Chapter Thirty

1.4K 43 3
                                    

SEULGI'S POV

"Seulgi!" Nagulat nalang ako nang marinig silang sumigaw at nakita kong tumatakbo si Irene. Fuck ano tong ginawa ko?

Agad namang hinabol nina Jennie at Joy si Irene.

"Nababaliw ka na ba?" Galit na sigaw ni Wendy. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito.

"Seulgi alam kong bobo ka minsan pero wag mo namang idamay si Irene!" kahit si Yeri ay hindi ko na rin maipinta ang mukha.

Tatakbo sana 'ko para sundan sina Irene pero pinigilan na 'ko nila Suho.

"Hayaan mo muna siya, gago ka eh." Alam ko naman yon pero ba't kailangan ulit ulitin?

Bumalik na kami sa rest house namin at inayos lahat ng gamit namin, wala parin si Irene.

"Andyan na sila!" sigaw ni Chanyeol.

Agad akong lumabas ng kwarto pero ang nakita ko lang ay sina Jennie at Joy.

"Nasan si Irene?" Hindi agad sila sumagot at tiningnan ako ng masama.

"Babalik din yon, hayaan mo muna siya." sabi ni Jennie at nilagpasan ako.

"Seulgi wag si Irene." yun ang huling sinabi ni Joy at umalis na rin.

Bumalik ako ng kwarto ko para maligo, baka mamaya pagkatapos ko nandiyan na siya.

Pagkatapos ko ay agad akong nagbihis at bumaba.

"Wala pa baby mo." bungad ni Sehun.

Wala pa? Nine na wala pa?

Hahanapin ko na yon ngayon, hindi ako babalik ng hindi yon kasama.

"San ka pupunta?" Tanong ni Baekhyun nang makita nila kong palabas ng bahay.

"Hahanapin ko si Irene."

Patakbo akong lumabas ng bahay hanggang sa makarating ako sa tabing dagat.

Halos wala ng tao dito, mga bangkero nalang na nag aayos ng mga bangka nila at mga batang nag-iintay sa mga tatay nila.

Grabe antanga ko!

Nagpatuloy lang ko sa paglakad hanggang sa may napansin ako sa di kalayuan na pamilyar na hugis ng katawan.

May katabi siyang bata habang nakaupo at nakatingin sa kalangitan.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila.

"Irene." Tumingin siya sa'kin at binalik ulit ang tingin sa karagatan.

"Ate sino po siya?" tanong nung bata.

"Hindi ko alam." That shit hurts. Tinanggi niya ko?

"Ate siya po ba yung dahilan kung bakit ka umiiyak kanina?" tanong ulit nung bata.

Parang nakonsensya na naman ako nang malaman ko na umiyak pala siya.

Hindi sumagot si Irene at nginitian lang ang bata.

"Buboy!" biglang sigaw nung isang bangkero.

"Sige po ate, aalis na po ako. Wag ka na pong umiyak, mas maganda ka po pag nakangiti." sabi nung bata at umalis na.

Dun ako nagkaron ng pagkakataon na tabihan siya para makausap.

"Sorry." panimula ko, pero hindi siya sumagot.

"Antanga ko para gawin yon, sorry." Bumuntong hininga siya at tumingin sa'kin.

"Ba't ka nagsosorry? Buhay mo yan, may sarili kang choice." sagot niya at ngumiti ng mapakla.

"Nasaktan ba kita?" tanong ko pero sarkastiko lang siyang tumawa.

"You're kidding right?" tanong niya.

"No, hindi ako nagbibiro." seryoso kong sagot.

"Pano kung oo? May magagawa ka ba? The action was already done, hindi na maitatama yon." Why? Just why?

All of these, tama nga ba si Suho?

"Hindi naman ako yung nagfirst move." Bigla siyang tumingin sakin nang may namumuong mga luha sa mata niya. Shit I fucked up!

"That's bullshit! You let her, you entertained her, binigyan mo siya ng dahilan para gawin yon Seulgi." Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin ngayon.

"Seulgi nandun lang ako eh, nasa tabi mo lang ako eh..." niyakap niya ang tuhod niya at binaon ang ulo niya  dito at mas umiyak. Para kong pinako sa kinauupuan ko.

Bakit nanlalambot ko ngayon? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"Mahal mo na ko?" ay puta! Maling tanong!

Dahan dahan siyang tumingin sakin habang may luha parin sa mga mata

"No." Sagot niya at tumayo.

Nagsimula na siyang maglakad kaya agad akong tumayo at pinigilan siya.

"You said no pero bakit iba ang pinapakita ng kilos mo?" Pinunasan niya ang luha niya at tumingin sa'kin.

"Hindi lahat ng nakikita mo, dapat paniwalaan mo." Aalis sana ulit siya pero mahigpit kong hinawakan ko ang balikat niya para wala ng kawala.

"Irene I like you."

"Seulgi alam kong hindi, naaawa ka lang sakin ngayon so please stop." Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at tumulo ulit ang luha sa mata niya.

"Seulgi ayokong magmahal ng may mahal pang iba! Seulgi ayokong sumugal sayo kung alam kong hanggang ngayon si Krystal parin ang laman ng puso mo!" Pano niya nakilala si Krystal? Pano?

"Pano mo nakilala si Krystal?"

"Tuwing nalalasing ka? Ako yung nandon pero si Krystal ang tinatawag mo. Seulgi, ayokong masaktan pag dumating ang panahon na babalik siya." Malinaw na lahat. Malinaw na kung anong nararamdaman ko.

"Ikaw na ang mahal ko! Irene I love you! Hindi pa ba sapat yon?" Matagal na nung minahal ko si Krystal, hindi ko naisip na babalikan ko pa yung babaeng yon!

"Seulgi no. Nadala ka lang ng emosyon mo ngayon." Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad.

"Hayaan mo kong patunayan sayo, simula bukas ipapakita ko sayong ikaw ang gusto ko at hindi si Krystal, Bae Irene." Gagawin ko ang lahat, mapakita lang sa kanya na wala na si Krystal sa buhay ko.

"Patunayan mo."

I'll prove it.

~~~~~~~~~~
A/N: Postponed muna yung birthday ni Seulgi pero HAPPY BIRTHDAY GOMDORIIIIII!!!

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now