Chapter 19: Covering the Pain

973 20 10
                                    

CHAPTER 19: Covering the Pain

Anya.

"Wow, thanks for the dinner. I really appreciate the effort, Hendrix." Rinig kong sabi ni Sharee. Nasa baba silang lahat at kumakain kasama ni Kleng.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong ginawa iyon ngayong gabi. Nagbabakasakali ako na baka mawala iyong sakit na nararamdaman ko ngayon.

May girlfriend na si Zohar. Ang naguguluhan na nararamdaman ko ay mas lalo pang naging magulo ngayon dahil sa nalaman ko. Walang pagsidlan ang sakit na naramdaman ko nang marinig ko kay Bing na official na ang relasyon ni Zohar at Sharee.

Hindi ko maiwasan na manghina sa mga pangyayari. Noong nakaraang araw lang sinabi sa akin ni Zohar na kalimutan ko na iyong sinabi niya na ikokonsidera niya ang nararamdaman ko pero sobrang sakit pala kapag naging ganito agad. Parang ipinaramdam niya sa akin na may pag-asa ako ilang araw ang nakalipas pero ngayon ay may girlfriend na ito.

Tumayo ako at sumilip sa baba. Hawak ni Zohar ang kamay ni Sharee. Nakangiti sila sa isa't isa at mukhang msaya. May kung anong sinabi si Kleng kay Sharee na ikinatuwa nito at ginulo pa nito ang buhok ni Kleng. Si Kleng naman ay nanatiling nakangiti kay Sharee.

Nakaramdam ako ng selos sa kaniya. Masamang mainggit at magselos pero pakiramdam ko kasi nasa kaniya na iyong atensiyon ng dalawang taong mahalaga sa akin. Si Zohar at ang kapatid ko na si Kleng. Dati kaming tatlo lang, masaya na.

Tumalikod ako sa kanila at mapait na napangiti.

Kasalanan ko rin naman eh. Ginawa kong option si Zohar at hindi niya deserve iyon. Hindi niya deserve na maging pangalawa at mas lalong hindi niya deserve ang babaeng walang kasiguraduhan sa nararamdaman.

"Anya, kamusta sa bahay niyo? Unusual ka ngayon ah. Ang tahimik mo." Puna sa akin ni Sam. Nasa bahay nila ako ngayon. Naka-receive kasi ako ng text mula sa kaniya na kung pwede ay dalawin ko siya sa bahay nila ngayong sabado. Dahil wala naman akong ginagawa, pinuntahan ko na lamang siya. Gusto ko lang rin umiwas sa bahay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami gaanong nag-uusap ni Zohar. Isang linggo na naman ang lumipas nang malaman kong girlfriend na niya si Sharee.

"Sam."

Tumigil siya sa paghihiwa ng mga sangkap sa niluluto niyang sinigang at tumingin sa akin.

"Paano mo nasabi na si Kuya Vius na iyong mahal mo at hindi si Zohar?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa tanong ko. "Simple lang, mas masaya ako kapag kasama ko si Vius. Noong una naguguluhan din ako kasi parang ang bilis ng mga pangyayari sa pagitan namin ni Vius pero noong panahon na nagseselos na ako sa babae na umaaligid kay Vius, doon na ako kinutuban."

"Kinutuban?"

Tumango siya. "Oo, doon ko napagtanto na hindi na lang basta-bastang pagkagusto ang nararamdaman ko sa kaniya kasi nagseselos na ako eh. Alam mo iyong pakiramdam na gustom mo nasa iyo lang iyong atensiyon niya? Ganon! Selfish kung selfish pero wala eh, mahal ko na si Vius noong panahon na iyon."

Sumandal ako sa counter ng kitchen at huminga nang malalim.

"Bakit ganon? Dati kasi sabi ko gusto ko na si Zohar. Umiiyak pa nga ako nung panahon na nagseselos ako kasi nagdedate sila ni Sharee tapos nang biglang dumating si Harvard sa eksena, bigla na lamang akong naguluhan."

Malungkot na tumingin sa akin si Sam.

"May girlfriend na si Zohar ngayon." Aniya na mas lalo lang na nagpasikip ng dibdib ko. Alam ko naman na eh. Hindi pa nga rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon