Chapter Seventy-two

1K 42 15
                                    

JENNIE'S POV

It's already the fifth day.. Irene, pang limang araw na. Hindi ko alam kung ano yung nakita mo dun but I'm sure na hindi ka magkakaganyan kung wala kang nakita na magttrigger sayo..

Baka nga nakita mo pa kung paano namatay sina Chen at Chanyeol.. Kung paano sinalo ni Suho yung bala para maligtas ka.. Hindi ko alam ang buong istorya pero sana gumising ka na...

Wala rin akong kahit anong idea bakit never kang binisita dito ni Seulgi pamula non. Tatawag lang siya para tanungin kung okay ka ba o nagising ka na ba, pero hindi siya mismo ang pumunta dito. Hindi ko na rin ineexpect na bibisita ang Cosmos dito dahil sa nalaman nila.

Sina Wendy, Yeri at Joy sa kani-kanilang bahay na umuuwi dahil masyado na raw mabigat ang nararamdaman nila dito... Lalo na, hindi pa sila nakakatanggap ng valid explanation galing sayo kahit na sinubukan kong ipaliwanag sa kanila.

Ilang araw ka nang hindi pumapasok.. Pero wala namang problema yon, bago pa mangyari lahat to, alam kong naayos mo na lahat ng kailangan kaya naghihintay nalang tayo magmarcha pare pareho... Next week na yon, naging ganito pa.

Iba sana yung saya kung buong El Maximus nandon, syempre galante si Seulgi kaya may pa-trip to kung saan man niya gustuhin dahil Summa Cum Laude ang girlfriend niya.. Pero since di na sila buo, di na rin buo yung saya. 

Ibang iba na.. Nakakapanibago.

Ayaw kitang sisihin dahil nangako ako na iintindihin kita... Pero hindi ko maiwasan minsan isipin na 'kung hindi mo kaya ginawa yon, hindi kaya mangyayari lahat ng to? Hindi kaya mamamatay sina Chanyeol ng ganun ganun lang? Masaya parin kaya tayo ngayon?' pero still... Si Taehyung ang puno't dulo ng lahat ng to.

Pero yung galit ng Cosmos sayo, hindi ko alam kung kelan mawawala yun. Parang nawalan na rin sila ng kapatid dahil sa nangyari.

Araw araw kitang binabantayan dito sa kwarto mo... Parang dito na nga ako nakatira. Laging umaalis si tita para pumunta sa court... Of course kasama si Seulgi.

Namumutla ka na... Namamayat ka na rin. Limang araw ka nang walang kain.

Kung alam kaya ni Seulgi na nagkakaganito ka, pupuntahan ka na kaya niya? Galit kaya siya? Pero ang hindi ko maintindihan... She begged to make you happy... Dahil yun daw yung bagay na hindi na niya magagawa.

I know you love her so damn much... Pero hindi natin masisisi ang nararamdaman niya.. Nawalan siya.

And si BoA... I'm sure alam na nila ang ginawa mo. I know BoA, once is enough.. No more chances. Ganun siya kaya nag aalala 'ko para sayo.

Agad akong napalingon nang bumukas ang pinto ng kwarto mo at pumasok si tita.

"How's the case tita?" Matipid siyang ngumiti at umupo sa tabi mo.

"So far.. Okay naman. Since yung law firm ni Seulgi humahawak nung kaso.. Hindi niya hinahayaang magkaron ng butas, para siguradong kulong na sila Taehyung. I think... Life imprisonment ang ihahatol sa kanila kung papalarin."

That's too much but he deserved it. Sa lahat ng ginawa niya, dapat lang sa kanila yun.

"How is she?" Tanong niya habang inaayos ang buhok mo.

"Ganun parin tita." Tumango siya.

"Tita... May nabanggit na ba sayo si Seulgi? Bakit hindi niya pa pinupuntahan si Irene dito?" Malungkot siyang tumingin sakin bago bumaling ulit kay Irene.

"Meron... Bago niya mapagdesisyunang tapusin ang lahat between her and Taehyung, meron na siyang plano. Actually pwede na naming hulihin si Taehyung nung araw na na-kumpleto na namin ang evidence, pero sabi niya... Kung gagawin namin ang ganung paraan, baka magkandaleche leche lang lahat dahil marumi gumalaw sina Taehyung..." Napahinto siya at bumuntong hininga bago magpatuloy. "Alam niyang napaka risky ang gagawin nila.. Pero kung hindi sila susugal, wala si Taehyung sa kinalalagyan niya ngayon and... She did it, para rin kay Irene."

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now