Chapter 13: His Family 2

1K 43 9
                                    

Author's Note:

Don't forget to ⭐ vote and comment 💭. Thank you and enjoy reading!

Anya.

     Mukhang pinaghandaan talaga ng mag-asawang Gustavo ang hapunan na ito. Sa sobrang daming putahe ang nakahain sa harapan ko ay parang mahihirapan pa ako kung anong kakainin ko. Lahat ay masarap. Tingin pa lang ay mabubusog ka na. Ang ganda pa ng pagkaka-ayos ng plating nito.

  "How are you son?" Tanong ni Mr. Hansel Gustavo kay Zohar. Kanina ko lang nalaman ang totoong pangalan nila.

  Zoe Gustavo ang pangalan ng Mommy ni Zohar. Lahat silamg magkapatid ay  'Z.H' ang initial ng mga pangalan. Napaka-creative ng mga magulang nila.

  "Ayos naman, Dad. It's going good. Business partner ko rin ang mga Garcia."

  "Oh, iyong asawa ni Zyra?" Gulat na tanong ni Tita Zoe.

  Kahit ang dalawang kapatid ni Zohar ay napatingin din sa gawi niya. Napasulyap naman ako kay Kleng na ganadong kumakain ng pasta na nakalagay sa plato niya.

  "Yes. What's wrong? Magkaibigan na kami ngayon. Tutal past is past na din. Tapos na ang dati sa amin ni Zyra. Ayos na ako."

  Mahinang natawa si Kiah sa narinig niya mula sa Kuya niya. Anong nakakatawa?

  "Kuya, alam naman namin dito na hirap kang kalimutan si Ate Zyra."

  Naibaba ni Zohar ang mga kubyertos na hawak niya.

  "Kiah, stop it. Alam mo na nga na dahil diyan ay hindi ko kaagad narealize ang nararamdaman ko kay Sam."

  "At sa huli ay napunta siya sa iba katulad ni Ate Zyra. Oo, Kuya... alam na alam namin ang mga panghihinayang mo." Mapait na tugon naman ng pinakabatang Gustavo.

  "Hey kids, tigilan niyo na ang Kuya niyo. Matanda na siya. For sure naman alam mo na ang ginagawa mo ngayon, Zohar?" Nakaangat ang kilay na tanong ni Tita Zoe kay Zohar at biglang tumingin sa gawi ko.

  "Alam mo naman na bawal ang mambahay ng babae sa tahanan mo lalo na kung wala naman kayong relasyon. Iba ang iisipin ng iba kapag nasa iisang bahay kayo ng isang babae."

  Tila nawalan ako ng gana sa narinig. Gusto ko na lamang na umalis bigla at umuwi. Nakakahiya iyon. May punto si Tita Zoe. Mali nga naman.

  Nakita ko kung paano ako tingnan ni Zohar na parang nagsasabi ng 'sorry' para sa sinabi ng nanay niya. Tipid naman akong ngumiti sa kaniya at binilisan na tapusin ang pagkain ko.

   Tumikhim bigla si Kiah na ikinagulat namin kaya sa kaniya nabaling ang atensiyon ng lahat.

  "Hindi niyo ba ako kakamustahin? Let's not spoil the night. We haven't still announced the best part!" Nakangiting sabi niya at bahagya namang tumingin ang asawa nito na nangingiti sa kaniya.

  Ang ganda nilang tingnan. Napaka-swerte nila sa isa't isa.

"What is it, Kiah?" Nakangiting tanong ni Tito Hansel sa nag-iisang anak na babae.

  Huminga muna nang malalim si Kiah bago nagsalita.

  "I'm pregnant!"

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon