EPILOGUE: I DO

1.8K 42 16
                                    

EPILOGUE

Author's Note: Please try to play the osng "I do by 911" while reading the Epilogue of Love Scars. Thank you so much for reaching the end of Love Scars. Don't forget to VOTE and COMMENT. Love lots!

Don't be sad! This is not the end. There will be stories for second generation. "Breaking the Chase" is already one. That's the story of Sam's daughter, Savi.

Anya.

Naging busy kami ni Zohar sa pag-aasikaso ng kasal. Mula sa wedding gown at sapatos ay naging madetalye ang lahat at ang church kung saan kami ikakasal ay inihanda na rin. Napaka-supportive ni Tita Zoe sa pagsasaayos at pagpla-plano namin ni Zohar sa kasal. Si Kiah ang kumuha ng designer para sa gown ko at naghanap ng wedding coordinator.

"Anya, look at this!"

Napatingin ako kay Kiah. Lumapit ako sa kaniya at sa tinuturo niyang box. Namimili kasi kami ng singsing ngayon.

Namilog ang mga mata ko at namangha sa itinuro niyang singsing. Ang ganda ng design nung singsing. Simple lang siya pero ang ganda talaga.

 Simple lang siya pero ang ganda talaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kuya will like this too. Simple lang ang design but it's elegant. What do you think, sis-in-law?"

Ngumiti ako. "Iyan na ang kunin natin, Kiah."

"Very nice. How much for these rings?" Tanong niya sa sales lady.

"85, 000, Miss."

Napaawang ang labi ko sa sinabi na presyo pero mabilis naman na nilabas ni Kiah ang card ng Kuya niya at inabot ito sa babae.

"We'll take it."

Pagod na pagod ako matapos naming mamili. Ilang stores din ang napuntahan namin para bumili ng shoes koat ng singsing.

Pauwi na ako sa Apartment ngunit napatigil ako nang may makita akong pamilyar na tao sa labas ng apartment. Kumunot ang noo ko ngunit lumapit ako sa kaniya. Matagal na rin nang huli kaming nagkita.

"A-Anya..." Utal na tawag niya sa pangalan ko.

"Harvard."

Tiningnan niya naman ako. "Black na ulit iyong kulay ng buhok mo. How are you?"

Pinakita ko ang singsing ko sa kaniya. Dalawang singsing na ang nakalagay doon. Iyong singsing noong mag-boyfriend pa lang kami ni Zohar at ang singsing noong i-aanounce ni Tita Zoe na ikakasal na kami. It's Tita Zoe's ring. Sa akin niya pinamana dahil ako ang magiging asawa ng panganay na anak niyang lalake.

"You're married?"

"Not yet pero malapit na. Kamusta?"

Napabuntong-hininga ako. Naalala kong hindi ko siya pwedeng papasukin sa loob ng apartment lalo na wala akong kasama ngayon dito dahil nag-stay sa mansion si Kleng para sumama kay Zohar.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon