Chapter Four

2.1K 59 5
                                    

IRENE'S POV

"Joohyun..." tumayo si Taehyung nang dumating ako at naabutan sila nila dad at tito na nag uusap.

"Hi dad, akyat na ko." hindi ko kayang magstay dito at makita silang dalawa, ayoko sa ginagawa nila at baka idamay pa nila si dad dito.

"Joohyun wait!" tawag ni Taehyun. Ano bang kailangan niya?

"What?"

"Can we talk?" Tumango nalang ako at dumiretso sa garden, kahit ayaw ko siyang kausapin ay wala akong choice dahil kaharap namin sina dad, baka magmukha pa kong bastos.

"Make it quick, I have something to do." I said coldly.

"Galit ka parin sakin?"

"Ano ba sa tingin mo?" Kahit anong gawin niya, hindi parin mababago ang tingin ko na masama sila. Hindi na siya ang Taehyung na kaibigan ko, wala na siya, dahil ang kaharap ko ngayon, ay yung Taehyung na walang awa.

"You need to learn to love me Joohyun."

Ano bang sinasabi niya? What the hell? Hindi ko siya mamahalin.

"I know galit ka sakin dahil sa ginagawa namin ni dad, pero Joohyun, wala kang alam."

"Wala akong pake sayo, kaya pwede ba Taehyung, tigilan mo na 'ko, don't use my dad and don't you even dare put my dad's life in danger."

"I just want everything to be okay Joohyun..."

"Stop calling me Joohyun, wala ka ng karapatan."

"Ok, Irene. Please forgive me." hindi na ako sumagot at narinig ko naman ang malalim na paghinga niya.

"Sana mapatawad mo na ko, see you again." tumalikod siya at bumalik na sa loob.

Umakyat na 'ko sa kwarto ko at sinimulan na lahat ng dapat kong gawin. Hindi ko namalayan na gabi na pala at hindi pa 'ko nakakapag dinner, wala akong gana. Masyadong marami ang nasa isip ko ngayon, everything that Taehyun said, left me so confused. Seulgi.... I want to know her more, she's so mysterious.

Damn it! Nakakabaliw dito sa bahay. Maybe a short walk would be nice.

I put on my oversized hoodie at bumaba na. Nakita ko si dad na busy sa laptop niya, hindi na sana ako magpapaalam pero napansin na niya amg presensya ko.

"Where are you going?"

"Uhm, maglalakad lakad lang dad, babalik din ako agad." lalabas na sana ako nang tawagin niya ako ulit.

"Joohyun, what did Taehyung told you?"

"Nothing dad, kinamusta niya lang ako."

"Is that so? Alright, mag iingat ka." tumango nalang ako at tuluyan nang lumabas.

Bakit napaka-weird ng mga tao ngayon?

Seulgi came to our school, Taehyung and tito came back from states and now... Dad is acting weird.

Anong meron?

Nagpatuloy lang ako maglakad hanggang sa makarating ako sa...... Shit! San na ba toh?

Pinag-aralan ko ang lugar pero parang hindi na familiar? Hala! Natikbalang ata ako? Ganun ba kalalim ang iniisip ko at hinayaan ko nalang ang paa ko na dalhin ako kung saan saan?

Nagpatuloy lang ako sa paglakad para mahanap ulit ang daan.

Pero shit! Damn! Bakit sa dinami rami ng daan dito pa ko mapapadaan sa may mga lasing? Napakaganda talaga ng araw na to!

Lilihis sana ako ng daan para maiwasan nila pero tangina huli na! Napansin na nila ko!

"Miss!" hindi ko sila pinansin at mas binilisan ang paglakad.

"Hoy miss!" hindi ko sila nilingon at mas binilisan pa ang paglakad, may narinig naman akong mga yapak na papalapit sakin kaya tumakbo na ako.

Fuck! Fuck! Fuck! Help me please! Nasaan na ba ko? Help please!

Namumuo na ang luha sa mata ko kaya hindi ko na makita ng maayos ang daan dahil malabo na ang nakikita ko, nanghihina na ang tuhod ko, pagod na 'kong tumakbo pero kailangan ko parin magpatuloy.

Napapikit nalang ako nang biglang may bumangga sakin.

Oh God....

"Irene?" tumingala ako at nakita ko ang mukha ni Seulgi na nagtataka.

Thank God...

Hindi ako nagsalita at agad na niyakap siya, hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa to. Ang alam ko lang, sobrang takot ako.

Hindi ko na napigigilan ang luha ko at humagulgol.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?"

"S-Seulgi..." yun lang ang nasabi ko humagulgol ulit.

Hindi na siya nagsalita ulit at hinimas ang likod ko.

Makalipas ang ilang minuto ay gumaan na rin ang pakiramdam ko, dumiretso kami sa isang park na malapit lang naman don at umupo muna para magpahinga.

"Ano bang nangyari kanina?" tanong niya.

"A-ano kase, naligaw ako tapos may nakasalubong akong mga lasing. Akala ko hindi nila ako mapapansin pero mali ako, sinubukan nila akong habulin pero tumakbo agad ako."

"Pano ka maliligaw eh village niyo parin toh?" natatawa niyang tanong.

Really? Part parin to ng village? Eh bakit ganun yung itsura nung lugar? Saka as far as I know, bawal mag inom sa labas ng bahay dito saka I'm sure walang iinom sa labas na taga rito dahil karamihan ng mga nakatira dito ay mayayaman so of course, sa bar sila umiinom. Weird.

"Eh ikaw? Bakit ka nandito? Hindi ka naman dito nakatira diba?" tanong ko.

"Night drive. Sobrang bored ako eh, so I decided to go to your village since na-curious ako sa itsura." eh?? Curious sa itsura???

"Bakit? Magpapagawa ka ng bahay?"

"Why not? Kaya ko naman." tumingala siya sa kalangitan at ngumisi.

Hindi na ako sumagot at tumingin nalang din sa kalangitan na ngayon ay punong puno ng mga bituin.

"Tara na, baka hinahanap ka na sa inyo." Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad.

Tahimik lang kaming dalawa, like, sobrang awkward. Hindi ko kaya yung ganito so I decided to break the silence.

"So would you mind telling me why you took med?" napatawa naman siya siya sa tanong ko. What's wrong with my question?

"Bakit ba gustong gusto mong malaman?"

"Kasi anghina ng sikmura mo, uod palang yung pinapakita, di mo na kinakaya." bigla namang sumeryoso ang ekpresyong ng mukha niya. Ang-weird neto, ambilis magbago ng mood.

"Ayoko lang ng mga uod, saka hindi mahina ang sikmura ko. Kahit papanoodin mo pa ko ng kinakatay na tao, kaya kong tapusin hanggang dulo." kinakatay na tao? Seriously?

"Hindi mo pa sinasagot tanong ko." hindi pa kasi direktang sagutin tanong ko, anlayo ng sagot.

"I think hindi ko na masasagot ang tanong mo kasi bahay niyo na ata yun? Yung may Bae sa gate right?" andito na pala kami? Bakit ambilis?

"See you tomorrow Irene. Aral na tayo bukas. "

"Good night Seul, thanks for tonight." pumasok na ako sa loob at naabutan ko si dad na nakatayo sa harap ng pinto at seryosong nakatingin sa'kin.

"Who is she?"

"Just my friend." I simply answered.

"I'm just making sure Joohyun, baka kung sino sino na nakakasama mo." umakyat na si dad at naiwan akong mag isa.

What? She's just Seulgi, ano bang pwede niyang gawin?

She's The Boss // SeulreneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora