Chapter Twenty-two

1.4K 51 3
                                    

SEULGI'S POV

After kong ipakita kay Irene yung company, I decided na dalhin siya sa isa sa mga favorite kong resto.

Medyo malayo yun dito but it's just a 20 mins drive.

"Where are we going?" tanong niya.

"Kakain." sagot ko at nag focus ulit sa pagddrive.

Biglang tumawag si Suho kaya napatingin din si Irene sa caller ID.

"Answer it for me please, I'm driving." tumango siya at agad nilagay sa loudspeaker.

"Ba't ka tumawag?"

"Yow! Nasan kayo?"

"Kakain muna, why?"

"Punta kayo sa hideout, may bagong update Alpha and we need you here, asap."

Napabuntong hininga nalang ako dahil gutom na rin ako, kanina pa yung breakfast namin.

"Okay, we'll be there at twenty." sinenyasan ko siyang patayin na ang tawag kaya itinabi niya ulit yung phone.

"Gusto mo bang sumama or papasamahan nalang kita kina Jennie?" tanong ko sa kanya.

Ayoko naman na ma-bored siya don.

"I'll come with you nalang." sagot niya at ngumiti.

Nag U-turn na 'ko at dumiretso sa hideout. Malapit lang naman yun sa company, kung di lang dahil sa lintek na traffic na to hindi 20 minutes ang hihingin ko kay Suho.

Kelan ba uunlad traffic sa Pinas?

"What are you going to do later?" since naka-stop naman, tiningnan ko muna siya ng tanungin niya yon.

"Huh? Uuwi na, may gusto ka pa bang puntahan?" bigla namang nagbago ang ekspresyon niya. Ba't para siyang nagtataka?

"Seulgi don't tell me hindi mo alam kung anong meron ngayon." She's serious right now. Hindi niya nga ako tinawag na bub eh.

Puta ano bang meron ngayon?

"What are you talking about? Ano bang meron?" she scoffed sa tanong ko.

"It's for you to find out." ngumisi siya at tumingin sa daan. Nagsimula na rin akong magdrive dahil nag-go na, hanggang sa makarating kami sa hideout hindi ko pa rin alam kung anong meron ngayon.

After I parked the car, hindi na niya 'ko hinintay na makababa dahil nauna na siya. Sinalubong kami nina Jennie kaya iniwan niya ko at sumama sa kanila.

Sakto dumating si Suho, baka alam niya kung anong meron ngayon.

"Hoy Jun!" agad naman siyang lumingon at tiningnan ako ng masama.

"Anong meron ngayon?" kahit siya nagtaka na rin sa tanong ko.

"Anong anong meron? San mo ba nakuha yan?" Puta naman.

"Wala. Tara na." sabi ko at dumiretso na kami sa loob.

Nakita ko sina Jennie na naka-upo sa couch at parang may pinag-uusapan. Nabaling naman ang tingin sa'kin ni Irene at bigla akong inirapan.

Anlala na neto. Kanina pangisi ngisi siya, ngayon iniirapan ako.

"Seulgi." tawag ni Suho sakin sabay abot ng envelope.

Agad ko namang binuksan at nakita ko ang pictures ng Kims, karamihan si Taehyung, with weapons, with his father.

Mukhang naghahanda na talaga sila, hindi na ko magtataka ko bukas or sa mga susunod na araw, may iba't ibang sindikato na naman.

Alam ko na ang bawat kilos at galaw nila, magpaparami muna ng pera gamit ang sindikato nila, then yung mga kinita nila, ikukuha nila ng mga armas.

The problem is, hindi namin makilala kung sino ang supplier nila ng armas nila. Damn it.

"Seulgi eto pa." binigyan naman ako ni Chanyeol ng isa pang envelope, this time mas maraming laman.

Then there's a picture of a man, nag aabot ng armas kina Taehyung. Sa isang picture naman, inaabot nila Taehyung ang bayad.

"Mukhang makikilala na natin kung sino ang supplier ng mga ungas." ngisi ni Sehun.

Ngumisi rin ako at nilapag ang mga picture sa mesa.

"Pag wala yang supplier na yan, walang mapagkukunan yang mag amang yan, but we're not going to kill that man, malay ba natin kung tauhan lang yan nung pinaka boss nila. Just continue spying. Nangako tayo na hangga't maaari hindi dadanak ang dugo unless kailangan na." sabay sabay silang tumango.

"Yung trainings niyo wag niyo ititigil baka nangangalawang na kayo mga gunggong." sabi ko at tumawa.

Nagbago naman ang mga ekspresyon nila kaya mas lalo akong natawa.

"Hoy! Baka gusto mong sampolan kita!" sigaw ni Chen, kaya agad ko siyang nginisian.

"Subukan mo." seryoso kong sabi at ngumisi.

Binatukan naman siya ni Lay.

"Gusto mong malumpo? Sira ulo parang nagpakamatay ka na." Sabi niya kaya napakamot si Chen sa batok niya.

Nakita ko namang biglang tumayo si Irene at lumapit samin.

"Wala naman siguro kayong gagawin mamaya diba?" lahat sila biglang tumingin sa'kin at hinihintay ang isasagot ko.

"Uh wala na." sagot ko na ikinangisi niya.

"Good kase may pupuntahan tayo." sagot niya at bumalik kina Jennie na tumatawa.

She's crazy.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now