Chapter Thirty-eight

1.4K 47 7
                                    

SEULGI'S POV

"Anong plano mo?" Tanong ni Suho habang hinihintay naming makarating kami sa lungga ng mga hunghang na yon.

Anlakas nilang sirain yung mga gamit ko mga inutil sila. Sa Europe ko pa binili yung ibang paintings don! Sisingilin ko lang talaga yung mga putanginang yon, milyon nagastos ko don.

"Maniningil lang ako ng utang." Pagkasagot ko ay binatukan niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. Parang tanga to kala ata nagbibiro ako. Antagal tagal kong hinanap yon tapos babasagin pang nila? Mga peste!

"Umayos ka nga! Padalos dalos ka eh!" Tatanda talagang binata to, laging stress.

"Suho, nakita mo ba kung ano yung mga sinira nila? Puta yung Humble $7,500, yung Noctilucas $7,550, lalo na yung Salvator Mundi na $450 million! Suho imagine, antagal kong hinanap yon tapos gaganunin lang nila." Hindi na sumagot si Suho hanggang sa makarating kami sa lungga ng mga ungas.

"Finally, some action!" Sigaw ni Chanyeol at kinasa ang baril niya.

"Alam niyo na, dating gawi. Hindi tayo papatay kung hindi kailangan, bibigyan lang natin ng leksyon." Lahat sila ay tumango kaya nagsibabaan na kami sa sasakyan.

Leche tong mga to, antagal kong hinanap yung painting ni Da Vinci tapos hahampasin lang nila. Pinaglihi ata sila sa tanga eh.

Agad na umikot papuntang likod sina Sehun, Chanyeol, Baekhyun, Kai at Xiumin. Kasama ko naman sina Suho, Chen, Lay at D.O pero humiwalay rin sila sa'kin dahil hinarap na nila yung mga bantay sa harap. Lumiko ako papunta sa mga kwarto at sigurado akong isa dito yung kwarto nila Jackson.

Dahan dahan akong naglakad hanggang sa makarinig ako ng ungol.

Tingnan mo nga naman naman oh, napakaswerte ko naman ata. Siguradong isa na naman to sa mga babae niya. Maglalampungan nalang napaka ingay pa.

Hindi na ko nagdalawang isip at sinipa ko na yung pinto. Napahinto sila sa paglalampungan at napatakip naman sa katawan niya yung babae. Tangina jutay pa ata.

"Tanginamo anong ginagawa mo dito?!" Tanong niya. Nagmadali namang nagbihis yung babae at tumakbo palabas. Syempre hindi naman ako ganun kasama para saktan pa yon, biktima lang siya ng kalibugan netong kupal na to.

"Maniningil lang naman ako ng utang." Sagot ko at kinasa ang baril ko.

"Gago ka ba? Wala akong utang sayo bobo!" Sigaw niya habang sinusubukang suotin ang mga damit niya. Syempre hinayaan ko lang, mamaya makakita pa ko ng kung anong maliit diyan.

"Ano tapos ka na ba magbihis? Grabe may asawa ka tapos gaganyan ka? Napakawalang hiya mo naman ata?" Ngisi ko kaya mas lalong nag igting ang panga niya.

"Ano bang pake mo? Baka hindi mo lang matanggap na nasakin na ang minahal mo non?" Siya naman ang ngumisi ngayon pero tinawanan ko lang siya na pinagtaka niya.

"Tanga ka ba? Sayo na yan, mahilig ka naman sa tira tira. Gusto mo lagi yung nanggaling sakin eh noh?" Bigla namang nagbago ang ekspresyon niya. Asar talo talaga amputa!

"Napakayabang mo talaga." Wala na bang masabi to?

"Hindi naman ako magyayabang kung walang maipagyayabang. Eh ikaw? Puro yabang lang ungas ka naman." Dun na siya umatake pero nakaiwas ako.

Sinubukan niya ulit akong suntukin pero nakailag ako at sinuntok siya sa ilong. Puta nosebleed! Nahihilo na ata siya dahil hindi na siya makatayo ng maayos.

Ano ba to, basic.

Hindi na 'ko magsayang nag oras at sinikmuraan siya kaya napaubo siya ng dugo. Tinadyakan ko agad siya para hindi na siya makatayo.

She's The Boss // SeulreneOn viuen les histories. Descobreix ara