Chapter 2: Suplado

1.9K 61 19
                                    

Anya.

  "KLENG, late ako uuwi mamaya." Sabi ko sa kapatid ko na naka-upo sa kama namin at may hawak na notebook.

   Tumingin ito sa akin na nagtataka. Bahagya akong lumapit at kinurot ang tumatabang pisngi nito. Lagi kasing kumakain ngayon kaya bahagya na siyang nagkakalaman.

  "Bakit Ate?"

  "Kasi may trabaho na ako."

  "Alam ba ni Kuya?"

Umiling ako. "Huwag mong sabihin sa kaniya."

  "Okay po." Masunurin niyang sabi at marahan na ginulo ko ang buhok niya. Ang bait talaga.

  "Basta pakabait ka. Malapit na pasukan mo. Try mong mag-kulay muna ng mga binili sa'yo coloring books ni Zohar."

  "Nagpra-practice akong mag-drawing, Ate."

  Namamangha ko siyang tiningnan. "Talaga? Pakita nga ng drawings mo."

  Namula ang pisngi nito. "Ate naman, practice pa lang eh." Nakanguso niyang sabi na ikinatawa ko.

  Kinuha ko ang suklay sa tabi ko at sinimulan na tirintasin ang mahabang buhok ng kapatid ko. Bigla ko tuloy namiss ang mahabang buhok ko.

  "Galingan mo ah. Malay mo maging artist ka pala balang araw."

  "Ngi, ayaw. Gusto kong maging teacher."

  "Bakit teacher?" Takang tanong ko.

  "Para magturo ng bata!" Sagot niya na ikinahagikhik ko. Normal na sagot naman iyon ng mga bata. Kahit ako dati gusto kong maging doktora para makatulong sa may sakit pero narealize ko ma habang lumalaki ka, nagbabago din ang gusto mo.

   Tiyaka hindi lahat ng gusto mo ay pwede mong makuha. Minsan kahit gusto mo ang isang kurso ay kailangan mo itong ipagpaliban sapagkat hindi sapat ang pinansiyal na kakailanganin mo para matugunan ito. Mahirap pumili ng kurso. Sobrang hirap na minsan hinihiling ko na bumalik sa elementarya kung saan ang iniisip mo lang ay ang pagsagot sa addition, subtraction at multiplication.

   Nang natapos kong maayos ang buhok niya ay inakay ko na siya pababa ng hagdan para kumain. Naabutan ko pa si Zohar na naka-upo sa sofa habang may hawak na isang folder.

  "Good morning." Maikling bati ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Hindi ko mapigilan na ngumiti nang mas malawak.

  Ang ganda kasi ng ngiti niya. Napaka-boyish at nakakagaan ng pakiramdam.

  "Anya, hindi muna ako makakauwi mamaya."

  Agad na nanlaki ang mata ko sa magandang balita. Sakto, dahil kahapon ko pa iniisip kung paano ako aalis sa bahay nang hindi niya napapansin.

  "Kailan ka uuwi?"

  "Bukas ng umaga."

  Nakahinga ako nang maluwag.

"Bakit hindi ka makakauwi?" Tanong ko na lamang. Tinalikuran ko siya at kumuha sandali ng kape para timplahan siya.

  "I have to attend a date."

  Napatigil ako sa paghalo ng tinitimpla kong kape at kumabog nang malakas ang dibdib ko. Nanikip ito at alam ko kung bakit. Kinagat ko ang labi ko bago tumingin sa kaniya.

"Sino?"

  Nagkibit-balikat siya. Napabuntong-hininga ako at umiwas ng tingin bago inabot sa kaniya ang kape niya.

  "Anak ni Mr. Walters."

Napatango ako. Maganda siguro iyon. Tunog pa lang ng apilyido niya ay yayamanin na at walang-wala sa akin. Halatang may lahi din ito. Walters huh?

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon