Chapter Nineteen

1.6K 52 3
                                    

IRENE'S POV

"Rene sure ka ba dito? Balik nalang tayo." Kanina pa tong si Jennie. Kukuha lang naman ko ng gamit dun sa bahay parang tanga.

"Wag ka ngang oa! Kukunin ko lang yung iba kong gamit then alis na tayo!" kabang kaba amp mukha siyang natatae!

"May point din naman si Jennie Irene, baka dumating sina Seulgi don tapos wala tayo! Baka ipatawag ni Seulgi lahat ng tauhan niya para ipahanap ka girl!" dagdag naman ni Wendy. Sina Joy at Yeri, ayon busy sa pagtawa dahil mukha talagang tanga tong dalawa.

"Wala na kayong magagawa andito na tayo sa village namin." ngumisi ako sa kanila kaya inirapan nalang nila ako.

Pagkapasok ko ay naabutan ko si Manang Ester na naglilinis ng living room.

"Oh anak andiyan ka na pala. Dito ka ba maghahapunan?" nakangiting tanong niya.

"Ah hindi ho, kukuha lang po ako ng gamit ko." nginitian ko siya at aakyat na sana nang bigla niya kong tawagin.

"Iha, pwede ba kitang makausap saglit?" tumango ako at sinundan siya sa kitchen.

"Ano po bang pag uusapan natin?" tanong ko. Sumeryoso naman ang mukha niya na para bang nag aalala.

"Kase iha, napapadalas ang pagpunta nila Mr. Kim dito at ng anak niya." Sina Taehyung. Ano bang kailangan nila kay dad?

"Ano pong meron?" hinawakan niya ang kamay ko bago sumagot.

"Sa tingin ko kasama na nila ang daddy mo sa mga gawain nila iha." nanlaki ang mata ko ng sabihin niya yon. No.. that's impossible! Hindi ganung tao ang daddy ko!

"Sigurado po ba kayo diyan? Kilala niyo po si dad, hindi siya gumagawa ng ganung bagay." napabuntong hininga siya at tumango tango.

"Sana nga iha.... Sana nga." bumalik siya sa ginagawa niya kaya umakyat na rin ako sa kwarto ko para kumuha ng mga gamit.

Habang kumukuha ako ng ilang damit at mga mahahalagang gamit, bigla kong narinig ang sunod sunod na hakbang papunta sa kwarto ko.

"Irene!" nakita ko si Jennie na hingal na hingal nang makalapit siya sakin.

"Bakit ka ba tumatakbo ha?" tanong ko sa kanya.

"E-eh kase s-si S-Seulgi" hindi niya matapos tapos ang sinasabi niya dahil hingal na hingal siya.

"Ano? Huminga ka nga muna!" parang tanga to.

"Si Seulgi pabalik na ng bahay." What? Shit! Kailangan ko na bilisan!

"What the hell! Tulungan niyo na kaya ako dito!" agad naman silang lumapit sakin at tinulungan ako sa mga gamit ko.

Pagkatapos naming ilagay lahat ay bumaba na kami para umalis kaso shit! Saktong paglabas namin ay dumating si dad.

"Joohyun." seryosong tawag sakin ni dad.

"A-ah eh tito hi po, una na po kami." awkward ilang ngumiti kay dad at sinenyasan akong hihintayin nalang nila ako sa kotse kaya tumango ako.

Niyakap ako ni dad kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Dun ka na talaga magsstay sa condo mo Joohyun?" tanong niya.

"Y-yes dad, para maging independent na rin ako diba? Saka don't worry I'll visit you parin naman." ngumiti ako sakanya para makampante siya. Napabuntong hininga siya at hinalikan ang noo ko.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now