Chapter Sixty-four

1.6K 48 27
                                    

SEULGI'S POV

Hindi ko alam kung tatawa ba ko o ano dahil sa itsura niya ngayon eh, pft!

"Just kidding.." Dagdag ko. Nagulat nalang ko nang makatanggap ako ng malakas na hampas sa braso kaya muntik ko nang maliko yung manibela. Puta!

"Baby I'm driving!"

"Eh bwisit ka eh!" Sagot na at tumingin sa bintana at tumalikod sakin.

Napangisi nalang ako. Umasa ata siya hahaha!

"Gusto mo ba?" Ngisi ko. Hindi parin siya humaharap sakin.

"Kung gusto mo pwede naman eh.. Sabihin mo lang..." Marahas siyang humarap at masamang tumingin.

"Alam mo.. Tanginamo! Nakakainis ka!" Sigaw niya.

Hindi ko na mapigilan ang tawa ko dahil sa sobrang pula ng mukha niya. Dapat pala hindi ako magjoke about sa kasal dito pft! Nagagalet pag di totoo.

"Tawa tawa ka diyan.." Bulong niya pero sapat na para marinig ko.

"Kasal na tayo diba? Sa papel nga lang.." Nanlambot naman ang ekspresyon niya.

"Baket? Di mo ko balak pakasalan sa simbahan?"

"Papakasalan kita, pero hindi dito sa Philippines. Hindi pa legal ng same sex marriage dito... I'm thinking... What about.. sa France? Germany? U.S? What do you think baby?" Sunod sunod kong tanong pero hindi ako nakatanggap ng sagot kaya tumingin ako sa kanya na nakangiti lang sakin.

"Why?? Baby you're creeping me out, bakit ka nakangiti?"

"Wala. Cute mo eh. Tsaka sa mga tanong mo... Kahit saan, basta ikaw pakakasalan ko ayos lang." Ako naman ang di makapagsalita ngayon... Lah gago kinikilig ako...

Nagfocus nalang ako sa pagdadrive at ipinatong ang isa kong kamay sa hita ko habang tinatahak ang expressway.

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.

"Baby wag ka masyadong kiligin, you're driving.." Ngisi niya.

"Edi wag mo kong pakiligin."

"Okay!" Sagot niya sabay halik sa pisngi ko.

"Baby! Wag makulit! Baka ihinto ko to bigla diyan sa gilid, hahalikan agad kita." Saway ko pero mas tumawa lang siya.

"Eto na, di na nga po." Napangiti nalang ako at nagfocus ulit sa pagdadrive. Mahaba habang biyahe pa to pero sa TPLEX naman ako dadaan para mas mabilis makarating ng Baguio..

"Patugtog ako byy.."

"Sige lang."

Unang tumugtog ang Alapaap ng Eheads... I love her taste.

"Mahilig ka pala sa ganyang tugtugan.."

"Lately lang.. Nung narinig ko kayong tumugtog.." Napangiti ulit ako..

Nabalot na ng katahimikan ang kotse at tanging kanta lang ang maririnig.

May isang umaga, na tayo'y magsasama
Haya at halina sa alapaap
O, anong sarap, haa...

Hanggang sa dulo ng mundo
Hanggang maubos ang ubo
Hanggang gumulong ang luha
Hanggang mahulog ang tala

Solid neto kung tutugtugin din namin to.. Kasama ang banda.. Tulad lang nung dati.

Masdan mo ang aking mata
'Di mo ba nakikita
Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama?

Saglit akong tumingin sa kanya na sinasabay ang ulo sa kanta.. Hindi parin bumibitaw sa kamay ko.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now