Chapter Sixty-five

1.3K 45 17
                                    

IRENE'S POV

Nagising ko ng walang katabi sa kama... Wala rin akong maririnig sa banyo kaya dali dali akong bumangon kaso shit! Maling mali pala... Agad akong napahinto nang maramdaman ang sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Hinablot ko ang hoodie niyang nasa sahig at yun ang sinuot... Hanggang tuhod ko naman yon kaya di na ko magsusuot ng underwears... Hindi ako makagalaw ng maayos fuck!

Dahan dahan akong tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto kaso kada hakbang... Sumasakit ang bandang puson ko. Putangina meses! sakit pala ng katawan after sex...

"Babyyy!!!" Sigaw ko. Hindi ko parin alam kung nasaan siya. Hinintay ko lang siyang sumulpot, di ako makababa ng hagdan ng maayos leche!

"Babyyy! Where are you?" Tawag ko ulit.. Bigla akong nakarinig ng yapak galing kusina.

"Oh gising ka na pala? Bakit nandiyan ka lang?" Tawa tawang tanong niya nang makita ako na nasa pangalawang hakbang palang pababa.

"Gago! Help me, di ako makababa."

"Why?? Bababa ka lang naman?" Ngisi niya.

"Because we had sex stupid! Malay ko bang ganyan kasakit yang daliri mo kaya bilisan mo diyan di ako makababa!"

Tumatawa parin siyang umakyat at agad akong binuhat. Napahawak ako bigla sa batok niya at mahigpit na kumapit. Shit talaga to bridal style pa napili.

Hindi ako makatingin sa baba kaya binaon ko nalang ang mukha ko sa leeg niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Hindi pa niya ko binababa kahit nakababa na kami sa hagdan.

"Sa kitchen, nagluluto ako tatawag tawag ka diyan." Agad ko naman siyang hinampas. Bwisit amp!

"Eh ikaw may kasalanan kaya nagkaganito ko!"

"Ginusto mo naman eh, ayaw mo pa nga akong tumigil." Ngisi niya pa.

"Ibaba mo na nga 'ko! Bwisit ka!" Sinusubukan kong magpumiglas pero agad din akong napahinto nang sumakit ulit ang puson ko.

"Wag ka na malikot, mas sasakit yan.. Dito ka muna, tatapusin ko lang tong niluluto ko." Dahan dahan niya kong inupo sa ibabaw ng kitchen counter, sa gilid lang ng nilulutuan niya pero sakto lang para di ako mainitan.

"Nagluluto ka?" Takang tanong ko. Baka mamaya hilaw na naman yan pft!

"May instructions naman sa box, wag ka mag alala makakain mo to." Sagot niya ng di parin tumitingin sakin.

"Wala naman kong sinabi... Tinatanong ko lang eh.. " Pigil tawa kong sagot. Baka maasar na naman.

"Naisip ko kase.. Baka late ka na magising since... Pagod ka nga kagabi. Hahaha!" Lecheng to.

Ramdam ko ang pagpula ng mukha ko tuwing naaalala ko yung nangyari kagabi.

"Grabe baby! Kagabi ko lang nalaman na wild ka pala talaga!" Manghang sabi niya sabay tawa.

"Tumigil ka nga! Parang gago to.." Irap ko.

Pinatay na niya ng apoy at pumwesto sa gitna ko sabay hawak sa bewang ko.

Tapos gaganito siya ngayon... Parang tanga.. Kala mo marupok ako??

"But you really did great kagabi." Bulong niya sabay halik sa pisngi ko.

Charot lang! Marupok nga pala ko pota!

"Really?" Nahihiyang tanong ko.

"Yeah..." Sagot niya at tinanggal ang pagitan saming dalawa. Agad akong napahawak sa batok niya nang magsimula nang gumalaw ang labi niya.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now