Chapter Thirty-three

1.5K 41 7
                                    

IRENE'S POV

Nagising ko dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko at sa ingay ng mga ibon. Oo nga pala, dito kami sa loob ng cave natulog, daming alam netong isa dito eh.

Hindi ako masydadong makagalaw sa pwesto ko dahil nakayakap siya sakin at mahimbing pa ang tulog.

I can't believe na sinabi ko sa kanya yun kagabi pero siguro okay na rin dahil gumaan ang pakiramdam ko kahit papano.

Sobrang naiinis na 'ko sakanya nung una dahil sinadya niyang ipaiwan kami dito sa madilim at creepy na cave nung gabi pero nung nakita ko yung pinagawa niya, parang nawala lahat yon.

Hindi pa naman kami diba? Hindi naman niya ko tinanong kung ano kami, tinanong niya lang yung nararamdaman ko pero it doesn't mean na kami na.

Bigla naman siyang gumalaw at mas niyakap ako kaya sobrang lapit ng mukha namin ngayon, my God hindi ba to naiinitan?

"Morning~" Sabi niya habang nakapikit parin ang mata.

Hindi ako sumagot kaya binuksan ang isa niyang mata at tumingin sa'kin. Kahit binuksan na niya yung mata niya, mukha parin siyang nakapikit pft!

Ngumisi naman siya at mas niyakap ako.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Dahan dahan akong tumango at tumungo, hindi ko alam pero parang nahihiya ako dahil sa nangyari kagabi

"Gusto mo na ba bumalik ng rest house?" What? Kahit na medyo creepy dito, I want to stay a little bit longer, sobrang peaceful kase saka... kasama ko naman siya.

"Uhm wag muna." Mahinang sagot ko. Parang ang hirap magsalita!

"Gusto mo pa ko makasama noh? Wag ka na mahiya kahit dito na tayo tumira." Sira ulong to! Gagawin niya ba kaming Homo Erectus at dito kami titira?

Agad naman akong humiwalay at hinampas siya.

"Ano na naman? Ang hilig mong saktan ako." sabi niya at nag pout. Parang tanga talaga to.

"Nagugutom na ko, anong kakainin natin dito?" Tanong ko dahil gutom na talaga ko.

"Ako." sagot niya at ngumisi.

Tumayo ako at kinuha ang kutsilyo na nasa table.

"Tara dito, lulutuin na kita." Nginisian ko siya kaya nanlaki naman ng mata niya.

"Oy bitawan mo yan! Baby joke lang! M-may pagkain diyan!" Dahan dahan naman siyang umatras at patuloy lang ako sa paglapit sa kanya habang hawak ang kutsilyo.

"I'm just messing with you! Ibaba mo yan!" Grabe ito na ba yung boss nilang walang nakakatalo? Takot sa kutsilyo?

Hindi siya huminto sa pag atras kahit huminto na ko sa paglakad kaya agad naman siyang nahulog sa tubig.

Tanga hashahahhaha!

Sobrang sakit ng tiyan ko kakatawa!

Akala ko aahon na agad siya pero wala pa kong nakikitang umaahon galing sa tubig.

What the fuck? Hindi ba marunong lumangoy yon?

Lumapit ako sa gilid ng tubig para tingnan kung nasaan siya pero wala akong makita na kahit anong hugis ng katawan.

"Hoy Seulgi! Wag ka magbiro ng ganyan!" Pero wala paring umaahon.

Tatayo na sana ako pero bigla siyang lumitaw at hinigit ako kaya nagdire- diretso ako sa tubig.

"Ano ba Seulgi!" Wala akong maramdaman na pwedeng apakan sa ilalim kaya agad akong kumapit sa kanya. Wala na kong pake kung nakasabit na ko sa kanya, ayoko pa mamatay!

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now