Chapter 21: Mistake

1K 24 17
                                    

Chapter 21: Mistake

Anya.

"ATE, dito na ba talaga tayo tutuloy?" Mahinang tanong ni Kleng sa akin. Bakas sa boses niya ang lungkot.

Halos kalahating oras na rin ang nakalilipas nang maihatid kami ni Kiah sa apartment na tutuluyan namin. Masiyadong nagpakumabab si Kiah noong sinabi niya na cheap ang apartment na ito dahil hindi. Maganda ang pasilidad at pagkakagawa sa apartment na tutuluyan namin ni Kleng. Sigurado akong malaking halaga din ang ginastos nila para rito.

Kumpleto na ang mga gamit sa loob at may mga sofa na rin kasama ang malambot na kama. Dalawang bed ang meron at tig-isa kami ni Kleng doon.

Malinis ang paligid. Nasa 15 minutes na biyahe ang layo namin mula sa bahay ni Zohar.

Binalingan ko ang kapatid ko na parang nalugi. Ngumiti na lamang ako sa kaniya para kahit papaano ay iparating sa kaniya na magiging maayos din ang lahat.

"Dito na tayo titira, Kleng."

Tiningnan niya naman ako at lumabi ito sa akin. "Paano si Kuya Zohar? Umalis tayo doon na hindi nagpapaalam sa kaniya baka magalit siya ate."

Umiling ako. "Okay na ito, Kleng. Masiyado ng nakakahiya ang matagalan nating pagtira sa bahay niya. Tiyaka ito na ang bagong titirhan natin. Galing rin naman ito kay Kuya Zohar mo."

Mukhang hindi pa rin ito kumbinsido sa sinabi ko kaya napabuntong-hininga na lamang ako at tinabihan siya sa kama niya.

"Kleng, malungkot ka ba?"

Tumango siya sa akin.

"Mamimiss kong kumain ng kasabay si Kuya Zohar. Mamimiss ko din iyong luto ni Ate Bing."

Hinaplos ko ang buhok ni Kleng at niyakap siya. Hinalikan ko rin ang tuktok ng ulo niya at napapikit na lamang ako nang yakapin niya rin ako.

"Masasanay ka rin na dalawa tayo ang magkasama dahil sa una pa lang ay tayong magkapatid ang tunay na magkasama. Huwag ka ng malungkot, Kleng. Tiyaka ayaw mo ba iyon? Ako na ang kasama mo sa paggawa ng mga assignments mo dahil wala si Bing para turuan ka."

Humiwalay ito sa akin at ngumiti nang matamis kaya napangiti na lamang rin ako.

"Andito si Ate, okay? Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay nating dalawa."

"Thank you, Ate."

Kinabukasan ay maaga akong nagising nang mag-alaram ang cellphone ko. May pasok nga pala ako ngayon. Agad akong napabalikwas sa kama ko at nagtaka dahil kakaiba ang paligid ko. Ilang segundo lang ay naalala ko rin na lumipat na nga pala kami ng bahay ni Kleng.

Agad akong bumangon at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagluto ako ng agahan namin ni Kleng. Niluto ko na lamang ang nakita kong corned beef sa refregirator at nagluto rin ako ng kanin na kasiya na para sa aming dalawa ni Kleng at sa lunch niya.

Naninibago pa rin ako. Ganito naman talaga iyong ginagawa ko noong dalawa kami ni Kleng na nakatira sa dating apartment na paupahan ni Aling Susana pero simula nang patirahin kami ni Zohar sa bahay niya ay hindi na ako gaanong kumikilos noon. Sa bahay ni Zohar, gumigising na lamang kami ni Kleng na may pagkain na at may naglalaba rin ng damit namin doon.

Ngayon ko sobrang napagtanto kung gaano kami inispoil ni Zohar sa mansion niya.

Ginising ko na si Kleng pagkatapos kong magluto.

"Ate, ihahatid mo ba ako sa school?"

Tumango ako sa kaniya. "Oo kaya sabay tayong papasok ngayon."

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon