Chapter Seventy-three

1K 39 23
                                    

SEULGI'S POV

S-sorry... I'm s-sorry... Ako yung nagsabing dapat maging masaya ka pero ako tong hirap na hirap ngayon tuwing naaalala kita sa bawat sulok dito..

A-ayokong pakawalan ka dahil mahal na mahal kita... Pero ayoko ring masaktan ka kung kakapit pa tayong dalawa.

Alam kong nahihirapan ka... Pero hindi ko kayang makita na isusumbat nila BoA sayo lahat ng nangyari.. Hindi ko kaya...

Flashback

"Anong gagawin mo ngayon? Patitirahin mo parin talaga yang babaeng yan kasama niyo? Sinabihan na kita Seulgi, pero hindi ka nakinig! Binalaan na kita! Pero anong sinabi mo? Wala kang balak na totohanin ang mga plano mo dahil parte lang siya non!"

Halos mabingi na ko sa mga sigaw ni BoA pero parang na-immune na ko... Paulit ulit nalang.

"BoA kumalma ka muna..."

"Anong kumalma Kangta? Wala lang ba sayo yung ginawa ng babaeng yon? Namatay sina Chanyeol dahil lang na-uto siya ni Taehyung? Damn it! Dahil sa maling akala niya dalawa agad ang nawala satin!"

Hindi ko alam kung pano kita ipagtatanggol... Kase lahat ng sinasabi nila... Totoo.

"Gagawin ko na yung tama... This time.. Susundin ko na kayo." Sagot ko. Sarkastiko naman siyang tumawa.

"Ngayon pa Seulgi? Kapag ba hiniwalayan mo yan mabubuhay ulit sila? Seulgi napakatalino mo pero pag sa babae antanga tanga mo! Hindi ka na nagtanda kay Krystal!"

Napayukom nalang ang kamao ko... Hindi nila ko naiintindihan. Madaling sabihin sa kanila lahat yan dahil hindi nila nakakasama si Irene.

"Hindi mabubuhay sina Chanyeol pero yun ikatatahimik mo BoA! A-ayokong gawin pero ayun yung mukhang tama! N-nahihirapan na ko BoA... Sakanya ako masaya..."

"Niloko ka niya Seulgi, bakit hindi mo makalimutan yang lintek na pagmamahal na yan kahit pinagmukha ka niyang tanga?!" Matipid akong ngumiti sa kanila.

"Kase tong pagmamahal na to... Pinakita sakin na pwede pa pala kong sumaya.. Etong tanginang pagmamahal na to, sa kanya ko lang naramdaman. At hindi ako tanga BoA para magalit nalang basta basta ng hindi inaalam kung anong dahilan niya! Hindi niya ginusto lahat ng nangyari kaya huwag niyong isisi sa kanya lahat! Ako ang may kasalanan nito. Ako ang nagplano at nag utos kaya sakin lang kayo magalit!"

Napabuntong hininga nalang ako.. Alam kong yung galit nila, hindi basta basta huhupa.

"I'll fix this.."

"Pano?! Seulgi pano?! Maibabalik mo ba si Chen? Si Chanyeol? Magigising mo ba si Suho don?" Sigaw ni BoA.

"It was all my fault BoA.. This time.. Hindi na ko magkakamali sa gagawin ko. Eto naman yung gusto niyo eh, gagawin ko. I'm sorry."

End of flashback

Nung pumunta ka dito... Hindi pa ko handang kausapin ka non pero mukhang yun talaga balak ng tadhana.

Matagal kong pinag isipan yon pero parang hindi parin ako sigurado... Kase planado na eh... Na ikaw na makakasama ko hanggang dulo tapos magiging ganito.

Pinilit kong mag mukhang okay sa harap mo but still... In the end... I broke down.

Hindi ko kayang makita kang naglalakad palayo sakin... Dahil alam ko, pagkaalis mo, yun na yung huli. Hindi ko kinakaya kaya parang nanghina ang buong sistema ko at bumagsak nalang sa sahig at umiyak.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now