Chapter Fifty-three

1.3K 41 5
                                    

SEULGI'S POV

"Hoy mga tanga!"

Sino ba to ang aga aga? Panira ng umaga, boses palang!

Nakita ko si Baekhyun na nakatakip sa dibdib niya. Kinginang to akala mo naman meron.

Ansama pa makatingin, feeling niya siguro namolestiya siya dito amp.

"Hoy Seulgi ba't ako nandito! Shit hindi na ko virgin? OMG!!!" Napapikit nalang ako dahil sa tili niya. Walangya talaga to, natutulog pa si Irene eh!

"Wag ka ngang maingay!" Ungot netong nasa tabi ko at mas yumakap sakin.

"Eh ba't ako nandito? Sa kabila kwarto ko ah. Bakit dun ako natutulog sa couch? Bakit-"

"Tumahimik ka ngang puta ka! Huminahon ka! Ikaw ang pumunta dito kagabi! Ikaw nambulabog samin kagabi! Inistorbo mo baby time namin kaya naudlot na naman kami putragis ka!" Sigaw ko, naramdaman ko naman ang bahagyang pagtawa ni Irene at ang pagtapik niya sakin para pakalmahin ako.

"Tanginang to nagtatanong lang naman, busog naagad ko sa mura, thanks sa breakfast mga hangal!" Punyeta talaga to. Sarap iwan dito sa Batangas eh.

Umupo si Irene at tumingin sa kanya.

"Bakit ka ba kasi lasing na lasing kagabi? Dahil ba sa sinabi ni Chanyeol about sa kanila ni Wendy?" Tanong niya, napaiwas naman ng tingin ang bakla.

"H-hindi. Naparami lang talaga inom ko."

Magdadahilan pa. Eh kagabi rinig na rinig namin siyang binubulong pangalan ni Chanyeol.

"Nakita kita, nakangiti ka pero di ka masaya. Napansin din nila Jennie, wag mo na itanggi." Hindi niya matingnan ng maayos si Irene kasi alam niya sa sarili niya, tama si Irene.

"See? Tama ako, halata naman kasi."

"May part na masaya ako dahil masaya siya, pero malungkot ako kase hindi ako yung dapat magpapasaya sa kanya." Napatawa ako bigla kaya nahampas ako ni Irene.

May tinatago rin palang ganito tong baklang to. Akala ko puro kagaguhan lang alam.

"Ilang taon kong sinubukan eh, ilang taon din ako naghintay, nagbabakasakaling mababalik niya rin yung nararamdaman ko. Kaso mali ako. Akala kasi ng lahat, biro lang lahat ng sinasabi ko. Sa lahat ng kalokohang lumalabas sa bibig ko, siya lang yung totoo. Hindi ba pwede yun?" Nagsisimula ng mamasa ang mata niya, halatang pinipigilan niya lang.

"Bakla may sasabihin ako." Napatingin naman sila sakin nang sabihin ko yun.

"One time, kinausap ko si Chanyeol. Mahal ka niya, pero kapatid lang ang turing niya sayo, tulad kung paano niya ituring sina Sehun. Tinanong ko pa nga kung magkakachance na magustuhan ka niya.... Hindi siya um-oo, hindi rin siya humindi..." Tumango tango siya at ngumiti ng mapakla.

"Alam ko naman yon. Ako yung mali eh, pinili kong maghintay. Dapat pala hinanda ko rin yung sarili kapag dumating yung araw na may gusto na siya. Di ko magawa yon. Antanga ko lang."

"Anong gagawin mo ngayon?" Tanong ni Irene.

"Ano pa ba? Tuloy ang buhay! Ano namang mangyayari kung iiyak ako dito? Pipiliin niya ba ko kung ganon? Hindi naman eh. Sayang naman beauty ko kung magddrama lang ako forevs!" Ano pa nga bang aasahan namin sa isang Byun Baekhyun? Mas mahalaga ang 'ganda' niya.

"Ambilis mo naman pala maka-move on. Dapat hindi na kita pinapasok dito kagabi, putragis ka talaga." Sabi ko, medyo napahina na dun sa huling part pero narinig parin nila.

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon