Chapter Seventy-five

2.3K 63 23
                                    

SEULGI'S POV

"Ready ka na?"

Tipid akong ngumiti kay Sehun. Matagal naman na kong handa para dito... pinili ko to eh.

"Yung mga binilin ko ah.. Babalik ako." Iwas tingin kong sabi. Ayokong umiyak sa harap ng mga mokong na to.

"Seulgi... mamaya na yung graduation nila." Malungkot na sabi ni Baekhyun.

"Alam ko Baek kaya pumunta kayo ah... Para sa'kin, puntahan niyo sila. Gawin niyo yung bagay na hindi ko magagawa, as much as I want to see her while wearing her gala... kailangan ko nang umalis."

"Mamaya pa namang gabi flight mo, bakit hindi ka muna dumaan bago umalis?" Tanong si Xiumin.

"Baka hindi na ko makaalis." Pabiro kong sagot. "Tsaka, may pupuntahan pa ko bago dumiretso mamaya sa airport. Huwag niyo na kong ihatid, ayokong makita kayong dugyot na umiiyak don." Dagdag ko at tumawa.

"S-sino may sabing iiyak kami? G-gago!" Lahat kami ay napatingin kay DO na nagpupunas ng luha. Tong kupal na to minsan na lang magsalita ngayon pa na aalis na ko.

"Umayos ka nga! Ampanget mo umiyak!" Ungot ni Kai at binatukan siya. Ito yung mga bagay na ma-mimiss ko. Kase doon, mag isa 'ko, walang tropa na mambubulabog sakin bigla bigla.

"Galit pa ba kayo sa kanya?" Tanong ko na ikinatahimik nila.

"Di naman mawawala yon Seulgi, nasaktan kami eh pero kung yun ang gugustuhin mo, unti unti naman namin siguro na mapapatawad si Irene." Sagot ni Kai.

"Salamat, atleast kampante ako na kahit wala ako dito may nagbabantay sa kanila." Sagot ko at bumaling kay Sehun. "Ingatan mo si Ligaya ah, wala nang kulang don, mukha lang kulang kulang." 

"Di ko na pakakawalan yon ulol, pang habang buhay na yon." Ngisi niya.

Ganun din sana tayo... pero hindi pa 'to yung oras natin.

"Siguraduhin mo yan ah, babatukan kita pag sinaktan mo si Ligaya pagbalik ko." Agad siyang tumango.

Nabalot na kami ng katahimikan.. di ako sanay ng ganito sila.. wala nang may gustong magsalita pa ulit at nakatingin nalang kami sa isa't isa.

"Nga pala... paki-bigay nalang to sa kanya." Pagsisimula ko ulit ng usapan.

Kinuha ko ang isang boquet ng bulaklak.

"Alam mo, pwede namang ikaw nalang magbigay niyan-" Hindi na natapos ni Lay ang sasabihin niya nang batukan siya ni Kai.

"Hindi na.. may gagawin pa ko." Tumango nalang sila at kinuha ang bulaklak.

"Eto lang ba?" Tanong ni Baekhyun.

"Yan lang."

Yan na muna siguro.... sa ngayon. 

"Sige na, pumunta na kayo don." Pagtataboy ko sa kanila. Ready naman na silang umalis, nahinto lang saglit dahil gusto nga nila kong sumama.

Nakakatuwa nga kasi isasantabi nila yung galit nila para sa araw na to kase alam nilang espesyal tong araw na to para sa kanila. Lalo na andun si Ligaya, hindi papalampasin ni Sehun yon. Pinipilit parin nilang sumama ako kahit na ganon..

Pero aaminin ko, nasaktan ako sa ginawa mo kaya napagdesisyunan ko na tapusin na kung ano mang meron sa'ting dalawa kase ayokong dumating yung panahon na bigla kong masumbat sayo yung ginawa mo. Ayokong masaktan kita kaya mas okay na rin yung ganito, natapos tayong maayos.

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon