Chapter 17: I'm Here

984 29 15
                                    

Dedicated to: RecklessbutCute

Anya.

"Why didn't you shove him away, Anya?"

Hawak ni Harvard ang magkabilang balikat ko at pinantayan niya ako. Tulala ako habang iniisip ang nangyari kanina.

"K-Kinakabahan ako eh. Customer siya."

Nagtagis ang bagang ni Harvard sa narinig mula sa akin.

"May masakit ba sa'yo?" Inabot niya ang kamay ko na hawak nung lalake kamina ar chineck iyon.

Nakahinga siya nang maluwag na mukhang okay naman ito.

"You look fine, Anya. Saan ka niya hinawakan? Tell me. I will kill that guy." Nanggigigil ngunit may paglalambing na tanong nito sa akin.

Nagulat si Harvard nang biglang tumulo ang luha sa mga mata ko. Mabilis niya akong nilapitan.

"Anya..."

Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Pakiramdan ko ay nagkaroon ako ng kakampi ngayon. Sobrang kaba ko kanina, akala ko ay mababastos pa rin ako katukad ng dati.

"S-Salamat. Hindi ko alam iyong gagawin ko kanina. N-Nasubukan ko na din mabastos noon sa mga nakaraang trabaho ko pero ngayon lang may dumating at nagtanggol sa akin."

Yumakap ito pabalik sa akin.

"Anya, I know this is not a good timing but I want to tell you that I'm here. I'm here and I'm willing to protect you again and again."

Humiwalay ako sa kaniya at ngumiti. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko.

"Dati puro pang-aasar ka lang sa akin. Ang sungit-sungit mo pa. Ngayon, nagpapasalamat ako dahil sa pagmamalasakit mo sa akin."

Tumawa naman siya nang mahina.

"You know why I'm doing those things for you?" Seryosong tanong niya sa akin. Kumibot ang labi ko at akmang sasagot na nang hinila niya ako palapit sa kaniya at inilapit niya ang labi niya sa tenga ko.

"Because I like you, Anya."

Tulala ako nang makauwi ako sa bahay. Hindi ko lubos maisip kung kailan nagsimula ang sinasabi ni Harvard sa akin na nararamdaman niya. Sobrang daming nangyari ngayong araw na nagpa-drain sa utak at katawan ko.

Pagbukas ko nang bahay ay nadatnan ko si Zohar na sa sala. Nakahalukipkip ito at nakakunot ang noo habang nakatingin sa TV.

"Good evening." Bati ko sa kaniya at simpleng ngumiti.

Bumaling ito sa akin at kinabahan ako nang makita ko na mas lalong nagsalubong ang makapal na kilay nito. Hanggang ngayon ay suot pa rin niya ang coat niya sa trabaho. Hindi pa rin siya nagpapalit simula nang makauwi siya dito.

"I know what happened." Bakas ang inis sa boses nito at sinipat ako ng tingin.

Napabuntong-hininga ako. For sure nasabi na sa kaniya ni Sir Chase.

"You won't work there again, Anya." Seryosong sabi nito.

Bumagsak ang balikat ko dahil sa narinig ko. Alam kong nag-aalala na naman si Zohar.

"Sorry."

Umiling ito sa akin. "Sorry? I won't let you work there. Kung gusto mo sa kumpanya ka na lang."

"Okay naman na ako, Zohar." Paniniguro ko sa kaniya.

"No, Anya. Hindi mo naiintindihan. Noong una pa lang ayoko nang magtrabaho ka roon. Delikado sa lugar na iyon. May kakilala akong may-ari ng restaurant. Kung gusto mo doon ka na lang magtrabaho."

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon