Chapter Sixty-eight

1K 42 15
                                    

SEULGI'S POV

Atractive? Alluring? Lovely? How should I describe this girl? Kahit na natutulog lang siya iba parin yung ganda niya.

Last night... Walang iba sa isip ko, siya lang. Wala na nga akong pakielam kung kantahan ko siya sa harap ng buong university. Kaya hanggang sa makauwi kami puro kalokohan nila ang naririnig namin.

Sakto nga na sila yung nagpabook kay Chanyeol, kung hindi kami talaga pupunta dun sa event para kumanta.

Gusto ko lang bumawi, kahit alam kong ayos na. Siguro? Oo ayos na.

"Baby..." Bulong niya habang sumisiksik sakin.

"Hmm?"

Hindi siya sumagot at niyakap lang ako. This habit of her every morning... I found it adorable. Sisiksik lang siya sakin hanggang sa kailangan na niyang maligo for school. Kung magising man siya na wala ako, magpapabuhat siya hanggang sa labas ng kwarto dahil iniwan ko raw siya habang tulog.

"Kanina ka pa gising?" Tanong niya.

"Siguro?" Tawa ko. Kunot noo siyang tumingin.

"You're staring at me, ang creepy mo."

"Kung mukha mo din naman makikita tuwing umaga, hindi nakakasawang titigan." Ngisi ko. Mas kita ang pamumula niya dahil sa liwanag.

"Aga mo mambola."

"No, I'm stating a fact."

"Fuck your face." Irap niya sabay hawi sa mukha ko.

"Ayoko ng mukha ko gusto ko ikaw."

Hindi ko na namalayan na nahampas na niya ko ng uman dahil sa lakas. Nakita ko nalang siya na bumangon papuntang cr.

"I'm joking!" Sigaw ko habang di parin tumitigil sa pagtawa.

Seulgi for three!!!

"Ewan ko sayo manyak!!" Sigaw niya.

Hinintay ko lang siya ng ilang minuto hanggang sa lumabas na siyang nakaligo. Grabe speed, akala ko magtotoothbrush lang amp.

"Hindi ko pala kayo mahahatid." Sabi ko na ipinagtaka niya.

"San ka pupunta?" Baby naman, ayaw pa sabihing gusto niyang ihatid ko siya pft.

"Sa girlfriend ko." Ngisi ko. Hinihintay ko nalang reaksyon niya.

"Meron?"

"Baby naman eh.." Pota talo tayo!

"Kung di ka naman masaya sakin pwede ka na maghanap ng iba." Nanlaki ang mata ko. Tumayo na agad ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Joke lang byy.. Toh naman. Ikaw lang gusto ko anoba!" Pucha anuba to! Kalokohan mo Seulgi minsan putangina!

"I'm just kidding baby!" Napahiwalay ako sa kanya na humahagalpak na kakatawa habang tinatapos ang make up niya.

"Tangina kinabahan ako! Akala ko ayaw mo na sakin!"

"Don't worry, di ko naisip na mangyayari pa yon. Combo meal ka na kaya!" Combo meal amp! Kaka-Jollibee niya kung ano ano na vocabulary niya.

"What the fuck is combo meal?"

Ngumisi siya at dahan dahang lumapit... "It means.. You're good at everything, even in bed..." Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang labi niya sa tenga ko. Kelan pa naging seductive to?

She's The Boss // SeulreneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora