Chapter Twelve

1.5K 52 1
                                    

IRENE'S POV

Lumabas muna ako ng kwarto pagkatapos makatulog ni Seulgi. Hindi naman siya madaling magising kaya madali kong natanggal ang pagkakayakap niya sa bewang ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Suho na nakaupo.

"Tulog na?" tanong niya.

"Oo, mabilis lang naman siya nakatulog, baka pagod." tumango nalang siya at 'di na nagsalita.

Umupo ako sa upuan sa harap niya kaya napatingin naman siya sakin.

"Anong ibig sabihin mo kanina?" pagsisimula ko.

"Alin?"

"Yung tungkol sa love something. Bakit ganun magreact si Seulgi sa mga ganong topic?"

"I don't have the rights para sabihin sa'yo Irene. Malay natin diba? Baka may dahilan si Seulgi bakit hindi niya sinasabi sa'yo." napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya.

There's no way I can make this man talk pero I'll try.

"Tell me please. Gusto ko siyang makilala, pano kung may magawa na naman ako na ayaw niya and wala akong idea? Diba mas masasaktan ko lang siya pag ganun?" nagdadalawang isip na si Suho ngayon. Bigla siyang bumuntong hininga at pumikit.

Ayan na.

"Promise me na wala kang ibang pagsasabihan nito. Seulgi is very sensitive when it comes to this. Sasabihin ko lang to sayo kasi I'm going to trust you na hindi mo lolokohin si Seulgi at tutulungan mo siyang kalimutan lahat ng masasamang nangyari sa kanya."

"Hindi ako manloloko Suho but why can't you trust me?"

"Mahirap na kaming magbigay ng tiwala Irene, lalo na nung mangyari yung kay Krystal."

"Who's Krystal?"

"Seulgi's ex. Her first love and last love."

Last love? So after Krystal wala nang sumunod?

"Sobrang minahal siya ni Seulgi, to the point na lahat ng pagmamahal binigay ni Seulgi sa kanya na parang wala ng natitira sa kanya."

I'm speechless...

"Naging pamilya na ang turing namin kay Stal, siya ang kasama namin na buoin tong grupo, she's Seulgi's strength para ituloy tong grupo nung panahong sumusuko na si Seulgi. Seulgi experienced a lot of pain, and only Krystal can help her. We trusted Krystal na hindi niya iiwan si Seulgi dahil siya ang lakas at kasiyahan ni Seulgi pero nawala lahat yon sa isang iglap."
He paused for a moment bago tumuloy ulit.

"What happened?"

"Biglang kinabukasan, pumunta siya dito nang umiiyak then when Seulgi came, bigla nalang niyang sinabi na tapos na sila, na pagod na siya, pagod na siya na itayo si Seulgi tuwing bumabagsak siya."

"Ayaw maniwala ni Seulgi noong una pero dahil ayaw siyang pakawalan ni Seulgi, sinabi niya na hindi niya mahal si Seulgi at may iba na siya. Yun na yung last na pag uusap nila ni Seulgi."

"What happened to Krystal? Kilala niyo kung sino yung pinalit?" I'm just curious af. Parang nakaramdam ako bigla ng magkahalong inis at galit kay Krystal. How can she do that to Seulgi na ang ginawa lang ay mahalin siya?

"Yes kilala namin yung pinalit, isa sa mga kalaban ni Seulgi. Nalaman nalang namin na ikakasal na siya after a week nung break up nila. Nakakagulat na nakakatangina kase diba? Kakabreak niyo palang tapos mababalitaan mo na ikakasal na sa iba." He chuckled bitterly. Nagsimula ng mamuo ang luha sa mata niya pero pinipigilan niya.

Siguro sobrang sakit talaga nung pinagdaanan nila. Fuck it! Sino ba kasi yang Krystal na yan para ganunin sila?

"Sirang sira si Seulgi non Irene, hindi namin alam pano siya buoin ulit. Araw araw, gabi gabi, rinig na rinig namin ang iyak niya kasabay ang pagkasira ng mga gamit niya sa kwarto niya. Tuwing papasok kami sa kwarto niya halos magkasugat sugat na paa namin dahil sa dami ng bubog galing sa basag na bote ng alak. Puro sugat rin ang kamay niya non kakasuntok sa pader. Kitang kita namin ang mga bakas ng dugo sa bawat pader." tuluyang nang bumagsak ang luha sa mga niya kaya agad niya itong pinunasan.

"Hanggang sa dumating siya sa puntong, gusto na niyang tapusin amg buhay niya. Naabutan ko siyang hawak ang baril niya na nakatutok sa ulo niya habang umiiyak. Akala ko hindi ko na siya mapipigilan non pero pinaalala ko sa kaniya ang dahilan para lumaban."

"I-I didn't know... ganun pala ang pinagdaanan niya." I said.

"It's okay, kakakilala mo palang sa kanya but please, don't repeat the same mistake that Krystal did. Hindi ko na kayang makita si Seulgi na magkaganon, nasasaktan ako dahil kapatid na ang turing ko sa kanya. Madaling maattach si Seulgi and kung ang nakikita mo ay Seulgi na malakas, she has this soft side na iilan lang ang nakakakita. Don't waste our trust Irene, especially, Seulgi's trust."

"I won't Suho. I'll make her forget that bitch." naiinis na talaga ko right now. Parang ayokong makita si Krystal dahil baka kung anong magawa ko sa kanya.

Muntik na niyang mapatay si Seulgi sa ginawa niya.

"I'll get going Irene, may aasikasuhin pa ko sa papers niyo. And don't tell anyone about this okay? Don't tell Seulgi na sinabi ko sayo."

"Yup, trust me." ngumiti siya at tuluyan nang umalis.

Hindi muna ako umalis, I'm still drowned in my thoughts.

I don't know kung anong dahilan ni Krystal bakit bigla siyang nakipag break kay Seulgi kase by the way Suho describes, mahal na mahal niya si Seulgi tapos bigla bigla nalang niyang tinapos lahat dahil lang nakahanap na siya ng iba. It's just weird. Pero I don't care, sobra niyang sinaktan si Seulgi.

Hindi lang pala si Seulgi, lahat sila.

Baka that's the reason why Seulgi is like this. She rather hurt others than being hurt, well, I can't blame her.

But I'm willing to change that.

"Irene?" pagkalingon ko ay nakita ko si Seulgi na nakahawak sa braso niya na kakagising lang.

I stood up at tumakbo papunta sa kanya at agad siyang niyakap ng mahigpit.

Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko.



She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now