Chapter Forty-five

1.3K 48 4
                                    

IRENE'S POV

Naalimpungatan ako nang may marinig akong pagsara ng pinto. Wala akong maramdaman na nakahiga sa tabi ko.

Wala si Seulgi.

Saan pupunta yon ng alas dose ng madaling araw?

Nagmadali akong tumayo at lumabas ng kwarto. Kahit saan wala siya, tiningnan ko na sa cr, sa veranda, kahit sa kitchen wala siya.

Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya bumalik ako ng kitchen para uminom ng tubig.

Bigla akong kinabahan, weird.

Hindi ko na napansin na dumulas ang baso sa kamay ko kaya agad itong nahulog at nabasag.

"Fuck!"

Tanga naman Irene! Iinom nalang.

"Oh Irene?" Mukhang nagising ko pa si Suho.

Agad akong lumuhod at sinimulang pulutin ang mga bubog.

"Hayaan mo na yan, baka masugatan ka pa." Sabi niya at pilit akong pinapatayo.

"Si Seulgi?" Tanong niya.

"Hindi ko nga alam eh, nagising ako wala na siya." Sagot ko na ipinagtaka naman niya.

"Saan yun pumunta? Wala siya kahit saan dito?"

"Wala, tiningnan ko na lahat."

"Saglet, try ko tawagan."

Nilabas niya ang phone niya at diniall si Seulgi.

"Luh? Hindi sumasagot." Mas lalo akong kinabahan nang sabihin niya yon.

Tangina Seulgi saan ka na naman nagpunta?

Nanghihina na ang tuhod ko, pakiramdam ko may hindi magandang nangyari.

Napansin ata ni Suho ang pagkabalisa ko kaya pilit akong pinapakalma.

"Huwag ka masyadong mag isip, baka uminom lang yun." Kung ano ano pa sasabihin niya eh kita rin naman na nag aalala na siya.

Pumunta kaming living room at patuloy parin niyang sinusubukan tawagan si Seulgi.

Laging cannot be reached fuck!

Hindi ko na namalayan ang oras, alas tres na hindi parin siya sumasagot. Paulit ulit na si Suho sa pagtawag pero wala parin.

"Ano?" Tanong ko.

"Shit! Wala parin eh, saan ba nagpupunta yon!" Napasambunot na si Suho sa sarili niyang buhok.

"T-try mo ulit." Tangina ka Seulgi naiiyak na naman ako!

Biglang napaayos ng upo si Suho, sumagot na ata!

"Seulgi nasan ka?"

Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Nilagay ni Suho sa loudspeaker ang tawag para marinig ko.

"J-jun..." Shit! Seulgi what happened?!

"Seul anong nangyari?! Seul! Nasaan ka ngayon?" Natatarantang tanong ni Suho.

"N-nandito pa ko sa m-may K-Katipunan..."

Baka bumalik na naman siya sa Hydro shit!

"Ba't nandiyan ka na naman? Seul naman!" Napatayo na si Suho sa kinauupuan niya.

"J-Jun.."

"Wag ka na mag drive, pupunta na ko diyan!"

Aalis na sana si Suho pero agad kong hinawakan ang braso niya.

She's The Boss // SeulreneOù les histoires vivent. Découvrez maintenant