Chapter 22: Fever

1K 23 14
                                    

CHAPTER 22: Fever

Anya.

"NAGMERYENDA ka na ba? Anong gusto mo?" Tanong ko kay Zohar nang makalabas kami.

Pinagmasdan niya naman ang maaliwalas na paligid ng apartment namin. Hindi naman talaga maluwang ang lugar katulad ng paligid ng mansion pero maluwang na ito dahil dalawa lang naman kami ni Kleeng ang nakatira rito.

"I'm sorry."

Natigilan ako sa narinig kong salita mula kay Zohar. Agad akong tumingin sa kaniya at nagtama ang paningin naming dalawa.

"Sorry para saan? Wala ka namang kasalanan sa akin o sa aming dalawa ni Kleng."

Ngumiti ako sa kaniya. Ang kalmado ng aura ni Zohar ngayon hindi katulad ng dati.

"Sorry because I let this happened. I'm torned between letting you stay in my house or obeying my girlfriend wants."

May pait na gumuhit sa puso ko nang marinig ko muli sa kaniya ang salitang girlfriend. Talaga sigurong kailangan na paulit-ulit akong masaktan para matuto at mamanhid sa sakit iyong puso ko. Minsan na nga lang kasi ako totoong magkagusto sa isang lalake, pinakawalan ko pa ang tyansa na binigay sa akin.

"Ayos lang naman kami ni Kleng dito. Sa totoo lang natutuwa ako na dumalaw ka ngayon. Akala ko sobrang tigas na ng puso mo sa aming magkapatid. Sorry sa lahat ng nangyari."

"Okay na."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Zohar at hindi ko mapigilan na mamilog ang mga mata ko at tumingin sa kaniya.

"Seryoso?"

"Ayaw mo ba?"

Napaawang ang labi ko, Parang gusto kong umiyak dahil ngayon ko na lang nakausap ng ganito kagaan si Zohar. Namiss ko iyong asaran at normal na pag-uusap naming dalawa.

Lumapit sa akin si Zohar at ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Ikaw pa rin si Anya. Ikaw pa rin iyong babae na parang kapatid at best friend ko na ang turing ko sa'yo. Lahat naman ng tao nagkakamali eh. Alam ko naman na natuto ka na sa mga nangyari sa atin nitong nakaraan kaya okay na. Nahihirapan na din ako na magmatigas sa'yo."

Napalabi naman ako. "Hindi ka ba nagsisisi na nakilala mo kami ni Kleng? Kung hindi kaya ikaw iyong muntik na nakabangga sa akin, hindi naman tayo magkakakilala at hindi ka mapipilitan na kupkupin kaming magkapatid sa bahay mo."

"Kailan ko ba sinabing napilitan lang ako na kupkupin kayo sa bahay ko?'

Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga, kahit kailan ay hindi namin naramdaman ni Kleng na hindi kami welcome sa bahay ni Zohar.

"Hindi ko gustong umuuwi sa mansion dati. Iniisip ko kasi, mag-isa lang naman ako doon tapos pwede naman akong tumuloy na lang sa isang condo unit so why bothered? Pero noong nakilala ko kayo ni Kleng, parang nagkaroon ako nang maliit na pamilya sa katauhan niyo. My mansion became a real home. A home for the three of us." Nakangiting pagkwe-kwento niya.

Hindi ko mapigilan na mangilid ang luha sa mata ko. Bakit ba napaka-perfect na niya? Sobrang bait pa. Sobrang ninanamnam ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

Nang makita ni Zohar ang luhang tumakas sa mga mata ko ay agad niya iyong pinawi gamit ang hinlalaki ng kamay niya at hinawakan ang mukha ko.

"Why cry, Anya?"

Napalabi akong muli. "Nakakaiyak ka kasi eh. Namiss kaya kita." Parang bata na sabi ko sa kaniya at natatawang ginulo niya naman ang buhok ko. Isang bagay na naman na namiss ko sa kaniya dahil madalas niya talagang guluhin ang buhok ko.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon