Chapter Fifteen

1.5K 57 8
                                    

IRENE'S POV

Pinagbuksan kami ng isang lalaking naka-suit. Ano to? Premiere night? May pa-red carpet, taray!

Pagkababa namin ni Seulgi, lahat sila ay nagsitayuan.

Seulgi interlocked our hands at nagsimula na kaming maglakad sa gitna. Seulgi is just poker face. I'm sure she's showing her strong side right now. I can't see the soft Seulgi anymore.

Hanggang sa makarating kami sa end ng isle, at winelcome kami ng iba't ibang tao. Malay ko ba kung sino sila.

Syempre, just like what Seulgi said, be sweet kaya eto ako ngayon, hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kanya. Ngiti doon, ngiti dito.

Umupo kami sa isang table, exclusively for El Maximus. Everyone's busy talking, about business, killings, projects and more basta eveything is about their businesses as mafia.

Hanggang sa may tumayo sa harap at inayos ang mic.

"Good evening to everyone! Are you all having fun?" lahat sila ay naghiyawan kaya ngumiti yung lalaki.

"Again, I'm Taemin, your host for tonight. Tonight is a very important night for all of us, and I'm sure hinihintay niyo rin tong araw na to. It's my pleasure to stand here in front of you, and to present you, the strongest, greatest and the most powerful mafia! The great, Seulgi Kang!" tumayo silang lahat at pumalakpak.

Tumayo si Seulgi at pumunta sa harap.

"Good evening to all. I'm glad na nakapunta kayong lahat dito. Alam ko lahat kayo ay busy sa mga businesses niyo pero nagawa niyo parin na pumunta. Kaya tonight, hindi ko sasayangin ang pagpunta niyo, I'm happy to announce that I finally found the girl that completes the final piece of my puzzle." narinig ko namang bahagyang tumawa ang Cosmos sa tabi ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang sabihin niya yun.

"I'm glad to introduce to you, my wife! Please come here and join me, love." ano daw? Love?

Dahan dahan akong tumayo at ngumiti sa kanila. Hindi sila humihinto sa pagpalakpak hanggang sa makarating na ko sa harap.

At hindi ko inaasahan....

Bigla niya kong hinalikan sa pisngi at ngumiti.

"Everyone, my wife." tumingin siya sakin at inilagay ang isa niyang kamay sa bewang ko para ilapit ako sa kanya.

Lahat sila ay nagpapalakpakan pero may mga palakpak na nangingibabaw dahil sa lakas, kaya napatingin ako sa direksyon kung saan nanggagaling yung mga palakpak.

Then I saw Joy? Yeri? Wendy? Jennie? Anong ginagawa nila dito?

Tiningnan ko sila pero ngitian lang nila ako.

"Another big round of applause for them!" nabalik ang focus ko nang marinig ko si Taemin.

"Marami ang sumubok, at marami ding nasawi para lang mapa-oo ang nag iisang Seulgi Kang, pero ang tanong, paanong ikaw ang pinakasalan?" nakangising tanong ni Taemin sakin.

Nakatingin lang din si Seulgi sakin at naghihintay ng sagot ko.

"It doesn't matter how and why, ang mahalaga.... I love her, that's why I'm here." sagot ko kaya naghiyawan ang Cosmos.

Nakita ko rin sina Joy na naghahampasan na sa table nila.

"I think yun na ang sagot sa lahat ng katanungan niyo." Sabi ni Taemin sa mga bisita.

Binigay naman niya ang mic kay Seulgi.

"Let's all enjoy this night! And look forward to a stronger future!" naghiyawan naman silang lahat.

"Thank you and congratulations!" sabi naman ni Taemin.

Umalis na kami sa harap at bumalik sa table.

"Gusto ko yung 'It doesn't matter how and why, ang mahalaga, I love her.' tangina feeling ko talaga totoo yun!" minsan feeling ko bakla tong si Baekhyun eh.

"Shut up Baek, baka kung ano isipin ng makakarinig sayo." pagsaway naman ni Suho.

"You did great." bulong niya sakin.

Sobrang lapit ng mukha namin ngayon kaya ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko.

Lumayo naman kami sa isa't isa nang biglang dumating sina Joy.

Tangina netong mga to, kailangan nilang magpaliwanag sakin.

"Ireeeeeene!!!" niyakap ako ni Jennie pero hindi ko siya niyakap pabalik kaya tiningnan niya ako ng masama.

"Oh bakit? Explain now." I said sarcastically.

"Huwag ka na magalit! Ang mahalaga, important!" inirapan ko nalang si Joy at ininom ang wine na nasa harap ko.

"Okay, ganito nalang. Mag eexplain kami after ng party. Let's enjoy this night! May asawa na si big boss!" hiyaw naman ni Yeri.

"What? Big boss?" tumawa naman sila nang itanong ko yun.

"Yup, big boss. Big time na boss!" sagot naman niya.

Uminom ulit ako ng wine pero nung kukuha ulit ako ay pinigilan na ko ni Seulgi.

"Huwag ka ng uminom, matapang yang iniinom mo." kinuha niya ang baso ko at ininom ang natitira.

"Kj mo, lam mo yon?"

"Ayoko lang na malasing ka, baka mas lalo kang pumanget." hinampas ko siya sa braso niya pero tinawanan niya lang ako.

Siya naman ang tuloy tuloy na umiinom ngayon.

Tingnan mo to, mamaya siya na lasing niyan.

At di nga ako nagkakamali. After ilang hours ng pakikipag usap ang siyempre di nawawala ang wine. Lasing na siya.

At napakakulit niya! Nasstress ako ha! Sayang ganda ko sa ginagawa niya.

"Asawa kooo!!! Kiss mo ko!!!" oh diba parang tanga?

"I think we should go na, makakasira kay Seulgi yang ginagawa niya." sabi ni Suho habang nakatingin kay Seulgi na ngayon ay nakayakap sakin.

"I think so too, let's go." tumango siya at kinuha ang car keys ng sasakyan ni Seulgi. Siya ang magdadrive sa kotse ni Seulgi ngayon pauwi.

Umupo kami sa back seat at nagsimula naman na magdrive si Suho.

Tahimik lang kami hanggang sa mangulit na naman tong si Seulgi.

"Irwne!"

"Ano?" I'm trying to be calm pero sa totoo lang nakaka-stress na siya.

"I want hug~~~" I rolled my eyes at niyakap nalang siya. Nakita ko naman si Suho na tahimik na tumatawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

I looked at Seulgi pero nagulat ako dahil nakatingin rin siya sakin. Kaya sobrang lapit ng mukha namin ngayon.

"Ireweeewn!" she whined.

Tiningnan ko si Suho na naghihintay sa susunod na gagawin ni Seulgi habang nakangisi.

Bigla namang hinawakan ni Seulgi ang mukha ko and pulled me....

In a deep kiss.

Hindi ako makagalaw.

Basta ang alam ko lang.

She's kissing me.

~~~~~~~~~
A/N:

Sorry na-late hihihi.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now