Chapter 1: Work

3.6K 77 23
                                    

Anya.

  "SABAY ka na sa akin."

  Napatingin ako kay Zohar na kakababa lang at dala nito ang suit case niya. Papasok na siya sa trabaho at katulad ng dati ay siya ang naghahatid sa akin papunta sa university na pinapasukan ko.

   "Sige. Kumain ka muna." Maikling sagot ko at ibinaling kay Claire ang tingin ko.

  "Ate, kailan ako papasok ulit ng school?" Tanong nito sa akin.

  Umupo si Zohar sa tabi ni Claire. "Maybe next month. Kaya i-enjoy mo na ang bakasiyon mo." Siya ang sumagot sa tanong ni Claire na ikinahagikhik nito.

  "Excited na akong pumasok, Kuya!" Sagot niya. Napangiti ako habang nakamasid sa kanilang dalawa.

   Parang kailan lang nang wala kaming matuluyan. Sino ba naman ang mag-aakala na may kukupkop sa amin na isang mayamang negosyante? Hulog ng langit talaga si Zohar sa buhay namin. Hindi ko alam na sa kabila ng kasamaang lumalaganap sa mundo ay may mga tao pa rin na handang gumawa ng mabuti ng walang hinihintay na kapalit.

  "Kamusta pala sa school mo?" Kaswal na tanong nito. Maliit na ngiti ang sumilay sa labi ko. Para itong magulang kung magsalita kahit na pitong taon ang agwat naming dalawa. Kung ituring niya naman ako ay katulad ng kapatid niyang babae na apat na taon ang tanda sa akin.

   Noong una ay ayos lang naman ang trato niya sa akin. Sobrang saya ko pa nga dahil may 'kuya' na ako pero sadyang mapaglaro ang tadhana at mas lumalim pa sa turingang magkapatid ang nararamdaman ko sa kaniya.

  "Ayos lang naman. Uhm, pwedeng dalhin ko iyong kaibigan ko dito minsan? Kung ayos lang. Kung hindi naman, ako na lang pupunta sa bahay nila. May project kasi kaming tatapusin."

   Napatango-tango ito habang ngumunguya ng pagkain. Napakagat ako ng labi habang nakatingin sa kaniya. Nakikita ko kung paano gumalawa ang mga ugat nito sa kamay. Mas lalong gumanda ang katawan ni Zohar nitong mga nakaraang buwan marahil napapadalas ang pag-gygym nito kasaa si Sam at Vius. Minsan ay ininvite nila ako pero masyado akong nahihiya sa kanilang tatlo.

   "Pwede naman. Para na din makilala ko siya. Masaya ako na may kaibigan ka na agad."

  "Uhm, male-late din pala ako ng uwi."

  Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.

  "Why?"

"Kasi may lakad kami ng kaibigan ko ngayon." Bahagyang naningkit ang mata nito sa sinabi ko. Bumuntong-hininga na lamang ako. Ayokong sabihin sa kaniya na mag a-apply ako ngayon sa lugar kung saan nagtra-trabaho si MJ, ang kaibigan ko.

  "Saan? Ihahatid ko kayo."

  "Hindi na," nakailing na sagot ko. "Nakakalimutan mo na naman na 20 years old na ako at hindi 12 years old para diyan." Biro ko pero hindi ito ngumiti.

  "What? Huwag mong idahilan iyan. Anong oras kayo uuwi?"

  "Tama si Kuya Zohar, Ate. Baka mapahamak ka pa sa labas." Singit ni Claire.

  Umiling ako sa kanila. "Huwag kayong mag-alala, kasama ko si MJ. Normal lang naman siguro sa isang college student na lumabas."

  Sumusukong bumuntong-hininga si Zohar. "Fine. Pero sabihin mo sa akin kung anong oras ka uuwi dahil ipapahanap kita kung hindi ka dumating dito sa tinakda mong oras."

"9:00, I guess."

Tumango ito. Lihim akong napangiti. Hindi naman na niya kailangang malaman kung saan ako magtra-trabaho dahil paniguradong pipigilan niya lang din ako. Utang na loob ko na ang libreng pagpapatuloy niya sa amin dito at hindi naman makapal ang mukha ko para sa kaniya na lamang umasa habang buhay.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon