Chapter 15: Avoiding Him

1.1K 33 3
                                    

Dedicated to: Princess_Streven here as a promised. Enjoy reading!

Anya.

Today is foundation day sa school. Excited akong bumaba ng kuwarto ko. Naka-jeans at simpleng shirt lang ako. Wala namang sinabi si MJ sa akin kung formal ba ang susuotin. Sabi niya, "wear some comfortable clotes".

Dito sa damit na ito lang ako kumportable kaya wala siyang magagawa.

Napatitig ako sa sarili ko sa salamin lalo na sa buhok ko. Naninibago pa rin ako na blonde na ang kulay ng buhok ko. Kasama ko kahapon si Sam at Zyra at sabay-sabay kaming nagpakulay ng buhok.

Nadagdagan na naman iyong kaibigan ko dahil kay Zyra. Ang bait niya sa akin. Parang parehas lang naman sila ni Sam pero mahinhin kasi si Zyra.

Muli kong sinipat ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Paglabas ko ay nadatnan ko si Zohar na kumakain na roon kasama si Kleng.

"Good morning, Ate!"

"Good morning, Anya."

Nag-iwas ako ng tingin agad. "G-good morning."

Simula nung gabing sinabi kong gusto ko siya ay iniwasan ko na muna siya. Grabe, hindi ko kayang harapin si Zohar dahil nahihiya ako. Hindi na rin naman niya ako kinausap tungkol doon na ikinahinga ko nang maluwag pero kahit halos dalawang araw na iyon. Wala, ayoko pa rin siyang kausapin.

"You're outfit is nice but don't you want to wear the dress na binili ko last time sa'yo? I'm sure it will look good on you, Anya."

Natigilan ako sa pagkuha ng pagkain ko sa sinabi ni Zohar. Naalala ko iyong dress na binili niya. Bagay daw sa akin iyon kasi simple lang pero nahihiya naman akong mag-dress sa school pero nang marinig ko ngayon kay Zohar na maganda sa akin iyon parang gusto ko ng isuot talaga.

 Bagay daw sa akin iyon kasi simple lang pero nahihiya naman akong mag-dress sa school pero nang marinig ko ngayon kay Zohar na maganda sa akin iyon parang gusto ko ng isuot talaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nahihiya akong ngumiti kay Zohar. Naiilang talaga ako. Alam kong umiiwas na lang rin siya sa akin dahil ramdam niya ang pagkailang ko.

"B-Bagay ba talaga iyon sa akin?"

He smiled. "Of course. Ikaw naalala ko sa damit na iyon. Simple but beautiful."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at hindi na muling nagsalita. Sa huli ay nagpalit ako ng damit at iyong dress na iyon ang isinuot ko.

Gaya ng dati, inihatid muna namin ni Zohar si Kleng sa school niya bago niya ako inihatid sa campus ko. Tahimik kami sa loob ng sasakyan nang maiwan kaming dalawa sa loob at tanging ang musika na nagmumula sa speaker ng sasakyan ang naririnig ko.

"Uhm, Z-Zohar." Tawag ko sa kaniya.

"Bakit?"

Nakatutok lang siya sa daan nang sinagot niya ako. Napabuntong-hininga naman ako.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon