Chapter 25: Broken Trust

1.1K 36 13
                                    

CHAPTER 25: Broken Trust

Anya.

"How about Claire?" Biglang tanong ni Zyra.

Nanlaki naman ang mata ni Sam kaya napatingin ako.

"We can't bring her in club, duh." Sabi ni Sam sa akin dahilan para mamilog ang mata ko.

"Club?"

Ngumisi si Sam sa akin. "Wala ka ng kawala ngayon. You can just drink a mild wine there. Loosen up yourself, Anya. Pina-private ko ang club na iyon para sa atin. Darating din si Vius mamaya at ang asawa ni Zyra na si Allen."

"Si Claire iwan na lang natin para may kalaro iyong mga bata sa bahay." Suhestiyon ni Zyra na sinang-ayunan naman ni Zohar. Napatampal na lamang ako ng noo. Bakit ba ang hirap tumanggi kapag si Sam na ang nagsabi?

"Iiwan niyo ako, Ate?" Tanong sa akin ni Kleng. Napatingin ako kay Zohar.

"May pupuntahan lang kami ng Ate mo pero susunduin ka naman namin mamaya. Iiwan ka namin sa bahay ng Ate Zyra mo tapos may kalaro ka doon."

Napatango na lamang si Claire kay Zohar. Nginitian naman ako ni Zohar na parang sinasabi na okay na.

Hinatid namin si Claire sa bahay nila Zyra. Pinakilala ni Zyra si Claire sa dalawa nitong anak. Zallen at Nella ang pangalan ng dalawang bata. Iyong lalake ay halos ka-edad lang ni Claire. Iyong batang babae naman ay may pagka-masungit ang aura nito at parang lalake kumilos kaya napailing na lamang ako. Babaeng-babae kasi si Claire at alam kong mahihiya ito sa dalawa pero mukhang friendly naman iyong lalakeng anak ni Zyra.

"Wow, may chemistry si Claire at Zallen." Panunukso ni Sam nang makita ang dalawa.

"Loka, bata pa sila. Baby ko pa rin si Zallen dahil 5 years old pa lang iyan. Si Nella naman, 3 years old pa lang pero halata mo ng sutil. Lagi silang nag-aaway ni Zallen."

"Baka lalake talaga si Nella." Kantiyaw ni Sam pero sinimangutan lamang siya ni Zyra.

"She's just 3 years old, Sam." Mariin na sabi nito.

"Can you please stop talking about kids?"

Napatingin ang dalawa kay Zohar.

"Hahaha inggit ka lang kasi may anak na si Zyra tapos ako malapit na sigurong magkalaman." Nang-aasar na sabi ni Sam kay Zohar.

"Not that I'm jealous about that. I would love to have a kid on my own but with the right woman."

"Zohar is right." Ani ni Zyra at tumango naman ako.

"Mahirap magmadali."

Nag-give up naman na si Sam sa pang-aasar dahil wala na siyang kakampi. Nang makita namin na nagkakapalagayan na iyong tatlo ay agad na kaming umalis.

"Where to?" Tanong ni Zohar. Siya ang nagsilbing driver namin ngayon.

Sinabi naman ni Sam iyong pangalan ng club at mukhang pamilyar si Zohar doon.

Medyo kinakabahan pa rin ako nang makarating kami sa isang lugar. Mailaw sa loob at may mangilan-ngilan na tao ang sumasayaw sa dance floor.

"My gosh, namiss ko ito kasama sila Mehunny." Anas ni Sam nang makita ang ilang tao roon na nagsasayawan.

Narinig kong tinawanan siya ni Zyra. "Bawal ka na sa ganiyan kasi lagot ka kay Vius."

"I know." Walang gana naman na sabi ni Sam.

"Kay Vius ka na lang sumayaw." Pang-aalo ni Zyra na naging dahilan para mapangiwi naman si Sam.

"Damn. You girls aren't sensitive enough for Anya aren't you?" Inis naman na sabi ni Zohar at pinalapit ako sa tabi niya.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon