Special Chapter

1.4K 30 0
                                    

[SECOND GENERATION]

Aireena.

  "Cosé!" Inirapan naman niya ako at bumuntong-hininga. Si Cosè ang anak nila Tito Zephyr at Tita Cosette. Masungit talaga ito lalo na pagdating kay Avi. Namana niya ang mukha ni Tita Cosette pero ang ugali nito kay Tito Zephyr niya nakuha.

  "Pwede ba, ayaw ko talagang nakikita iyong mukha ni Avi. Naiirita ako."

  Bumagsak ang balikat ko dahil doon. Si Avi ang bunsong anak nila Tita Kiam at Tito Damon. Magpipinsan kaming tatlo pero hindi magkasundo si Cosé at Avi dahil sa nangyari sa nakaraan.

  Cosé blamed Avi for Ate Zephaniah's death. Nalunod ito nang itulak ni Avi si Ate sa dagat nang minsan na magkaroon kami ng gathering. I don't know why he did that but I know that Avi is just a kid that time at hindi niya naman siguro iyon sinasadya.

  Actually, I still believe that Ate Zephaniah is still alive. Hindi naman narecover ang katawan niya pero mahigit sampung taon na siyang nawawala kaya kinonsider na nila na patay na ito.

  Tita Kiah was devastated that time. Nadepressed ito sa pagkawala ng panganay na anak niya. Who wouldn't? Sobrang bait ni Ate Zephaniah.

   Umuwi na lamang ako sa bahay ay inabutan ko si Mommy at Daddy na nasa kusina.

  "Mom, Dad." Tawag ko at napatingin sila sa akin. Ngumiti naman ako.

"How's your day, Aireena?" Tanong ni Daddy sa akin.

  "Ayos naman po, Dad." I said and kissed him on his cheeks.

  "Aireena, mukhang malungkot ka." Nag-aalalang sabi ni Mommy kaya naman napabuntong-hininga ako.

  "Hindi pa rin magkasundo si Avi at Cosé."

  Mom sighed and Dad too.

"Wala tayong magagawa. Masiyadong nasaktan si Cosé sa pagkawala ni Zephaniah." Mom answered.

"Mom, what do you think is the reason why Avi did that?"

"I heard he's jealous with Zephaniah."

"Is that right Dad?" Baling ko kay Daddy.

"Iyon ang alam ni Kiah na dahilan."

Nalungkot ako. Hindi ko alam iyong pakiramdam na may kapatid kaya naman nalulungkot din ako na dahil sa pagseselos ni Avi ay nagawa niya iyon kay Ate Zephaniah.

"Dad, wala na ba kayong plano na sundan ako? I'm already 17!" Halos magmaktol na sabi ko.

Natawa naman si Daddy. "You will always be our baby girl, Aireena."

"Dad!"

"Aireena, pasensiya na. Nahirapan talaga ako noong ipinagbuntis kita kaya hindi ka na namin sinundan ni Zohar." Sabi ni Mommy. Inakbayan naman siya ni Daddy.

"There's nothing to be sorry about it, Anya. Maselan ka magbuntis, I understand."

Napatango na lamang ako. Alam ko naman na 3 years after nila makasal, tiyaka lang nabuntis si Mommy dahil hirap talaga itong mabuntis.

"It's alright, Mom. Kaya ko pa naman maging solo heiress ng Gustavo."
Nakangiwing sabi ko.

"You'll be alright." ani ni Dad.

"Kamusta na pala kayo ni Prince mo?" Mom asked and my eyes widened.

Tinutukoy niya si Prince Zarell na bunsong anak ni Tita Zyra. Magkasing-edad lang kami pero napakatahimik niya at noong bata kami madalas ay pinapaiyak ko siya. Our home is located at the same village with the Garcia's kaya naman lagi kong pinupuntahan sa bahay nila si Zarell para makipaglaro.

We're classmates eversince we both started studying at GA. Minsan tinuturuan ako ni Zarell sa lessons. He's a hot nerd. Lahat silang magkakapatid ay matatalino. Si Kuya Zallen at Ate Nella naman iyong mga pasaway.

I'm also close with Ate Azyra. Siya ang pinakamatinong anak nila Tita Zyra.

"Ayos lang naman, Mommy. Bakit po?"

"Wala naman. Hanggang ngayon ba ay gusto mo pa rin si Zarell, anak?" Tanong ni Mommy.

Napatingin naman ako kay Dad na nakasimangot na habang nakatingin kay Mommy.

"Dad, it's alright. Si Zarell iyon mas harmless pa siya kaysa sa akin." Natatawang sabi ko.

Natawa rin si Mommy at yumakap ss bewang ni Dad.

"Zohar, hayaan mo iyong bata. Ayan ka na naman, kaya nga hanggang ngayon hindi nagpapakasal si Kleng dahil masiyado kang naghigpit."

Napailing na lamang ako at naalala ko si Tita Claire na twenty-four na ngayon pero wala pa rin siyang boyfriend.

"Choose the right man, Aireena." Dad said.

"I found him already, Dad. I just have to make him choose me."


Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon