Chapter 6: Wake Up, Anya

1.3K 39 9
                                    

Author's Note:

Gusto kong i-dedicate ang chapter na ito kay Ate Mary Chris Bulanon. Salamat po sa pagtingkilik sa akda ko. Sana patuloy niyo po akong suportahan sa journey ko as a writer.

Anya.

"Serve this." Utos ni Harvard sa kasama namin. Nagtataka ako dahil hindi niya ako gaanong inuutusan ngayon. Masama ba pakiramdam niya?

Nagpatuloy ito sa paghahalo ng nga inumin at biglang napatingin sa akin kaya nagulat ako at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Anya."

Napatigil ako at mabilis na lumingon sa kaniya.

"Hmmn?"

Walang emosiyon siyang tumingin siya sa akin. "Iniiwasan mo ba ako?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Hindi." Mabilis na sagot ko.

"Good."

"Bakit mo nasabi?" Tanong ko bigla.

Hindi na siya nagsalita pagkatapos niyon. Weird pero inutusan niya na lang ulit ako. Natapos akong nagtrabaho pati rin si MJ. Nagpaalam siyang mauuna sa akin kasi kasama niya iyong boyfriend niya. Magce-celebrate daw sila ng birthday nito. Ayaw ko namang sumabay kaya maglalakad na lang ako mag-isa papunta sa sakayan.

Mag-isa lang ako sa daan at inaaliw ang sarili ko sa dilim kahit bahagyang natatakot din ako. Napatigil ako ng biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Bahagya pa akong napaatras dahil bumukas ang bintana nito at agad kong nakita si Harvard.

"Get in."

Namilog ang mata ko sa kaniya. Totoo ba ito? Bakit parang ang bait ni Sir Harvard sa akin?

"Papasok ka or iiwan kita dito? Hindi ka safe sa lugar na ito kung alam mo lang." Seryosong saad niya at agad naman akong pumasok.

Hindi ko alam pero ang init sa loob ng sasakyan nararamdaman ko sa pisngi ko kahit na naka-on naman iyong aircon. Napakagat ako ng labi ko.

"Anya, saan ka nakatira?" Tanong niya pero nasa daan pa rin nakatuon ang atensiyon niya.

"Kung alam niyo iyong mansion ni Zohar Gustavo, doon po."

Nakita ko kung paano ito natigilan sa sinabi ko. Tumingin ito sa akin nang nakaangat ang makapal na kilay.

"Po?" Tanong ko.

"Why are you living with that man? Are you his woman?"

Umiling ako. "Nagmamagandang loob lang sa akin si Zohar. Hanggang dun lang kami. Tiyaka magkaka-girlfriend na iyon." Nakangusong sabi ko nang maalala ko si Sharee na siyang dine-date ni Zohar ngayon.

Nakaka-insecure talaga. Napatigil lang ako nang marinig ko ang mahinang tawa mula kay Harvard! Napatingin ako sa kaniya at sinimangutan niya ako.

"Why?" Tanong niya sa akin na salubong ang kilay.

Namilog ang mata ko. "Ngayon ka lang tumawa."

I heard him 'tsk' as he diverted his attention on our way.

"Ang bitter mo pala, Anya." Nanunuyang sabi niya kaya napanganga ako. Huh? Ako bitter? Kanino? Kay Zohar at Sharee?

"Hindi noh."

"Napaka-defensive mo."

Ngumuso naman ako. Defensive ba iyon? Ganun ba ako ka-obvious? Hindi pala talaga ako artistahin. Hindi talaga ako magaling magpanggap.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon