Chapter One

8.9K 127 33
                                    

IRENE'S pov

"Irene, ano? Tara na!" patakbong lumapit si Joy papunta sa'kin. Kanina pa nila ako pinipilit na sumama sa kanila para manood ng movie, eh parang mga tanga kala mo walang exam bukas.

"Kulit mo noh? Mag-aaral nga ako, sa susunod nalang." nakita ko naman si Yeri na papunta rin sa pwesto namin kaya napabuntong hingina nalang ako.

Tangina. Isa pa to.

"Aral aral pa. Ilang oras lang naman yon unnie!" kulit nitong mga to, alam naman na 'di ko pwedeng pabayaan grades ko.

Sa sobrang strict ng parents ko pagdating sa grades, shit talaga sobrang nakaka-pressure. Gusto nila lahat uno eh kala mo naman talaga 'di sila nakakuha ng tres nung nag-aaral pa sila.

By the way, I am Bae Irene. Yeri and Joy are just one of my friends. Hindi kasi namin ka-building sina Jennie at Solar. Iba rin schedule ni Wendy at Nayeon kaya kaming tatlo ang magkakasama.

We're taking medicine, so minsan lang talaga magkaron ng free time kaya kung meron man, sinusulit na nitong dalawa.

"Hindi ako sasama." seryosong sagot ko sa kanila. Isinabit ko ang bag ko sa balikat ko at nagsimula ng maglakad palayo sa kanila.

I know that's mean pero hangga't hindi ako umaalis, hindi talaga sila titigil.

Alam naman nila kung anong kayang gawin ng parents ko once na bumaba ang grades ko kahit point. Oh diba OA? Malay ko kung bakit sila ganyan, parang pag bumaba ako eh hindi na 'ko magkakaron ng magandang future.

Hindi naman kami mahirap, I can say na mayaman kami pero my parents want me to live like a normal one, like, hindi gumagamit ng kotse papasok ng school, walang bodyguards, wear normal clothes, pero hindi baduy, I have sense of fashion parin naman. I have my own car din, pero ginagamit ko lang tuwing may malalayong pupuntahan. Minsan ko lang din magamit credit card ko dahil kina mom and dad nag nonotice kung may binibili ako.

Nakakasakal diba? Pero sanay na ko. Simula bata ako ganyan na sila sa'kin. Ayaw daw nila 'ko na lumaki na umaasa sa yaman namin. They even banned me from talking to other people outside, hindi raw kasi namin kilala ang pagkatao nito kaya it's better not to talk to them para safe, kaya hindi rin naging maganda ang social life ko, lumaki akong 'di marunong makipag socialize. Buti na nga lang nagkaron parin ako ng mga kaibigan dito.

Naghihintay ako ngayon ng bus na masasakyan pauwi. Normally, may naghihintay dito, ba't parang wala ngayon?

Makalipas ang ilang minuto ay may dumatin na rin, kaya agad naman akong sumakay.

I turned on my phone and start scrolling through my social media.

Ang weird lang kase recently, sunod-sunod ang mga riot at gang wars. May mga politician din na bigla nalang namin mababalitaan na, inambush or pinasok yung bahay. Hindi parin kilala ang grupong gumawa neto kaya hindi nakakampante ang mga tao rito.

Pero for us? It's normal. Hindi naman ako hahayaan ng mga magulang ko na mag commute kung takot sila diba? Wala namang mangyayari sa'kin and I'm sure of it.

Huminto na ang bus sa dapat kong babaan kaya bumaba na 'ko. Kailangan ko pang maglakad para makarating dun sa subdivision namin. Layo layo kase ng bus stop eh punyeta! Wala pang dumadaan na trike or anything na pwedeng masakyan papunta don.

Jusko sayang talaga ganda ko kung lagi akong haggard dahil sa pag cocommute!

Napahinto ako sa paglakad ko nang may marinig akong ingay. Lumingon-lingon ako para hanapin ang ingay, napahinto ako ako sa isang bahay na may malaking likod-bahay.

Agad akong nagtago sa isang malaking puno para makita kung ano ang nangyayari.

Ano ba 'tong pinapasok ko? Alam kong pwede ko 'tong ikapahamak pero tinuloy ko parin.

Nakita ko ang isang babae na may hawak na baril habang nakatutok ito sa lalaking nakaluhod sa harap niya. Hindi ko masyadong makita yung mukha niya dahil sa takip na nasa mukha niya. Pero maganda ang korte ng katawan niya, magaganda rin ang mata niya.

May kasama rin siyang siyam na lalaki na nakapalibot sa kanila. Anong meron dito? 'Bat mukhang takot na takot yung lalaki sa harap niya?

"Sasabihin ko sa'yo lahat! W-wag mo 'kong patayin, nagmamakaawa ako sayo." pagmamakaawa nung lalaki, ngunit tumawa lang ang babaeng nasa harap niya at sinipa siya.

"Sa tingin mo maniniwala ako? Hindi ako gago para hindi mapansing espiya ka ng sira ulong 'yon! At alam mo kung anong ginagawa ko sa mga traydor? Ganito." pagkatapos niyang sabihin iyon ay ipinutok na niya ang baril kaya napasigaw ako.

Hayop! Nakita nila 'ko?

"Boss may nakakita!" sigaw nung matangkad na lalaki na may malaking tenga. Basta ayun, mag imagine nalang kayo.

Agad naman akong tumayo at tumakbo. Rinig na rinig ko ang mga yapak nilang nakasunod sa'kin kaya mas lalo kong binilisan ang takbo ko hangga't makarating ako sa mataong lugar. Palengke ata to?

Nakita ko ang ilan sa mga tauhan niya na palingon-lingon. Tangina ano ba to!

Habang tumatakbo ako, sinubukan kong buksan ang phone ko para tawagan si dad. He knows what to do.

"D-dad..." hingal na hingal kong tawag sa kanya. Rinig ko naman ang pagpapanic niya.

"Anong nangyayari sa'yo?! Joohyun!" tiningnan ko naman kung nasaang lugar ako para alam niya kung saan ako pupuntahan.

"D-dad andito ko sa palengke malapit sa subdivision natin. Please I need your help."

"Protect yourself Joohyun, papunta na ko." binaba ko na ang tawag at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Pucha ano ba to? Dapat di na ko nanood eh. Dapat pala sumama nalang ako kina Yeri manood!

"Pumunta ka sa harap ng palengke, andun na ang mga tauhan ko." nang makita ko ang message ni dad ay agad akong tumakbo papuntang harap ng palengke.

Hay salamat, nakita ko ang van ng mga minions niya. Agad nila akong pinasakay at pinaharurot ang sasakyan.

Sino ba yung mga 'yon? At bakit parang alam na alam ni dad ang nagyayari dahil sa dami ng pinadala niyang minions.

Nakarating naman agad kami sa subdivision dahil malapit lang naman to sa palengke. Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si dad na naghihintay.

"Dad!" tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya.

"Ayos ka lang Joohyun?" tanong niya. Actually 'di ko din alam, sino ba namang magiging okay pagkatapos tumakbo ng pagkahaba haba diba?

"Magpapahinga muna 'ko dad." umakyat ako sa kwarto ko at nahiga.

Hindi ko alam kung bakit naiisip ko parin yung babae kanina. Paulit-ulit kong nakikita ang mukha niya sa isip ko. Kahit kalahati lang ng mukha niya ang nakita ko, I'm sure na maganda siya.

Bakit ba iniisip ko pa 'yon! Leche naman Irene! Intindihin mo buhay mo ngayon.

But one thing's for sure, everything that happened here, may kinalaman sila.

**********
A/N: So hey! I'm back again. Kung nabasa niyo yung first fic ko, don't expect na magiging katulad to nung Always Be Mine cuz this is different from the first one.

Expect more action and foul words hehez syempre di naman mawawala yun diba? I also considered your opinions from my previous story para gawing better tong fic na to.

I hope you'll still support me with this one. 😁😘

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now