Chapter 27: Backup

1.1K 33 13
                                    

CHAPTER 27: Backup

Anya.

Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng kuwarto ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bahagya pa akong nahilo dahil masakit ang ulo ko.

"Hey, stop that Kiah."

Nagtaka ako sa narinig ko. Anong ginagawa ni Kiah dito.

"No. Don't touch me, Kuya. I will defend you with that girl. Disappointed na ako, huwag mo ng dagdagan."

"Bawal ang ma-stress sa'yo."

"I'll calm down kapag nagawa ko na ang gusto kong gawin. Kilala mo ako."

Mabilis akong naglakad papunta sa pintuan at natigilan ang dalawa nang makita ako. Tiningnan ako ni Kiah mula sa paa ko at tinaasan ako ng kilay nang makita niya ang mukha ko.

"You know what? Hindi ka dapat makita ng ganito ni Kuya." Aniya bigla ako nitong tinulak papasok sa kuwarto ko.

Mabilis siyang pumasok at ni-lock ang pintuan.

"Kiah!" Rinig kong sigaw ni Zohar sa labas pero hindi niya ito pinakinggan.

"Take a bath." Nakahalukipkip na utos sa akin ni Kiah.

"Huh?"

Inirapan niya naman ako. "I said, take a bath. Aalis ka sa bahay na ito."

Napabuntong-hininga naman ako. Wala na akong ganang makipagtalo kay Kiah kaya naman ginawa ko na lang ang kung anong gusto niya at naligo na lamang.

Pagkatapos kong maligo ay nakita ko ang isang red dress na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. Hindi ko alam kung saan kinuha ni Kiah ang ininom niyang tea pero kalmado itong umiinom nang makita ako ay tinuro niya ang red dress na nasa kama ko.

"Isuot mo iyan."

Kumunot na ang noo ko dahil naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

"May okasiyon ba ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Kailangan ba kapag okasiyon lang maganda?" Pamimilosopo nito sa akin dahilan para mapangiwi ako. Ang hirap patulan ni Kiah dahil buntis at wala ako sa mood.

Sinuot ko na lamang ang red dress na fit na fit naman sa katawan ko. Nang makita ako ni Kiah ay tumayo siya at lumapit sa akin.

"Sit." Tinuro niya ang upuan sa harap ng dresser. Bumuntong-hininga na lamang ako bago umupo roon.

Nilabas ni Kiah ang ilan sa makeup na binili ni Zohar para sa akin.

"Kuya picked this for you? Kaya pala tanong ng tanong sa akin kung anong magandang brand ng makeup. Akala ko nababakla na siya." Naiiling na sabi nito na hindi ko mapigilang ngumiti. Wala naman kasi akong kaalam-alam na kay Kiah pala siya nagtatanong ng mga ganong bagay.

Hinawakan ni Kiah ang mukha ko at nagsimula na itong makeupan ako. Halos hindi na ako huminga sa sobrang lapit niya sa akin. Nakaka-intimidate talaga ang aura ni Kiah. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto niya ngayon pero kahit papaano ay magaan ang loob ko dahil hindi niya ako pinagsasalitaan ng kung ano-ano.

Nang matapos ay napangiti siya habang nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa nakaharap na salamin at hindi ko mapigilan na mamangha dahil ibang-iba ang ayos ko ngayon. Ang ganda.

"You're actually beautiful."

Napatingin ako kay Kiah at bahagya itong ngumiti sa akin pero mabilis rin siyang nagseryoso.

"Wear the red heels from your shoe rack."

Agad akong nagtungo roon at sinuot ang sinabi ni Kiah sa akin.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon