Chapter Five

2K 58 6
                                    

SEULGI'S POV

I just woke up after I heard my damn alarm. Shit! May pasok pala ngayon, kailangan ko ding sunduin si Irene since pinaiwan ko ang kotse niya sa school.

Sa labas nalang siguro ako magb-breakfast.

Maliligo na sana ako nang marinig ko so Suho na lumabas sa kwarto niya.

"Aalis ka?" tanong niya habang pilit na minumulat ang mata niya.

"Yeah. Ikaw muna bahala dito."

"Where are you going?" nagsimula na siyang magtimpla ng kape niya.

"College remember?" napatawa naman siya nang sabihin ko yon.

"Ay tangina oo nga pala! You're studying, I forgot." tumawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Fuck you! Kung di to kailangan di ko to gagawin gago." pumasok na ako ng cr at iniwan na siyang tumatawa.

After a couple of minutes ay natapos na rin ako at inayos na ang sarili ko. It's still 7:00 a.m, mahaba pa naman ang oras so pwede pa kong magbreakfast at sunduin si Irene.

"Maaga pa ah! Early bird?" nakangising tanong ni Suho.

"Sa labas na ko kakain, saka susunduin ko pa si Irene."

"Lupet mo naman chong! Baka mahulog ka ah, dahan dahan lang." ako naman ang napatawa sa sinabi niya.

"Don't worry, matagal na kong manhid, I can handle this." tumango nalang siya kaya lumabas na ko.

Susuduin ko kaya muna siya or kakain muna ko? I think susunduin ko muna siya but maaga pa masyado. I'll message her nalang para makapag ready siya.

Ah shit! Wala pala akong number non! Bobo.

Magte-take out na nga lang ako. Maybe McDonalds can do. I love their pancakes and hot choco.

When I arrived at Mcdo, I ordered two pancakes and two hot choco. I also ordered two egg pandesal and two chicken sandwich. 'Di naman siguro to kulang samin right?

Hindi naman masyadong traffic kaya mabilis akong nakarating sa village nila. After I parked my car in front of their gate, nakita ko ang guard na papalapit sa'kin.

"Ah, ma'am ano pong kailangan niyo?" tanong niya.

"Uhm kuya andiyan pa po ba si Irene? I'm her friend, Seulgi." I smiled para 'di naman ako masyadong magmukhang ignorante.

"Sandali lang po ma'am, tatanungin ko." tumango ako at nakita ko siyang pumasok sa loob, may kinausap siyang isang maid bago bumalik sa'kin.

"Pupuntahan lang po ni Manang Ester si ma'am Irene, 'di pa daw po kasi lumalabas ng kwarto niya. Kung gusto mo, sa loob mo nalang hintayin si ma'am Irene." Mabait naman yung guard nila, infairness. Di tulad nung ibang guard na kala mo sila may ari nung bahay.

"Sige po." pinapasok niya ako at tinuro sa'kin ang daan dahil nga medyo malaki ang bahay nila.

'Di nagtagal ay nakarinig na ko ng mga yapak pababa.

Nakita ko si Irene na suot ang bunny pj's niya at naka-bun. Halatang kakagising lang niya.

"Seulgi?" nanlaki ang mata niya nang makita ako. Tumayo naman ako at pinakita ang mga dala kong pagkain.

"Good morning, breakfast?" nakatingin parin siya sakin at hindi gumagalaw.

"Ano tititigan mo nalang ba ako? Lalamig tong binili ko." mukhang bumali naman siya sa wisyo nang marinig ako.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now