Chapter Forty-four

1.2K 45 4
                                    

SEULGI'S POV

Heto na naman ako, tinatahak ang kalye ng Katipunan patungong Hydro kahit gabing gabi na.

Pahirapan pa bago ako makaalis kanina dahil hinintay ko pa silang matulog lahat, lalo na si Irene. Alas dose na rin nang masigurado kong tulog na talaga siya.

Alam kong sobrang risky at delikado netong gagawin ko pero kailangan ko tong gawin para malinawan na lahat ng tanong ko.

Nasa likod ng sasakyan ko ang baril at maliit na kutsilyo ko at ibang gamit for emergency.

Napansin ko ang lalaking nakatayo sa gilid malapit sa Hydro, siya na siguro yon. Hindi muna ako bumaba, baka bigla akong saksakin neto, kaya tinawagan ko muna siya para makasigurado.

Nilabas niya ang cellphone niya at saktong sumagot na rin sa tawag ko, siya nga yon.

Naka-suot siya ng cap at mask kaya hindi mo talaga makikita ang itsura niya.

"Nandito na ko." Lumingon lingon siya at napansin ang kotse kong nakaparada sa kabilang kalsada.

"Bumaba ka ng sasakyan mo."

Puta napaka-demanding.

"Demanding amputa! Sabihin mo nalang kung ano sasabihin mo!" Narinig ko ang sarkastiko niyang pagtawa sa kabilang linya.

"Bobo ka ba? Sa tingin mo ganun ganun lang yon? Wala ng libre ngayon, bumaba ka ng sasakyan mo, sundan mo ko." Nagsimula na siyang maglakad at binaba ang tawag.

Sinuot ko ang cap at mask ko, dala ko rin sa gilid ng pants ko ang baril at kutsilyo bago ako bumaba at dahan dahang sumunod sa kanya.

Nilingon niya ko at nagpatuloy sa paglakad. Napansin kong parang kanina pa may sumusunod sa'min pero sa tuwing lilingon ako para tingnan, wala naman akong nakikita kaya hindi ko nalang ulit pinansin.

Huminto siya at pumasok sa isang bar, malapit lang naman to sa Hydro pero mas malaya, mas konti ang bantay.

"Sabihin mo na sa'kin kung anong alam mo." Tanong ko sa kanya pagkaupo palang namin.

Hindi siya sumagot at umorder ng inumin. Ano ba to? Nag aya ng inuman?

"Hindi ako naglalabas ng impormasyon ng walang kapalit Seulgi." Ngisi niya.

"Lahat ng nalalaman ko ay may halaga, sigurado ako kating kati ka na rin malaman kung sino ang tao ni Taehyung sa inyo." Daming dada hindi nalang ako diretsuhin!

"Tama na daldal, anong gusto mo?" Mas ngumisi siya at binaba ang baso niya.

"Sampung milyon, sasabihin ko sayo lahat ng nalalaman ko, isang kotse, isang bahay, tapos ang usapan." Ngisi niya at sumandal.

Nag igting ang panga ko at gusto ko nang sapakin tong gagong nasa harap ko, napaka abuso.

"Pano kung niloloko mo lang ako?"

"Choice mo naman kung maniniwala ka eh, pareho lang tayong gusto ng patayin si Taehyung."

Tangina hindi ko alam kung maniniwala ako dito.

Alas dos na ng umaga.

"Sino ka ba?"

"I'm Jin." Sagot niya at tumungga ulit ng alak.

"Yung tao ni Taehyung dun, sigurado akong hindi ka maniniwala kung sino." Sabi niya. Tumingin siya ng diretso sa'kin bago ulit magsalita.

"Si-" Bigla nalang siyang tumumba ng may tumamang bala sa gilid ng ulo niya.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now