Chapter Thirty-seven

1.4K 47 4
                                    

IRENE'S POV

I'm very thankful na nakilala ko si Seulgi, siguro nga tama lang na naging chismosa ako non at pinanood ko kung pano niya parusahan yung traydor sa kanila, kung hindi baka wala ako dito ngayon.

She's the most unique mafia I've ever met. San ka nakakita ng mafia na pumapatay at the same time tumutulong? Siya palang ata.

She's caring, patient, generous, ano pa ba? Nasa kanya na ata lahat.

I'm very thankful for that and I think, it's about time...

"Good morning baby!" Bati niya pagkapasok ng kwarto. She's wearing apron, baka nagluto na naman siya pft!

Hahalikan niya sana ako sa pisngi pero umiwas ako na pinagtaka niya.

"Ano na namang niluto mo?" Agad naman siyang nagpout at tumingin sa'kin.

"Don't worry, luto na yung loob this time." So she made pancakes again?

Hinila ko ang apron niya at mabilis aiyang hinalikan sa labi.

"I'm looking forward to it." Ngisi ko sa kanya at dumiretso na palabas ng kwarto. Iniwan ko na siya, nakatulala eh.

Naabutan ko silang nakaupo na at hinihintay nalang si Seulgi.

"Asan na baby mo? Gutom na kami puta!" Reklamo ni Sehun.

"Nasa kwarto." Simple kong sagot at umupo na. Kumuha na rin ako ng pancake at lahat sila nakatingin sa'kin.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Luto ni Seulgi yan." Sagot naman ni Baekhyun. Anong meron kung luto ni Seulgi to?

"Alam ko, and?" Hindi sila sumagot at nakatitig lang sa'kin.

"Luto na loob niyan mga kupal kayo, mukha lang sunog yung iba pero luto yan." Biglang sulpot naman ni Seulgi galing sa kwarto niya.

Umupo na rin siya at hinintay na rin ang magiging reaksyon ko.

Puta ano ba to? Cooking contest? Kelan pa 'ko naging judge at abang na abang sila sa reaksyon ko?

Humiwa ako ng maliit na piraso at agad na kinain yon. Well... typical pancake I guess? Kalasa rin siya ng ibang pancake, medyo sunog nga lang.

"So?" Tanong ni Jennie.

"It's good." Sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain. Kumain na rin sila maliban kay Seulgi na parang anlaki ng kasalanan sa kanya nung ham dahil sa sama ng tingin niya.

"Oy!" Tawag ko. Tumingin nmaan siya pero parang na-Biyernes santo ang itsura. Ano bang nangyari dito?

"Ayos ka lang? Dapat pala hindi ka hinahalikan pag umaga noh? Nawawala ka sa mood." Hindi siya sumagot at kumuha nalang ng ham and bread.

Shet nagtatampo ba to? Hindi ata niya nagustuhan yung comment ko sa pancake niya.

"Nako nagtampo!" Sabi ni Baekhyun.

"Kung ako sayo mareng Irene sinuyo ko na yan." Dagdag naman ni Lay.

"Aww nagtatampo ang baby~" Hindi ko napigilan ang tawa ko nang magbaby talk si Suho.

Nagulat nalang kami nang ibagsak niya ang kutsara't tinidor niya.

Napa-ubo naman si Chanyeol at huminto sa pagkain.

"Pupunta tayo kina Jackson, sisingilin ko lang sa mga nasira nilang gamit sa bahay." Seryoso niyang sabi, nagdiwang naman yung iba maliban kay Suho na nakatingin lang ng seryoso sa kanya.

"Nice! Makakapagpapawis ulit!" Hiyaw ni Chen, pero seryoso lang ang itsura ni Seulgi.

Hala shit nagtampo ata talaga.

Natapos na kaming kumain at nagpunta na sila sa mga kwarto para magprepare sa pupuntahan nila. Pinuntahan ko naman agad si Seulgi sa kwarto namin. Baka kaya lang sila pupunta don dahil nagtatampo siya sakin, nyeta baka kung ano pa manguari sa kanila don eh!

Naabutan ko siyang inaayos ang mga baril niya, nakatalikod siya kaya hindi niya ako napansin na pumasok. Nagkaron ako ng pagkakataon na yakapin siya sa likod.

"Galit ka?" Tanong ko.

"I'm not." Matipid niyang sagot at patuloy parin sa pag aayos ng mga bala.

"Galit ka eh."

"Hindi nga." Humarap siya sa'kin kaya agad akong tumungo dahil bigla nalang may tumulo na luha sa mata ko.

I'm so fucking sensitive and I hate it.

Parang hindi ko na kayang galit siya sa'kin.

"Hey..." dahan dahan niyang inangat ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.

"G-galit ka sakin eh."

"Okay fine, nagtampo ako kase parang hindi ka nasarapan dun sa luto ko pero okay na, huwag ka na umiyak." Sabi niya at niyakap ako.

Binaon ko naman ang mukha ko sa dibdib niya dahil I'm a fucking mess right now. Nakakahiya yung itsura ko.

"Eh b-bakit ka pa pupunta don? B-baka kung ano mangyari sa inyo." She chuckeled. Wtf? Natutuwa pa siyang umiiyak ako.

"We have things to settle, alam mo ring hindi namin pwedeng palampasin to, saka you trust me right?" Tumango ako at tumingin sa kanya.

"So you have to trust me na magiging okay ang gagawin namin." Sagot niya at hinalikan ang noo ko.

"Dapat talaga umuwi ka." Sabi ko.

I think she deserve it, masyado ko na siyang pinaghihintay ng matagal.

"Why? Anong meron?" Tanong niya.

"I have something important to tell you kaya dapat umuwi ka ng okay."

"Why not now? Habang andito pa ko?" So sinasabi ba niya na mawawala siya?

"Uuwi ka mamaya Kang Seulgi at mamaya ko yun sasabihin kaya dapat umuwi ka!" Nagpout ako kaya tumawa siya.

"Okay uuwi ako ng ligtas, promise."

You better. Hindi ko kayang makita ka ng walang malay pagkatapos niyong pumunta don.

Gusto ko, kapag sinabi ko na mahal kita, okay ka.

~~~~~~~~~~
A/N: ENLO!!! DRINK WATER BITCH AT MAGHUGAS NG KAMAY JUSQ STAY SAFE!

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon