Chapter 28: Maybe this time

1.2K 35 11
                                    

CHAPTER 28: Maybe this time

Anya.

Isang buwan na ang nakalipas nang maghiwalay kami ni Harvard. Sa maikling panahon ng relasiyon namin may natutunan din ako at iyon ay ang huwag magpadalos-dalos sa pagpasok sa relasiyon. Mabuting kilalanin muna iyong lalakeng nagugustuhan ko dahil hindi ko alam na may mga side characteristics pa pala ito na hindi ko magugustuhan.

Ngayon ay nasa bakasiyon ako kasama ang mga kapatid ni Zohar, sila Sam, Zyra, at ang tatlo pa nilang mga kaibigan na sila Maureen, Alyssa at Mehunny kasama ang mga asawa at anak nila. Sa wakas ay nakabalik ulit ako sa Nella Aryz Island, ang pag-aaring isla ng mag-asawang Garcia na nakapangalan sa pangalawang anak nilang babae.

Matagal na rin simula nang huli akong pumunta rito para samahan si Zohar na suyuin si Sam na bumalik sa kaniya. Hindi ko makakalimutan ang panahon na iyon dahil totoong nasaktan si Zohar. Saksi ako sa panghihinayang niya hanggang sa sakit at pagpaparaya na ginawa niya nang ikasal si Sam kay Vius.

Kaya nga nang kwinento pa sa akin ni Sam ang tungkol sa paghihiwalay naman ni Zohar at Zyra, hindi ko maiwasan na tanungin si Zohar sa isip ko na, "Ayos ka lang?" Dahil hindi biro ang pinagdaanan niya sa pag-ibig.

"Kuya, doon naman!" Turo ni Kleng sa mas malalim na parte ng dagat. Ginulo naman ni Zohar ang buhok niya at natawa na lamang sa kakulitan ng kapatid ko.

Napangiti ako habang pinapanood sila. Ilang beses pa ba ako na magpapasalamat kay Zohar? Ang dami niyang binago sa buhay ko.

"Uy, baka matunaw si Zohar my ex jowa." Biglang sabi ni Sam na ikinagulat ko.

Agad ko namang iniwas ang tingin ko mula kay Zohar at Kleng.

"H-Hindi ah."

"Sus, saan ka ba nakatingin? Hubad-baro si Zohar ngayon habang nakikipaglaro sa kapatid mo. Yummy noh?"

"Sam!" Suway ko pero natawa naman siya.

"May asawa na ako pero hindi ko itatanggi na gwapo talaga si Zohar. Halos lahat naman ng ex ko gwapo eh."

Sumimangot naman ako. "Si Kuya Vius na lang ang tingnan mo ngayon."

"Hahaha, oo na. Sabi niya, dapat siya lang daw ang paglihian ko."

Dalawang linggo na simula nung ianunsiyo sa amin ng mag-asawang Labrusca na buntis na si Sam. Sobrang natuwa kami noon kahit si Zohar sinsero ito sa pagiging masaya ng buhay mag-asawa nila.

Dahil doon ay naging tampulan kami ng tukso ni Zohar dahil tinatanong nila kung gusto na ba daw gumalaw ni Zohar dahil napag-iiwanan na ito. Wala naman siyang sinagot kundi simpleng ngiti lang.

Nang dumating ang tanghalian namin ay kumain kami ng iba't ibang seafoods. Nag-ihaw sila Zyra at ang asawa niya. Natutuwa akong pinapanood ang mga magkapares dahil ang sweet nila sa isa't isa.

"Mom, what the fuck is this?" Tanong nung isang batang babae. Namilog naman ang mata ko dahil narinig kong nagmura ito na sinaway naman ng ina niyang si Alyssa. Kung hindi ako nagkakamali, Jelayssa ang pangalan nung bata.

"May pinagmanahan talaga." Natatawang sabi naman ni Maureen at nakita ko na may bata rin na yumakap sa kaniya.

Nakakatuwa, ang laki na ng pamilya ng magkakaibigan. Ang hirap na nga na imemorize ang pangalan nilang lahat. Basta ang pinakamatanda sa mga bata ay ang panganay na anak ni Mehunny na si Zed at sa babae naman ay magkasing-edad lang si Hunnylen at Zyllen.

"Hindi na ako makapaghintay, alam kong lalaki ang mga batang ito na may magandang itsura." Ani ni Allen habang kumakain kami.

"Tama, ang ganda kaya ng genes namin." Sabat naman ni Alyssa dahilan para hampasin ito ng pabiro ni Zyra na siyang katabi niya sa table.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon