Chapter 9: Sundo

1.1K 38 11
                                    

Author's Note:

Eyyo, votes and comments are highly appreciated. Thank you.❤

Anya.

SABI nila nagiging marupok daw ang babae sa lalakeng unang nagcomfort dito sa panahong nasasaktan siya. Kaya naman pagkatapos ng gabing iyon ay todo iwas na ako kay Harvard.

"Anya, kumain ka pa." Puna sa akin ni Zohar. Napakurap-kurap ako, ang lalim ng iniisip ko. Hindi ko man lang namalayan na hindi pa pala tapos ang pagkain ko.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. Agad akong tumango at ngumiti.

"Ayos lang, may iniisip lang ako. Ikaw? Kamusta sa work?" Tanong ko bago sumubo ng pagkain.

"Ayos lang. Tinatapos ko iyong isang project. Si Claire, papasok na siya bukas." Bigla ay tumigil sa pagkain si Kleng at tumingin sa akin bago kay Zohar.

"Totoo po?" Namimilog ang mata niyang tanong kay Zohar. Sa simpleng pag-taas baba ng kilay ni Zohar ay lumawak ang ngiti ni Kleng. Halatang excited na itong pumasok.

"Gagalingan ko sa school!" Aniya na nagpangiti sa amin.

"Good luck, Kleng. Sana magkaroon ka nang maraming kaibigan." Sabi ko at tinapos ko na ang pagkain ko. Tatayo na sana ako nang tumikhim si Zohar.

"Ihahatid kita. Sabay ka na sa akin. Matagal-tagal na rin kitang hindi nahahatid."

Sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi ko. Oo nga, mabuti at napansin niya din. Noong mga nakaraang araw ay napakabusy nito. Hindi lang sa trabaho kundi pati na rin sa iba pa.

Kahit nga mag-usap dito ay hindi na namin magawa. Late na akong umuuwi at ganun din siya. Kapag umuuwi siya, tulog na ako. Nakakamiss din iyong dati na lagi kaming magka-usap.

Nakakamiss? Napatigil ako sa pag-iisip at bahagyang napabuntong-hininga. Dapat kinakalimutan ko na ang pakiramdam na ito.

"Ate Anya, ingat." Paalam sa amin ni Kleng bago ko isara ang pintuan ng sasakyan at pinaandar ni Zohar.

"Kailan pala ang day off mo?" Tanong sa akin ni Zohar. Nakakunot ang noo niya at seryosong nakatingin sa daan.

"Saturday. Bakit?" Tanong ko.

"Labas tayo."

Tila nasamid ako kaya napa-ubo dahil sa sinabi niya. Labas kami? As in mamasiyal? Dalawa kami?

"Ayos ka lang?" Baling nito sa akin. Tumikhim ako at tumango. Ayos lang ako, nagulat lang.

"Okay lang. May kasama tayo?"

"Yes, tayong tatlo ni Claire. Matagal na tayong hindi nakaka-bonding. Doon tayo matutulog sa bahay pagkatapos."

"Bahay niyo, as in sa Gustavo?"

Tumango siya. Namimilog naman ang mata ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maganda ang relasiyon namin sa mga pamilya ni Zohar dahil against sila sa pangungupkop sa amin ni Zohar.

"Namiss na daw nila ako sa Mansion. I miss my lil bro and sis too. Maganda din na mabisita ko sila. I guess it will be fine. Mukhang nag-matured na si Kiah. Lalayas tayo kapag inapi niya kayo."

Tahimik akong napangiti sa sinabi niya. Kahit kailan ay napakabait ni Zohar sa amin. Oo nga at kinupkop niya lang kami pero iba talaga ang puso na meron siya. Siya iyong mabilis magtiwala, mapagmahal at matiyaga. Walang pag-aalinlangan kapag tumutulong sa kapwa.

"Sige, sasama kami."

-*-*-

Kumaway ako kay Zohar bago pumasok sa gate ng campus. Dire-diretso akong naglakad hanggang sa marating ko ang klasrum namin. Tahimik at panay nakatutok sa mga gadget. Iyong iba naman gumagawa ng assignment sa room.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon