Chapter Forty-three

1.3K 42 8
                                    

SEULGI'S POV

"Ayusin mo itsura mo baka jombagin ka na naman ng jowa mo." Asar ni Baekhyun. Inirapan ko pang siya at tumingin sa salamin. Tsk, labi ko naman pumutok ngayon.

"Payag ka?" Tanong ni Lay. Oo nga pala, nag suggest si Kangta na pumunta kami sa resort niya sa Batangas for two days, para daw hindi ko sunod sunurin yung mga lakad namin.

"Pumunta muna kayo ng Batangas, tatawagan ko yung mga caretaker sa El Paraiso para ia-commodate kayo." Maotoridad na utos ni Kangta habang si BoA naman ay sumasang-ayon lang sa sinasabi niya.

"Pano kung may mangyari dito tapos wala kami? Pagala gala nalang sina Taehyung!" Sagot ko naman.

"Seulgi dalawang araw lang. Sa tingin ko naman hindi sila sugod ng sugod sa dalawang araw na wala kayo saka kailangan niyo munang magpagaling ng mga sugat niyo, lalo na si Sehun na may pilay. Two days won't hurt. "  Sabat naman ni BoA.

"Pero-"

"Pag-isipan mo Seulgi, sabihan mo agad ako kapag okay na sayo ipapareserve ko na yung buong place para sa inyo."

Ayun. Yun yung sabi nila.

Eh nakakatangina kaya! Ngayon lang kami nagkakaganito, kahit sina Kangta at BoA hindi makapaniwala.

Pero hindi na rin siguro masama yung two days, andito naman yung Alpha para i-update kami and papasok na ulit sila next week.

"Huy Seulgi!" Tawag ni Suho.

"Ah sige. Sabihan niyo nalang si Kangta" Sagot ko at minessage si Jennie na pauwi na kami.

"Naalog ba yang utak mo kahapon? Ba't ganyan ka ngayon?" Tanong ulit niya. Ganun ba ka-obvious? Hindi na nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip kung si Chen ba talaga yung nagsasabi kay Taehyung.

"May iniisip lang." Palusot ko. Tumingin naman si Baekhyun na parang tanga.

"Baka nag iisip na yan ng bagong dahilan sa bebe niya mamaya." Pakshet sila edi sana tulungan nila 'ko kung nagkataon.

"Mga shit kayo eh! Hinahayaan niyo ko mag isa mag explain."

"Bakit? Jowa ba namin yon?" Aambahan ko na sana ng sapak si Baekhyun pero bigla niyang hinigit ang braso ni Chanyeol at pinangharang sa kanya.

"Inggit ka lang, di ka nadidiligan ni Chanyeol." Agad namang hinigit ni Chanyeol ang braso niya at binatukan si Baekhyun.

"Maghanda ka na ng mahaba haba mong palusot, nandito na tayo." Sabi ni Kai nang magpark na si Suho.

"Hindi ko maintindihan bakit hindi niya ko maintindihan at bakit hindi niya maintindihan ang ginagawa natin." Sabi ko pero nakatanga lang sila sa'kin.

"Hindi ka rin namin maintindihan, puro maintindihan lang yung naintindihan namin." Sagot ni Chanyeol. Potangina hahaha!

Biglang may kumatok at nakita namin sina Jennie sa labas ng van, hinanap ng mata ko si Irene pero hindi nila kasama.

"Hoy Kang Seulgi! Bumaba ka diyan!" Sigaw ni Joy. Hindi namin alam kung bababa pa ba kami dahil mukhang may nakaabang ng mga leon sa labas.

"Tangina tatadyakan kita tamo!" Sigaw naman ni Yeri. Ano bang ginawa ko sa mga to?

"Hoy Seulgi!" Si Wendy naman, kinakatok na nila yung van.

Dahan dahan naming binuksan yung pinto pero agad namang pumasok si Jennie at hinawakan ang tenga ko bago ako hilain palabas.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now