Chapter 8: Comfortzone

1.1K 42 21
                                    

Dedicated to: Great-Unknown

Anya.

BAGAMAT wala ako sa tamang wisyo ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na pumasok at magtrabaho. Pagod na ako galing sa school at hindi rin nakatulong na buong araw kong iniisip si Zohar.

Mapait akong napangiti habang nakatingin sa mga tao na nasa dance floor ng bar at panay ang talon at sayaw. Mukhang masaya sila pero hindi naman lahat ng pumupunta dito ay masaya. Iyong iba naghahanap ng aliw sa buhay. Iyong iba naman ay para sa pangangailangan.

Napabuntong-hininga na lamang ako at tinapos na iserve ang huling mga baso na iseserve ko sa table 6. Ang bigat ng katawan ko. Iyong dibdib ko sobrang bigat na panay buntong-hininga na lamang ang ginagawa ko magmula kaninang umaga. Gusto kong umalis. Gusto kong pumunta sa lugar na mag-isa lang ako at hayaan na tumulo ang luha sa mga mata ko hanggang sa mapagod ako. Hanggang sumuko ako.

Pilit kong inaaliw ang sarili ko. Nakakalungkot lang dahil hindi ko talaga kayang aliwin ang puso kong tila pira-piraso ngayon.

"Anya, sabay na tayong umuwi?" Tanong ni MJ pagkatapos niyang magbihis. Tumango naman ako sa kaniya. Wala din naman talaga akong kasabay kung wala siya.

"Oy, ayos ka lang?"

Umiling ako. Napanguso naman si MJ dahil alam na niya agad ang dahilan. Kinuha ko ang bag ko. Nagpaalam kami sa ibang staffs at tuluyan nang umalis sa bar.

"Anya, pwede ka naman magkwento. Makikinig ako." Malungkot na sabi ni MJ. Napabuntong-hininga ako. Ayokong magsalita.

"Sorry, wala ako sa mood ngayon."

Tumango naman siya na parang naiintindihan niya ako. Nakahinga ako nang maluwag. Sorry talaga sa kaniya kasi ngayon, wala ako sa mood para magsalita sa nararamdaman ko. Hindi talaga ako sanay sa nararamdaman ko. Naiilang ako kapag nagkwe-kwento ako.

May mga pagdadaanan talaga tayo sa buhay na imbes sabihin sa iba ay kailangan na lamang nating sarilinin.

"Magiging maayos din ako, MJ. Pasensiya na kung pinag-aalala kita."

"Magkapatid tayo. Hindi ka na iba, Anya." Nakangiting sabi niya at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdan ko.

Masaya din magkaroon ng kaibigan na katulad ni MJ at napakaswerte ko dahil nakilala at naging kaibigan ko siya. Oo nag-aaway kami pero parte naman iyon ng isang relasiyon.

"Salamat." Maikling sagot ko. Alam niya naman na kapag gusto ko talagang magsalita o hindi.

Mabagal lang kaming naglalakad nang huminto muli ang panilyar na kotse sa gilid ng daan. Bumukas ang bintana at nakita ko ang seryosong mukha ni Harvard.

"Get in ladies."

Nakamaang si MJ habang nakatingin kay Harvard. Sino ba namang hindi? Kahit ako noong unang sakay ko dito, nakakapagtaka na nag-aya ang isang suplado slash maldito na si Harvard.

"Ayos lang ba ulit?" Tanong ko.

Tumango naman si Harvard. Agad na umupo si MJ sa back seat at ako naman siyempre walang ibang choice kundi umupo sa harapan kasama si Harvard. Nakakahiya naman kung magmumukha lang siyang driver namin ni MJ.

"Saan ka nakatira?" Baling nito kay MJ.

Nakita ko naman kung gaano kalawak ang ngiti ng kaibigan ko sa simpleng tanong lang ni Harvard. Gusto kong ipaalala sa kaniya na may boyfriend na siya. Mukha siyang timang habang nakatingin kay Harvard na parang kinikilig.

"Sa may kanto malapit sa Geo Mart."

Hindi na kumibo si Harvard at pokus na pokus ito sa pagmamaneho. Tahimik siya kumpara noong una akong sumakay sa kotse niya.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon