Chapter Fifty-five

1.3K 42 9
                                    

SEULGI'S POV

"Hindi ka talaga sasama?" Tanong niya habang iniiwasang tumingin sa'kin.

Ngayon ulit ang simula ng klase nila at gusto niya kasama ako since nasimulan ko na rin naman. Pero nakapag drop na ko dun, si Baekhyun ang pinasok ko para maging bantay nila dahil hindi talaga ko mapapanatag na sila lang ang magkakasama.

Pagka-uwi namin kahapon galing Batangas, wala na kaming ibang pinuntahan dahil pare pareho kaming pagod kaya nandito lang din kami maghapon.

Bumaba ako ng kaunti at pinagpantay ang tingin namin.

"Hatid sundo naman kita, don't worry di naman ako makikipag basag ulo habang wala ka." Sinamaan niya lang ako ng tingin at nagpout.

"Bakit kasi nagdrop ka pa... Edi sana magkasama parin tayo dun."

"Let's go bitches!!!" Sigaw ni Baekhyun na kakalabas lang ng kwarto.

Infairness mukha siyang matino sa suot niyang uniform.

"Sina Suho maghahatid sa inyo, dun kayo sa van. Ako kay Irene. " Hinawakan ko ang kamay niya at dumiretso sa parking.

Nakasunod din sila samin at dumiretso sa van.

Bago pa makapasok si Suho ay tinawag ko siya.

"After niyo silang ihatid dumiretso kayo dun sa bahay ko sa Pasay... Sunod nalang din ako. Sabi ko na ipinagtaka niya.

"May nangyari ba?"

"Makikita niyo pagdating niyo don." Sagot ko.. dumiretso na ko sa kotse.

"Anong sinabi mo kay Suho?" Tanong niya nang makapasok ako sa loob.

Hindi naman na siguro mahalaga kung malaman niya to. Mag iisip lang siya eh.

"Wala naman... Sinabihan ko lang na ayusin pagdadrive." Buti nalang naniwala siya dahil hindi na siya ulit nagtanong.

Tahimik lang siya buong biyahe, ang naririnig ko lang ay ang mga busina ng sasakyan dahil sa sobrang traffic. Buti nalang inagahan namin, hindi naman siguro sila malelate.

"Anong oras tapos ng class niyo?" Napatingin naman siya sakin nang magsalita ako.

Ka-urat kasi kung lagi kaming tahimik, di naman sa boring pero ayoko ng ganon.

"5pm why?"

"Susunduin kita diba? Tsaka, let's have our dinner sa labas."

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa manibela.

Sumulyap ako saglit sa kanya... Agad din naman siyang umiwas ng tingin dahil kitang kita ang pamumula ng mukha niya.

"Baby... Nakapagdecide na ko." Ah... Siguro about to dun sa pagvovolunteer nila sa hospitals.

To be honest ayos lang sakin kahit anong desisyon niya... Kahit na matagal ko siyang di makakasama kung piliin man niyang sumama.

"So??? Anong napili mo?" I tried not to sound angry or sad kasi alam ko tinatantya niya rin ako lalo na ang boses ko kasi dun niya nalalaman kung ano talaga ang nararamdaman ko.

"Sasama na ko... Sabi mo nga, para rin naman sa iba yon tsaka OJT din naman namin yon... win-win lang diba?" Ngumiti siya pero hindi ganun kasaya. Ngumiti ako at hinalikan ang kamay niyang hawak ko.

"Kahit ano namang desisyon mo susuportahan kita eh. Ngayon palang... Proud na ko sayo kasi mas pinili mong tumulong. Alam ko once na umapak ka na sa ospital, hindi na kita mayayakap o mahahalikan pero baby... Once this pandemic ends, believe me, worth it lahat ng pagod at efforts niyo.... Iintayin kita hanggang sa matapos na." Hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya rin ako sa mga pinagsasabi ko kaya pinilit kong magfocus sa daan.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now