Chapter Thirty-two

1.5K 44 5
                                    

SEULGI'S POV

Papunta na kami sa mga bangkang sasakyan namin papunta sa mga cave kaso pakshet napansin pa nila...

"Oy ba't nakahawak ka diyan sa pisngi mo? Mukha kang gago." Tangina netong si Kai.

Hindi ko din alam kung bakit sa liit ng kamay ng babaeng yon, anlakas manampal.

Yes, nasampal ako kanina pagkatapos ko siyang halikan. Ano bang mali don? Miss ko lang naman siya, bawal ba yon? 'Di na siya clingy tulad nung dati, sobrang cold na niya makipag usap sa'kin.

"Ba't sobrang pula ng pisngi mo? Hahaha blush on ba yan? Ba't di pantay?" Isa pa tong si Joy. Hapdi na nga ng pisngi ko huhuhu.

"Tangina niyo tara na." Yun nalang ang nasabi ko dahil nakakairita yung mga tawa nila.

Bago pa makasakay ng bangka si Suho ay tumakbo agad ako papunta sa kanya.

"Jun!"

"Kung itatanong mo kung ayos na yung pinapagawa mo, oo ayos na, nakausap ko na yung bangkero." Alright! Ayos na!

"Sige ikaw nalang bahala sa kanila kapag nagtanong." tumango siya at sumakay ng bangka.

Sumakay na rin ako ng bangka namin at naabutan ko yung apat kasama si Irene.

Nako mukhang talo tayo dito ah. Whatever, stick to the plan pero mukhang kailangan ko pang kausapin tong apat.

"First stop po natin ay ang Timubo Cave, pwede po kayong lumangoy at kumuha ng kahit gaano pa karaming picture. Meron po tayo 20 pesos na entrance fee pero libre na po kayong lahat dahil kay Ms. Kang." sabi nung bangkero kaya parang bigla akong nasamid sa sarili kong laway. Ano bang sinabi dito ni Suho?

Hindi nagtagal at medyo bumilis na ang takbo ng bangka at napansin ko ring sobrang higpit na ng kapit ni Irene sa inuupuan niya.

Nahihiya pang kumapit sakin eh ako lang katabi niya, yung mga kaibigan niyang hampas lupa nasa likod namin, feeling sirena na.

Mukhang takot din siya sa mga mabibilis.... It's my time to shine!

"Kung ayaw mong mahulog sa dagat, kumapit ka na sa'kin kase may mas ibibilis pa to mamaya." Bulong ko sa kanya, pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

Sinenyasan ko ang bangkero na mas bilisan pa dahil mukhang alam naman niya ang plano ko kaya tumango siya at binilisan.

"Ay kuya ano ba yan! Dahan dahan lang!" sigaw ni Jennie pero hindi binagalan ng bangkero.

Hindi parin siya kumakapit sa'kin hanggang sa lumalakas na ang mga alon.

"Kung di ka kakapit baka-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang kinuha ang kaliwang braso ko at niyakap ng mahigpit.

Agad ko namang hinigit yon sa kanya kaya nagtaka naman agad siya.

Nilagay ko ang kaliwang braso ko sa bewang niya at mas nilapit siya sakin kaya wala siyang ibang choice kundi ang yumakap sakin para hindi mahulog.

"Ay marupok!" rinig kong sigaw nung apat sa likod namin pero hindi sila pinapansin ni Irene at nakapikit lang.

"Open your eyes, sayang yung view baby hindi mo ma-aappreciate." Dahan dahan niyang binuksan ang mata niya at tumingin sa paligid, hindi parin niya tinatanggal ang pagkakayakap sakin dahil hindi parin nagbabago ang bilis ng bangka.

"Maganda diba? Pero mas maganda ka." Hindi ko alam kung namamalik mata lang ako pero sigurado akong namula siya sa sinabi ko.

Dahan dahang bumagal ang takbo ng bangka at gumilid, andito na pala kami. Pero nakayakap parin sakin si Irene. Pft hahahaha.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now