Chapter Forty-two

1.3K 43 5
                                    

SEULGI'S POV

Walang gana akong kumakain ng breakfast ngayon kahit na masarap yung niluto ni Suho, parang pagkagising ko palang eh busog na ko.

Nagising ako ng wala si Irene sa tabi ko, kahit saang parte ng bahay wala kaya buryong buryo ako ngayon at pansin nila yon kaya hindi sila nambbwisit ngayon.

"Babalik naman yon, pumunta lang sa dad niya." Sabi ni Jennie.

Yun nga eh! Nagsasabi naman siya kapag aalis siya ah.

"Sa pagkakaalala ko, galit yon sayo kagabi, baka kaya ganun." Sabi naman ni Joy.

Akala ko okay na kami kagabi?

Nang matapos ako kumain, nakatanggap ako ulit ng message kay Taeyong.

From: Taeyong

Boss may nakita kaming shabu lab sa may Katipunan. Wala masyadong bantay at tauhan baka kaya na to.
Sa may Hydro.

Sent. 7:30 a.m

Baka nga kaya na to ngayon...

"Hoy mga ungas!" Tawag ko kaya sabay sabay silang lumingon sa'kin.

Sabi na mga ungas talaga to eh hahaha!

"Sa Katipunan tayo mamaya, may isa pa silang shabu lab don." Sabi ko.

"Seryoso na ba yan? Anong sabi nila Taeyong?" Tanong ni Chen.

"Wala naman daw masyadong bantay, kaya sigurong tapusin yun ng 30 mins.?" Nag isip muna sila pero nagtanguan rin naman.

Wala rin naman kong gagawin kaya napagdesisyunan kong manood muna ng t.v.

Maya maya, isa isa na silang tumabi sa'kin at nanood na rin ng balita.

"Isang sikat na club ang nakitaan ng hinihinalang party drugs kahapon ng gabi sa Katipunan Ave."

Nang sabihin ng news anchor yun, nagtinginan sila sa'kin na para bang tinatanong kung konektado yun sa pupuntahan namin mamaya, tumango ako at tumingin ulit sila sa balita. Tumayo ako para uminom ng tubig pero rinig ko parin naman yung t.v.

"Nagpunta lang ako dito sa Hydro para sunduin yung kaibigan ko pero bigla nalang nila ko inabutan neto." Sabi nung iniinterview.

"Putangina." Biglang mura ni Xiumin at seryosong nakatingin sa balita. Ganun din ang mga itsura nila, hindi maalis ang tingin nila sa t.v kaya bumalik ako para tingnan yon.

What the? Seryoso ba to?

"Anong ginagawa niyan diyan?" Tanong ni Yeri.

"Bakit niya sinumbong sarili niyang drugs? Bobo ba yan?" Tanong naman ni Joy.

Pero isa lang ang naiisip ko, pwedeng gumawa siya ng image na malinis para hindi siya paghihinalaang gumagawa ng mga kagaguhan nila.

Tanginang to, mukha siyang gago sa t.v.

"Pagmumukhain niyang malinis siya para hindi siya pagbintangan." Simple kong sagot at umupo ulit.

"Anlakas din ng tama ni Taehyung ah!" Sarcastic na sabi ni Wendy.

"Wag na nga yan! Panira ng araw itsura niyang gagong yan!" Sigaw ni Suho at kinuha ang remote para ilipat sa movies.

Tiningnan ko ang orasan ko, 10:30 na wala parin?

"Pauwi na." Sabi ni Jennie na parang nababasa na niya kilos ko.

"Wala naman akong tinatanong." Sagot ko.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now