause of Chester suffering"

Umirap nalang ako sa hangin at hinayaan na itong lumabas ng kwarto ko. Wala ako sa mood na makipag-away sa kanya ngayon. I need a peace of mind today.

"Ate, bakit naman nagpatalo ka doon?" inis na tanong ni Marga bago padabog na umupo sa kama ko.

"Marga, ayuko muna ng gulo. Kailangan ko ng kapayapaan"

"Ang sabihin mo Ate, nakokonsensya ka dahil sa nangyari kay Kuya Chester. Don't be, Ate Margaux. Wala kang kasalanan"

The Serial Killer Is A PsychopathWhere stories live. Discover now