Chapter Fifty-nine

1.1K 41 16
                                    

SEULGI'S POV

"Jun..." Tawag ko kay Suho na nakaupo sa kabilang sofa.

Wala akong magawa kundi humilata... Wala naman akong gustong kainin.. Nakakatamad gumawa ng bagay bagay.

"Pst Jun!" Tawag ko ulit.

"Tangina ano ba yon?!" Napatawa naman ako dahil sa itsura niya. Galit na galit amp.

"Punta tayo ospital." Tawa ko.

"Bakit may sakit ka ba?"

"Wala... Parang trip ko lang pumunta ng ospital."

"Gago may ubo ka ba sa utak? Sinabi na nga sayo ni Irene na wag kang pupunta don... Ilang oras mo palang siyang di nakakasama nauulol ka na diyan. " Sagot niya at bumaling ulit sa cellphone niya.

Tanginang to. Mamatay sana siya diyan sa laro niya.

"Miss ko na siya Juuuuuun!!!" Napaikot ako sa sofa hanggang sa hindi ko na napansin na nahulog na pala ko.

Putragis makabili nga ng bago, masyado palang maliit to, tsk.

"Clingy mo puta. Umayos ka nga diyan, wala naman si Irene dati, di ka gumaganyan." Sagot niya.

Hindi na ko nag abalang tumayo sa sahig... Tinatamad ako eh.

"Jun..."

"Ano na naman?!" Luh gago daig pa babae... Laging badtrip ang gago.

"Saan sila magsstay after work?" Tanong ko kaya napaisip siya.

"Hindi ba dun din sa ospital?"

Eh diba may mga nurse at doctor din na nagsstay don? Siguradong wala na silang kwarto para sa mga interns.

Tumayo ako at nag ayos ng sarili.

"Oh san ka pupunta?" Tanong niya.

"Papa-open ako dalawang rooms, sunduin niyo sila mamaya. Gumamit nalang kayo ng dalawang sasakyan, pahiram niyo muna sa kanila yung isa para di sila mahirapan papunta don." Utos ko at sumakay na ng elevator pababa.

Ngayon lang ulit ako dumaan dito sa hotel lobby... Kalimitan kasi sa may parking na ko dumadaan na elevator, diretso na ng penthouse yon.

Agad kong hinanap ang General Manager... Lagi namang nasa front desk yun.

Sa tingin ko... maraming bagong hire dito. Yung mga luma lang ang nakakakilala sakin kaya alam ko kung sino sino sila... Sila lang naman yung bumabati sakin pag nakikita nila ko dito.

Yung iba lakas ng apog daan daanan ako palibhasa nakapambahay lang ako.

Kung kalahi ko si satanas baka wala na silang trabaho bukas.

Maayos parin ang pamamalakad dito sa hotel. Hindi napapabayaan ang mga facilities kaya mukha laging bago. Dahil yun ang paalala ko sa kanila, minsan lang ako andito pero once na pumunta ko at meron akong di nagustuhan, magtatanggal ako ng empleyado.

Mukha lang naman na wala akong ginagawa... Pero may tumatayong CEO nitong hotel na nagmamanage para sakin..

Mahirap naman kung wala akong uutusan sa lahat ng business ko...

Hindi na ko nahirapan pang magahanap dahil nang makarating ako sa front desk, agad akong nilapitan ng General Manager na si Cris.

"Ma'am Seulgi, long time no see!" Bati niya.

I ordered them to talk to me casually, ayoko nung tense na tense sila pero sa ilang empleyado lang yon tulad ni Cris. Tinuturing kong kaibigan ang mga empleyadong maayos magtrabaho.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now