Chapter 11: Saturdate

1K 38 1
                                    

Author's Note:

    I would appreciate some feedbacks from you! Kindly leave some and don't forget to vote. Thank you. Yes, I'm back. Hopefully tuloy-tuloy na ang update.

Anya.

  "NEXT week na iyong foundation ng school. Kamusta ang preparation?" Tanong ko kay MJ. Lunch namin ngayon at sabay na naman kaming kumain.

  "Okay na lahat."

  "Good." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Hinahayaan niya lang kasi ako na huwag tumulong.

  "Ikaw din, good na good mood ka." Nakaangat ang kilay na sabi niya kaya ngumuso ako. Ang dami ko ng utang na kwento kay MJ. Hindi na siya updated sa buhay ko.

  "Well, excited na ako sa lakad namin sa Sabado nila Zohar."

   Napamaang si MJ sa sinabi ko. Iniisip niya siguro na umaasa na naman ako kaya napabuntong-hininga ako.

  "Ikaw na talaga, Anya! Hindi ka talaga titigil noh?"

  "Kung napipigilan lang, ginawa ko na sana. Tiyaka lakad lang iyon kasama si Kleng. Walang mangyayari na katulad ng iniisip mo." Nakasimangot kong sagot. Napailing naman siya.

"Nako! Bahala ka diyan, Anya. Huwag kang iiyak sa harapan ko ah? May Sharee na ang Kuya Zohar mo." Umingos naman ako dahil pinagdiinan niya talaga ang salitang iyon sa akin.

"Oo na."

  "Tsk. Bahala ka diyan, basta ako... kaibigan mo ako. Iyon ako. Kaibigan mo na pwede kang samahan sa kalokohan mo pero kapag napahamak ka diyan, ako mismo ang magpupukpok ng bato sa ulo mo."

  Napasimangot ako. Ang brutal talaga ni MJ minsan.

  "Basta mag-ingat ka lang. Ayokong masaktan ka pero katulad ng sinasabi nila, hindi maiiwasan ang masaktan sa tuwing magmamahal ka. Iyang sakit na iyan ang magtuturo sa'yo para magtanda ka. Bye, Anya." Paalam niya bago dumeretso sa Club Room ng mga artists ng GA.

  I'm on the Journalism Club naman. Wala masyadong mga meetings doon kaya iyon ang pinili kong Club. Napailing ako habang tanaw-tanaw si MJ.

  Nag-iingat naman ako pero habang nag-iingat ako, lalo kong pinipigil mas lalo namang gustong kumawala ng nararamdaman ko.

  Mabilis na lumipas ang araw at dunating na ang pinakahinihintay kong araw ng Sabado.

  Maaga akong gumising para sumama na magluto ng ilang putahe. Nabanggit sa akin ni Zohar na magpipicnic kami sa Amusement Park. Doon kasi ang napiling puntahan ni Claire.

   Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung gaano kasaya si Claire nang malaman niya na mamasiyal kami sa lugar na iyon. Hindi ko mapigilan na mapangiti din. Nakakahawa ang saya at excitement na nararamdaman niya.

   "Ate Anya? Ready ka na ba?" Tanong sa akin ni Claire. Hindi ko namalayan na na nakapasok pala siya ng kuwarto ko kung saan kasalukuyan kong inaayusan ang mukha ko.

  "Oo, hintayin niyo na lang ako sa baba."

  "Okay. Naglalagay si Kuya Zohar ng mga gamit natin sa kotse."

  Napatango naman ako. Kanina pa nakahanda si Claire. Inayusan siya ni Manang kanina. Napaka-cute niya sa suot na paldang kulay pink at t-shirt na may naka-imprentang cartoon character. Ang buhok niya naman ay nahati sa dalawa at nakatirintas ang mga iyon.

  "Sige, susunod na ako."

  Patakbo itong umalis ng kuwarto ko kaya natawa ako nang mahina. Sobrang excited niya. Sabagay dahil ngayon lang siya nakalabas ng ganito. Iyong mamamasiyal siya sa isang lugar na ni minsan hindi ko pa nga nasubukang puntahan.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon