Chapter 16: Uncertain Feelings

1K 29 10
                                    

Dedicated to: Aaanghel

Anya.

  Nakahinga ako nang maluwag nang makabalik ako sa booth namin at hindi ko na nakita si Harvard. Napabuntong-hininga ako at nakita ko si MJ na nakakibit-balikat habang nakatingin sa akin.

  Kinunotan ko siya ng noo. Lumapit muna ako kay Irene at inabot ang bottled water niya.

  "Thank you, Anya." Maikling sabi nito bago nagpokus sa trabaho nito.

"Anya," tawag sa akin ni MJ. Binalingan ko siya at binigyan ng nagtatanong na tingin.

  "Nakita ko kayo ni Sir Harvard kanina. Ano iyong eksena niyo? May pahawak pa si Sir sa balikat mo. Ikaw ah, umamin ka nga sa akin."

  Huminga ako nang malalim. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

  "Issue ka na naman." Mahinang sabi ko sa kaniya.

  "Hindi naman ako mag-iissue kung walang something fishy sa inyo ni Sir Harvard. Jusko ha, dalawang lalake na sa love life mo. Take note, mga lalakeng hindi basta-basta."

    "MJ naman..."

   "Anong MJ naman?!"

   "Alam mo naman kung sinong gusto ko."

   Inirapan niya ako. "Saan ka pupunta, sa taong gusto mo o sa taong gusto ka?"

  "Siyempre sa taong gusto ko. Doon ako masaya eh." Nakangiting sabi ko.

  Namilog naman ang mata niya. "Wow, ikaw gumaganiyan ka na? Ikaw pa rin ba si Anya my friend? Napakadami kasing 'ayaw' iyong Anya na kakilala ko eh pero mukhang game ka na ngayon sa usapang love life."

"Basta masaya ako ngayon." Nakangiting sabi ko na mas lalo pang naging curious sa sinasabi ko si MJ. Napailing na lamang ako.

"Ikaw, huwag mong kalilimutan na sa akin mo dapat sabihin kung kayo na ni Kuya Zohar mo." Aniya at tumawa.

"Ayoko nga."

Mabilis itong sumimangot. "Ako muna dapat makaalam bago si Zyra at Sam na friend mo."

Natawa na lamang ako. Ayaw talaga patalo ni MJ kahit kailan.

"Oo na. Basta tahimik ka lang kasi hindi ko rin alam eh."

"Hindi mo alam kung sino na sa kanilang dalawa ang gusto mo?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ikaw, walang gusto sa akin si Sir Harvard. Huwag kang maglagay ng malisya."

"Jusko, kahit ayokong maglagay ng malisya. Ikaw nga eh, naglalagay ka ng malisya."

Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Iyong bibig talaga ni MJ, kahit kailan!

"MJ!"

"Oh? Sabihin mong hindi. Kaya nga iniiwasan mo siya kasi naiilang ka 'di ba?"

Napaiwas ako ng tingin. Bumuntong-hininga si MJ dahil sa reaksiyon ko.

"Ganiyan talaga iyan. See, ang gulo ng pag-ibig. Tipong parang alam mo na kung sino ang gusto mo pero parang hindi pala kasi may dadating na iba."

May kumirot sa puso ko dahil sa sinabi ni MJ. Bakit ba naguguluhan ako? Bakot kailangan kong mailang kay Harvard kung si Zohar naman talaga ang mahal ko?

"Anya, choose the man who makes you happy. Don't choose a man that you just think you are obligated to love him."

"Hindi ganon ang nararamdaman ko kay Zohar."

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon