Chapter Seventy-one

981 35 20
                                    

Keri niyo ba to? Kung oo tuloy lang, kung hindi... Intayin niyo nalang yung ending hahaha

SEULGI'S POV

Sorry baby.. Ito lang yung paraang alam ko.. Ito lang yung paraan para hindi tayo tuluyang masira... Sorry baby..

Agad akong umalis kanina nang dumating si Ms. Tiffany at sumama sa ambulansya papuntang ospital. Mas ayos nang hindi na muna tayo magkita ngayon. Sana maintindihan mo... I love you but... We can't.

(play: Will be Back by Sunhae Im)

"S-Seulgi.." Umiiyak na tawag ni Baekhyun... God please no..

"W-wala na sila, Seulgi.."

Hindi pwede to... Tangina hindi to totoo!

"Umayos ka nga Baekhyun! Hindi ako nakikipagbiruan ngayon! Puta Baekhyun ano bang sinasabi mo?!" Mahigpit ko siyang kinwelyuhan na para bang wala lang sa kanya at nagpatuloy lang sa pag iyak.

Tuluyan na ring tumulo ang luha ko..

"B-Baek.. Hindi pwede.." Dahan dahan siyang umiling.

"Seulgi hindi na kinaya ni C-Chanyeol... H-hindi na inabot ni Chen sa ospital Seulgi... Comatose si Suho..."

Ganito ba dapat kapalit? Sobra naman ata to! Tangina bakit ba ko laging ginaganito?! Tama na! Pagod na ko.... Hindi ko na kaya..

Unti unti akong napatingala nang marinig ko sina Kai na papalapit samin.... Walang tigil sa pag iyak.

N-no... Hindi pwede to. Buhay pa sila.

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto kung saan sila dinala.. Wala na kong pakielam sa mga boses na tumatawag sakin para bumalik.

Bullshit! Wala na kong pakielam!

Parang nagyelo ang buong sistema ko nang makita ko silang natatakpan ng puting tela... Nawalan ng lakas ang tuhod ko habang papalapit ako papunta sa kanila..

Chanyeol... C-Chen.. Mga chong wag ganito... Huwag naman kayo mang iwan ng ganito.. Marami pa tayong plano. Pano natin magagawa yon kung iniwan niyo na kami dito?

Mga chong... G-gumising kayo diyan.. 

Unti unti kong binaba ang tela hanggang sa makita ko sila... Walang buhay. Naiwan ang mga bakas ng tama ng bala sa bawat parte ng katawan.

"Chen.. Yeol... W-wag naman kayong magbiro ng ganyan. C-Chong.. Hinihintay ka pa ni Wendy, Chanyeol naman. C-Chen masyado pang bata yung anak mo. Chong..." Halos masamid ako sa sarili kong laway habang sinusubukan kong magsalita sa gitna ng iyak ko.

Hindi ko alam kung pano haharapin ang susunod na araw na wala kayo.. Mawawala na yung araw araw na pangagago niyo tuwing umaga.. Mga chong... Ayoko ng ganun.

P-pano kami tutugtog sa banda kung wala na kayo? N-napakadaya niyo naman eh, ang aga niyong mang iwan tang ina!

Mahigpit ko silang niyakap.. Hindi ko mapigilang mas lalong umiyak nang malamig na katawan nila ang maramdaman ko. Walang kahit anong reaksyon galing sa kanila.

Alam kong ayaw niyo ng maingay.. Diba ayaw niyo nga nung alarm ko na malakas? Ayaw niyong naiistorbo yung tulog niyo diba?? B-bakit natutulog parin kayo diyan? H-hindi ba kayo naiingayan sakin...

W-wala na ba talaga kayo... Chong, kailangan ko na ba talagang tanggapin?

"Seulgi.." Tawag ni Kai. Hindi ko na napansing dumating sila..

"N-napakadaya ng mundo Jongin... B-bakit ganito..." Mas lalo akong humagulgol nang higitin niya ko para yakapin. Mas hinigpitan niya pa ang yakap nang paulit ulit ko siyang pinaghahampas sa dibdib.

She's The Boss // SeulreneWhere stories live. Discover now